Ngayong Cybersecurity Awareness Month, tuklasin kung paano pinapanatiling simple at secure ng Google ang bawat pag-sign in, kung saan ka nag-o-online.

Mga tool at tip para tulungan kang
manatiling ligtas online.

Awtomatiko naming pinoprotektahan ang iyong privacy gamit ang seguridad na nangunguna sa industriya. May ilang karagdagang hakbang na magagawa mo para pamahalaan ang iyong seguridad online at piliin ang tamang antas ng proteksyon para sa iyo.

Palakasin ang seguridad
ng iyong Google Account.

Security Checkup

Isagawa ang Security Checkup

Ang Security Checkup ay isang madaling paraan para protektahan ang iyong Google Account. Nagbibigay sa iyo ang step-by-step na tool na ito ng mga naka-personalize at naaaksyunang rekomendasyon para palakasin ang seguridad ng iyong Google Account.

2-STEP NA PAG-VERIFY

Labanan ang mga hacker sa pamamagitan ng 2-Step na Pag-verify

Nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na pigilan ang sinumang hindi dapat magkaroon ng access sa account mo sa pamamagitan ng paghiling sa iyong gumamit ng pangalawang factor bukod pa sa username at password mo para mag-log in sa iyong account. Para sa mga taong posibleng maging target ng mga online na pag-atake at nangangailangan ng mga mas maigting na proteksyon, ginawa namin ang Programang Advanced na Proteksyon.

Kaunting tulong sa
iyong mga password.

Ang paggawa ng malakas at natatanging password para sa bawat account ay isa sa mahahalagang hakbang na puwede mong gawin para protektahan ang iyong privacy. Nagpapataas ng panganib sa iyong seguridad ang paggamit ng iisang password para mag-log in sa maraming account tulad ng iyong Google Account, mga profile sa social media, at mga website ng retail.

Gumamit ng mga malakas at natatanging password

Ang paggawa ng malakas at natatanging password para sa bawat account ay isa sa mahahalagang hakbang na puwede mong gawin para protektahan ang iyong privacy. Nagpapataas ng panganib sa iyong seguridad ang paggamit ng iisang password para mag-log in sa maraming account tulad ng iyong Google Account, mga profile sa social media, at mga website ng retail.

Subaybayan ang lahat ng iyong password

Nakakatulong ang isang password manager, na tulad ng naka-built in sa iyong Google Account, na protektahan at subaybayan ang mga password na ginagamit mo sa mga site at app. Tinutulungan ka ng Password Manager ng Google na gawin, tandaan, at secure na i-store ang lahat ng iyong password para ligtas at madaling makapag-sign in sa mga account mo.

Tingnan kung may mga isyu sa seguridad ang iyong mga password

Suriin ang lakas at seguridad ng lahat ng iyong naka-save na password sa pamamagitan ng mabilisang Password Checkup. Alamin kung nakompromiso ang alinman sa iyong mga naka-save na password para sa mga third-party na site o account, at walang kahirap-hirap na palitan ang mga ito kung kinakailangan.

Matuto pa tungkol sa Password Manager ng Google
Panatilihing secure ang iyong mga device.
Mag-browse sa web nang ligtas.
Teleponong nagtatampok ng notification na secure ang koneksyon
Iwasan ang mga online na scam at
mga pagtatangkang magsagawa ng phishing

Sinasamantala ng mga scammer ang kabaitan sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga lehitimong mensahe ang kanilang mga scam. Kasama ng mga email, posible ring gumamit ang mga scammer ng mga text message, naka-automate na tawag, at mapaminsalang website para samantalahin ka.

Alamin kung paano posibleng makipag-ugnayan ang mga scammer sa iyo

Sinasamantala ng mga scammer ang kabaitan sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga lehitimong mensahe ang kanilang mga scam. Kasama ng mga email, posible ring gumamit ang mga scammer ng mga text message, naka-automate na tawag, at mapaminsalang website para samantalahin ka.

Palaging i-validate ang mga kahina-hinalang URL o link

Ang phishing ay isang pagtatangkang linlangin kang maghayag ng mahalagang personal o pinansyal na impormasyon, gaya ng password o mga detalye ng bangko. Puwede itong magkaraoon ng maraming anyo, gaya ng mga pekeng page sa pag-log in. Para maiwasang mabiktima ng phishing, huwag kailanman mag-click sa mga kaduda-dudang link; i-double check ang URL — sa pamamagitan ng pag-hover sa link o matagal na pagpindot sa text sa mobile — para tiyaking lehitimo ang website o app; at tiyaking nagsisimula ang URL sa “https.”

Mag-ingat sa mga taong nagpapanggap

Posibleng magpanggap ang mga scammer bilang mga lehitimong organisasyon tulad ng pamahalaan o mga nonprofit. Palaging magpatuloy nang may pag-iingat kapag nagbabasa ng mga mensahe mula sa taong nagpapakilalang isang mapagkakatiwalaang resource. Kung mag-i-email sa iyo ang isang taong kilala mo pero parang may kakaiba sa mensahe niya, posibleng na-hack ang account niya. Huwag tumugon sa mensahe o mag-click sa anumang link maliban na lang kung makukumpirma mong lehitimo ang email. Mag-ingat sa mga bagay gaya ng mga agarang kahilingan para sa pera, nakakaawang kuwento tungkol sa pagiging stranded sa ibang bansa, o pagsasabi ng taong nawala ang kanyang telepono at hindi ito matawagan.

Mag-ingat sa mga scam sa email o kahilingan para sa personal na impormasyon

Puwedeng kahina-hinala ang mga mensahe mula sa mga hindi kilalang tao, at posibleng isang pagpapanggap ang komunikasyon kahit na mula ito sa pinagkakatiwalaan mo, gaya ng iyong bangko. Huwag tumugon sa mga kahina-hinalang email, instant message, o pop-up na window na humihingi ng personal na impormasyon. Huwag kailanman mag-click sa mga kahina-hinalang link o maglagay ng personal na impormasyon sa mga kaduda-dudang form at survey. Kung humiling sa iyo ng donasyon para sa nonprofit, direktang pumunta sa website ng organisasyon para mag-donate sa halip na mag-click sa link na ipinadala sa iyo.

I-double check ang mga file bago i-download

Puwedeng mangyari ang ilang kumplikadong phishing na pag-atake sa pamamagitan ng mga na-infect na dokumento at PDF na attachment. Kung may makita kang kahina-hinalang attachment, gamitin ang Chrome o Google Drive para buksan ito. Awtomatiko naming isa-scan ang file at babalaan ka namin kung may matukoy kaming virus.

Mag-explore ng higit pang paraan kung paano ka namin
pinapanatiling ligtas online.