Ang aming mga prinsipyo sa
privacy at seguridad.

Bumuo kami ng privacy na naaangkop sa lahat. Ang pagprotekta sa privacy at seguridad ng aming mga user ay isang responsibilidad na kaakibat ng paggawa ng mga produkto at serbisyo na libre at naa-access ng lahat. Mas lalo itong nagiging mahalaga habang umuunlad ang teknolohiya at nagbabago ang mga pangangailangan sa kaligtasan. Ginagamit namin ang mga prinsipyong ito bilang gabay ng aming mga produkto, proseso, at tao sa pagpapanatiling pribado, ligtas, at secure ng data ng aming mga user.

1.

Iginagaling namin ang aming mga user.
Iginagalang namin ang kanilang privacy.

Naniniwala kaming magkasama dapat ang mga ideyang ito. Kumakatawan ang mga ito sa iisang pangunahing paniniwalang nakakaimpluwensya sa lahat ng bagay na ginagawa namin mula pa sa simula, at sa lahat ng gagawin pa namin para sa pag-unlad. Kapag ginagamit ng mga tao ang aming mga produkto, ipinagkakatiwala nila sa amin ang kanilang impormasyon, at tungkulin naming pag-ingatan ito. Ibig sabihin, palagi kaming nag-iingat sa kung anong data ang gagamitin namin, kung paano ito gagamitin, at kung paano ito poprotektahan.

2.

Maging malinaw tungkol sa anong
data ang kinokolekta namin
at bakit.

Para matulungan ang mga taong makagawa ng mga matalinong pagpapasya tungkol sa kung paano nila gagamitin ang mga produkto ng Google, ginagawa naming madaling maunawaan kung anong data ang kinokolekta namin, kung paano namin ito ginagamit, at kung bakit. Sa pagiging tapat, mas madaling nakukuha, nauunawaan, at natutugunan ang impormasyong ito.

3.

Hindi kailanman ibebenta ang
personal na impormasyon
ng aming mga user kahit kanino.

Gumagamit kami ng data para gawing kapaki-pakinabang ang mga produkto ng Google tulad ng Search at Maps hangga't maaari. Gumagamit din kami ng data para makapaghatid ng mga mas may kaugnayang ad. Bagama't nakakatulong ang mga ad na ito para mapondohan ang aming mga serbisyo at magawang libre ang mga ito para sa lahat, mahalagang mabigyang-linaw na hindi namin ibinebenta ang personal na impormasyon ng aming mga user.

4.

Gawing madali para sa
mga tao na kontrolin
ang kanilang privacy.

Pagdating sa privacy, alam naming hindi aangkop ang isang bagay para sa lahat. Ang bawat Google Account ay binubuo nang may mga kontrol sa pag-on/pag-off ng data para makapili ang aming mga user ng mga setting ng privacy na naaangkop para sa kanila. Kasabay ng pagbabago ng teknolohiya ay nagbabago rin ang ating mga kontrol sa privacy para matiyak na ang user ang palaging makakapagpasya tungkol sa kanyang privacy.

5.

Bigyang ng kakayahan ang mga tao
na suriin, ilipat,
o i-delete ang kanilang data.

Naniniwala kaming dapat magkaroon ng access ang bawat user sa personal na impormasyong ibinahagi nila sa amin – sa anumang oras at anumang dahilan. Kaya naman patuloy naming mas pinapadali para sa mga taong ma-access at masuri ang kanilang data, ma-download at mailipat ito sa ibang serbisyo kung gusto nila, o ganap na ma-delete ito.

6.

Binubuo ang pinakamatitibay na
teknolohiyang
panseguridad
sa aming mga produkto.

Katumbas ng paggalang namin sa privacy ng aming mga user ang pagprotekta sa data na ipinagkatiwala nila sa amin. Para mapanatiling secure ang bawat produkto at serbisyo ng Google, binubuo at ipinapatupad namin ang isa sa mga pinaka-advanced na imprastraktura ng seguridad sa mundo. Nangangahulugan ito ng patuloy na pagsulong sa aming mga built-in na teknolohiyang panseguridad para tumukoy at magprotekta laban sa mga nagbabagong banta online, bago pa man umabot ang mga ito sa aming mga user.

7.

Maging halimbawa
para isulong ang online
na seguridad para sa lahat.

Ang pagpapanatiling ligtas sa mga user online ay hindi nagtatapos sa Google – umaabot ito sa buong internet. Ang Google ang unang kumpanyang gumawa ng marami sa mga pamantayang panseguridad na ginagamit nating lahat ngayon, at patuloy kaming bubuo ng mga bagong teknolohiyang panseguridad na magagamit ng lahat. Ibinabahagi namin ang aming mga kaalaman, karanasan, at tool sa seguridad sa mga partner, organisasyon, at kakumpitensya sa buong mundo, dahil kailangan ng pagtutulungan sa buong industriya para mapanatili ang seguridad sa kabuuan ng internet.

I-explore kung paano tumutulong ang Google
na mapanatiling ligtas ang lahat online.