Ngayong Cybersecurity Awareness Month, tuklasin kung paano pinapanatiling simple at secure ng Google ang bawat pag-sign in, kung saan ka nag-o-online.

Nagsisimula ang
pagprotekta sa iyong privacy sa pinaka-advanced
na seguridad sa mundo.

Tuloy-tuloy na pinoprotektahan ng isa sa mga pinaka-advanced na imprastraktura ng seguridad sa mundo ang lahat ng produkto ng Google. Awtomatikong tinutukoy at pinipigilan ng built-in na seguridad na ito ang mga banta online, kung kaya makakampante kang ligtas ang iyong pribadong impormasyon.

Patuloy kang pinapanatiling mas ligtas
online sa pamamagitan ng
updated na seguridad.

Pag-encrypt

Pinapanatili ng pag-encrypt na pribado at ligtas ang data habang inililipat ito

Naghahatid ang pag-encrypt ng mas mataas na antas ng seguridad at privacy sa aming mga serbisyo. Kapag nagpadala ka ng email, nagbahagi ng video, bumisita sa isang website, o nag-store ng iyong mga larawan, magpapalipat-lipat ang ginawa mong data sa iyong device, mga serbisyo ng Google, at sa mga data center namin. Pinoprotektahan namin ang data na ito gamit ang maraming layer ng seguridad, kabilang ang nangungunang teknolohiya sa pag-encrypt tulad ng HTTPS at Transport Layer Security.

Mga Alertong Panseguridad

Nakakatulong ang maaagap na alertong panseguridad na protektahan ang iyong pribadong impormasyon

Aabisuhan ka namin kaagad kung may matutukoy kaming bagay na sa tingin namin ay dapat mong malaman, tulad ng kahina-hinalang pag-log in o nakakapinsalang website, file, o app, at magbibigay kami ng patnubay para tulungan kang patibayin ang iyong seguridad. Halimbawa, bibigyan ka namin ng babala sa Gmail bago ka mag-download ng attachment na maaaring maglagay sa iyo sa panganib o kung may isang taong magla-log in sa account mo mula sa device na hindi nauugnay sa iyo. Kapag may natukoy kaming kahina-hinalang bagay sa iyong account, magpapadala kami ng notification sa iyong inbox o telepono para maprotektahan mo ang iyong account sa isang pag-click.

Pag-block ng mga lumalabag na ad

Bina-block ang mga nakakapinsala at mapanlinlang na ad bago pa makarating ang mga ito sa iyo

Posibleng makaapekto sa iyong karanasan online at makakompromiso sa iyong seguridad ang mga ad na nagdadala ng malware, humaharang sa content na sinusubukan mong tingnan, nagpo-promote ng mga pekeng produkto, o lumalabag sa aming mga patakaran sa pag-advertise sa ibang paraan. Lubos naming sineseryoso ang problemang ito. Bilyon-bilyong lumalabag na ad ang bina-block namin bawat taon – sa average, 100 kada segundo – sa pamamagitan ng pinagsamang mga live na tagasuri at mabusising software. Binibigyan ka rin namin ng mga tool para iulat ang mga lumalabag na ad at kontrolin ang mga uri ng ad na nakikita mo. At aktibo naming pina-publish ang aming mga insight at pinakamahuhusay na kagawian para tulungang gawing mas ligtas ang internet para sa lahat.

Isang tower ng mga data server na may logo ng Google Cloud sa itaas

Seguridad ng Cloud

Pinoprotektahan ng aming cloud infrastructure ang data nang 24/7

Mula sa mga custom na idinisenyong data center hanggang sa mga pribadong cable sa ilalim ng dagat na naglilipat ng data sa iba't ibang kontinente, pinapatakbo namin ang isa sa mga pinaka-secure at mapagkakatiwalaang cloud infrastructure sa buong mundo. Tulkoy-tuloy itong sinusubaybayan para protektahan ang iyong data at panatilihin itong available. At sa kaganapan ng pagkagambala, posibleng awtomatiko at agad na ilipat ang mga serbisyo ng platform mula sa isang pasilidad patungo sa isa pa para magpatuloy ang mga ito nang walang pagkaantala.

MGA TOOL SA PAG-AUTHENTICATE

Mas ligtas na pag-sign in para sa lahat ng iyong online na account

Ang mga online na account ay nagbibigay ng access sa mga mahalaga at naka-personalize na serbisyo, pero ang pag-sign in sa mga ito ang pinakamalaking panganib sa seguridad sa kasalukuyan. Araw-araw, milyon-milyong password ang nalalantad sa mga paglabag sa data, na posibleng maglagay sa iyong pribadong impormasyon sa panganib.

Idinisenyo ang aming mga built-in na tool sa pag-authenticate na tulungan kang mabilis at secure na mag-sign sa mga app at serbisyong gusto mo.

Ginagawa naming secure ang mga produktong
ginagamit mo araw-araw.
I-explore pa ang mga paraan
kung paano ka namin pinapanatiling ligtas online.