Seguridad na
hindi mo kailangang alalahanin.

Sulitin ang iyong karanasan sa pag-browse, habang pinoprotektahan ka ng mga panseguridad na feature ng Chrome laban sa malware at mga mapanganib na site.

Built-in na seguridad

Secure bilang default

Secure bilang default

Ang Chrome ay secure bilang default, na pumoprotekta sa iyo mula sa mga mapanganib at mapanlinlang na site na posibleng magnakaw ng iyong mga password o makapinsala sa iyong computer. Dahil sa advanced na teknolohiya tulad ng pag-isolate ng site, pag-sandbox, at predictive na proteksyon laban sa phishing, nananatiling ligtas ka at ang iyong data.

Mga malakas at natatanging password habang nagba-browse ka sa web

Mga malakas at natatanging password habang nagba-browse ka sa web

Magpaalam sa mga mahina at inulit na password na puwedeng mag-expose ng iyong data sa maraming site. Puwedeng gumawa ang Chrome ng mga malakas at natatanging password, at puwede nitong i-autofill ang mga iyon para sa iyo habang nagba-browse ka sa web sa iyong laptop o mobile phone. Puwede kang balaan ng Chrome kung nakompromiso ang iyong mga kredensyal.

Palaging updated

Naa-update ang Chrome kada anim na linggo para palagi mong nakukuha ang pinakabagong feature at pag-aayos sa seguridad. At para sa mahahalagang bug sa seguridad, aayusin namin ito sa loob ng 24 na oras – wala kang kailangang gawin.

Mga kontrol sa privacy

Incognito mode

Incognito mode

Pinapanatag ng Incognito ang iyong isip kapag ibinabahagi mo ang iyong device sa mga kaibigan at pamilya. Kapag nag-browse ka sa Incognito, nade-delete sa Chrome ang iyong history ng pag-browse mula sa mga Incognito window mo kapag isinara mo ang mga iyon.

Pag-check sa kaligtasan

Puwedeng kumpirmahin ng pag-check sa kaligtasan ng Chrome ang pangkalahatang seguridad at privacy ng iyong karanasan sa pag-browse. Sinasabi nito sa iyo kung may nakompromiso sa alinman sa mga password na naka-save sa Chrome, fina-flag nito ang mga mapanganib na extension, at tumutulong ito sa iyong tiyaking up-to-date ang iyong mga proteksyong panseguridad.

Mga kontrol sa privacy

Mula sa naka-personalize na feed hanggang sa madaling pamamahala ng password hanggang mga nauugnay na resulta ng paghahanap, puwedeng iakma sa iyo ang karanasan mo sa Chrome. I-customize ang iyong karanasan sa pamamagitan ng pag-sync at mga kontrol sa privacy ng Chrome, kasama ang pagkontrol ng mga pahintulot sa website, gaya ng access sa lokasyon o camera mo.

Chrome Shop
Matuto pa
tungkol sa Chrome.
Alamin kung paano sinasama ang kaligtasan sa
bawat produktong ginagawa namin.