Tumulong na gawing mas ligtas
ang online na mundo.

Kaakibat ng paggawa ng teknolohiya para sa lahat ang pagprotekta sa lahat ng gumagamit nito. Nakatuon kami sa pagbuo at pagbabahagi ng mga teknolohiya sa privacy at seguridad na pumoprotekta sa mga user namin at nagsusulong sa industriya.

Nape-play na video tungkol sa Privacy sa Google Assistant
Nag-i-innovate para gawing
mas ligtas ang aming mga user online.

Habang nagkakaroon ng mga bagong banta at nagbabago ang mga pangangailangan ng user, patuloy kaming nagbabago para awtomatikong protektahan ang pribadong impormasyon ng bawat user, sa bawat antas ng paganib, sa lahat ng aming produkto.

Federated Learning

Bumubuo ng mga kapaki-pakinabang na produkto gamit ang mas kaunting data

Ang federated learning ay isang teknolohiya sa pag-minimize ng data na binuo sa Google na nagdadala ng kahusayan ng machine learning (ML) sa device mo mismo. Ipinagsasama ng bagong diskarteng ito ang naka-anonymize na impormasyon mula sa iba't ibang device para sanayin ang mga modelo ng ML. Nakakatulong ang federated learning na mapanatili ang iyong privacy sa pamamagitan ng pagpapanatili ng personal na impormasyon sa device mo hangga't posible.

Programang Advanced na Proteksyon

Ang pinakamaigting na seguridad ng Google para sa mga taong pinakanangangailangan nito

Iniingatan ng Programang Advanced na Proteksyon ang mga personal na Google Account na mga mas nanganganib sa naka-target na pag-atake online – tulad ng mga mamamahayag, aktibista, pinuno ng negosyo, at mga team ng pampulitikang kampanya. Nagbibigay ang programa ng komprehensibong seguridad sa account laban sa iba't ibang banta at patuloy na pinapabuti ito para magdagdag ng mga bagong proteksyon.

Pagpapataas ng mga pamantayan sa industriya
para gawing mas ligtas
ang internet para sa lahat.

Gusto naming protektahan ang aming mga user kapag online sila sa pamamagitan ng pagpapalakas ng seguridad ng buong internet, hindi lang ng mga produkto at serbisyo ng Google. Ginagawa namin ang ilan sa mga pinaka-advanced na teknolohiya sa privacy at seguridad, at malaya naming ibinabahagi ang marami sa mga ito para gamitin ng iba.

HTTPS na pag-encrypt

Tumutulong na gawing secure ang mga site sa buong web gamit ang advanced na pag-encrypt

Sa pamamagitan ng pagsuporta sa aming mga serbisyo gamit ang HTTPS na pag-encrypt, magagawa mong kumonekta nang secure sa mga site at ilagay ang iyong pribadong impormasyon tulad ng mga numero ng credit card nang walang sinumang makakakuha ng iyong impormasyon. Patuloy kaming mamumuhunan para tiyaking magbibigay ang aming mga site at serbisyo ng modernong HTTPS bilang default, at tutulungan namin ang ibang bahagi web na lumipat din sa HTTPS sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tool at resource sa lahat ng developer.

Differential Privacy

Tumutulong sa mga organisasyon na mag-anonymize ng data gamit ang differential privacy.

Ang differential privacy ay isang advanced na teknolohiya sa pag-anonymize na nagbibigay-daan sa amin na makakuha ng mga insight mula sa data nang hindi kinokompromiso ang pagiging anonymous ng aming mga user. Gumuguol kami ng mahigit sa isang dekada sa pagbuo ng pinakamalakinglibrary ng mga differential privacy algorithm sa buong mundo, at naka-open source ang library para matulungan ang mga organisasyon na madaling ilapat ang parehong mga proteksyon sa privacy sa kanilang data.

Google Safety Engineering Center
Pagdisenyo sa hinaharap
ng kaligtasan online.

Ang Google Safety Engineering Center ay ang pandaigdigang hub para sa trabaho sa kaligtasan sa internet ng Google na pinangungunahan ng dalubhasang team ng mga engineer. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa problema, pagbuo ng mga solusyon, pakikipag-partner sa iba, at pagbibigay ng kakayahan sa mga user sa lahat ng lugar, makakabuo tayo ng mas mabuti at mas ligtas na internet para sa lahat.

Matuto pa

I-explore kung paano tumutulong ang Google
na mapanatiling ligtas ang lahat online.