Mga ad na gumagalang sa iyong privacy.

Kapag ginagamit mo ang aming mga produkto, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong data, at responsibilidad naming protektahan at galangin ito. Kaya naman hindi namin kailanman ibinebenta ang iyong personal na impormasyon at pinoprotektahan namin ang privacy mo sa bawat hakbang.

Nagsisikap kami para sa iyo, para maprotektahan ang privacy mo

Pinoprotektahan ang iyong data gamit ang aming mga teknolohiya sa seguridad na nangunguna sa industriya, na awtomatikong nagba-block ng iba't ibang banta sa seguridad, kabilang ang mga pagtatangkang kunin ang personal na impormasyon mo.

Matuto pa
Kontrolin kung anong data ang ginagamit
para magpakita sa iyo ng mga ad.

Bumubuo kami ng mahuhusay na setting ng ad para mapili mo kung anong data ang ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad at mas makontrol mo ang mga nakikita mong ad.

Pag-personalize ng Ad

Piliin kung anong impormasyon ang ginagamit para magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad

Sa Mga Setting ng Ad, pinapadali namin ang pagkontrol sa data na ginagamit para mag-personalize ng mga ad para sa iyo. Kasama rito ang impormasyong idinagdag mo sa iyong Google Account, ang tantya namin tungkol sa iyong mga interes batay sa aktibidad mo, at mga pakikipag-ugnayan sa iba pang advertiser na nakikipag-partner sa amin para magpakita ng mga ad. Kapag naka-sign in ka sa Google, puwede mong permanenteng i-delete ang data ng aktibidad na nauugnay sa iyong account anumang oras.

I-off ang mga naka-personalize na ad anumang oras

Puwede mo ring i-off nang tuluyan ang mga naka-personalize na ad. May makikita ka pa ring mga ad, pero maaaring di na maging kasing relevant ang mga ito. Malalapat ang iyong mga setting saan ka man naka-sign in gamit ang Google Account mo, kabilang ang 2+ milyong website at app na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad.

mga kontrol sa ad

Alisin ang mga ad na ayaw mong makita

Kung ayaw mo nang makita ang mga ito sa anumang dahilan, puwede mong alisin ang marami sa mga ad na ipinapakita namin sa iyo. Puwede mo pa ngang i-off ang mga ad mula sa partikular na advertiser. Depende sa iyong Mga Setting ng Ad, awtomatikong magkakaroon ng bisa ang mga kontrol mo sa lahat ng iyong naka-sign in na device sa aming mga produkto at sa mga website at app na nakikipag-partner sa amin para magpaktia ng mga ad.

Matuto pa tungkol sa
mga ad
na nakikita mo.

Patuloy kaming nagsisikap para tulungan kang maunawaan kung paano gumagana ang pag-advertise sa aming mga platform – kabilang ang kung anong data ang ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad at kung sino ang nagbabayad para sa mga nakikita mong ad.

Bakit ipinapakita ang ad na ito?

Alamin kung anong data ang ginagamit namin para magpakita ng mga ad

Nakakatulong ang feature na “Bakit ipinapakita ang ad na ito” para maunawaan mo kung bakit mo nakikita ang isang partikular na ad. Halimbawa, puwede mong matuklasang nakakakita ka ng ad para sa camera dahil dati kang naghanap ng mga camera, bumisita sa mga website ng photography, o nag-click sa mga ad para sa camera.

Pag-verify ng pagkakakilanlan ng advertiser

Matuto tungkol sa mga advertiser na nasa likod ng mga nakikita mong ad

Para mabigyan ka ng higit pang impormasyon tungkol sa kung sino ang nag-a-advertise sa iyo, nagsisikap kami para i-verify ang pagkakakilanlan ng mga advertiser sa aming mga platform. Bilang bahagi ng inisyatibang ito, kinakailangang kumumpleto ng programa sa pag-verify ang mga advertiser para makabili ng mga ad sa Google, at makakakita ka ng mga paghahayag ng ad na naglilista ng pangalan at bansa ng advertiser.

Mag-explore ng higit pang paraan kung paano ka namin
pinapanatiling ligtas online.