Ngayong Cybersecurity Awareness Month, tuklasin kung paano pinapanatiling simple at secure ng Google ang bawat pag-sign in, kung saan ka nag-o-online.

Pinapanatili naming pribado, ligtas, at secure ang iyong personal
na impormasyon.

Sa Google, ginagalang at pinoprotektahan namin ang iyong privacy sa pamamagitan ng imprastraktura ng seguridad na nangunguna sa industriya, mga responsableng kagawian sa data, at mga madaling gamiting tool sa privacy na nagbibigay sa iyo ng kontrol.

Nagsisimula ang
pagprotekta sa iyong privacy sa pinaka-advanced
na seguridad sa mundo.

Pinoprotektahan ang iyong privacy sa Google gamit ang built-in na seguridad na idinisenyo para awtomatikong pigilan ang mga banta bago ka pa man maabot ng mga ito.

Matuto pa

Pinapanatiling ligtas ng advanced na pag-encrypt ang iyong data habang inililipat ito

Naghahatid ang pag-encrypt ng mas mahigpit na seguridad at privacy sa aming mga serbisyo. Kapag nagpadala ka ng email, nagbahagi ng video, bumisita sa isang website, o nag-store ng iyong mga larawan, magpapalipat-lipat ang ginawa mong data sa iyong device, mga serbisyo ng Google, at sa mga data center namin. Pinoprotektahan namin ang data na ito gamit ang maraming layer ng seguridad, kabilang ang nangungunang teknolohiya sa pag-encrypt tulad ng HTTPS at Transport Layer Security.

Ang mga maagap na alerto sa seguridad ay nakakatulong na protektahan ang iyong pribadong impormasyon

Aabisuhan ka namin kaagad kung may matutukoy kaming bagay na sa tingin namin ay dapat mong malaman - tulad ng kahina-hinalang pag-log in o nakakapinsalang website, file, o app - at magbibigay kami ng patnubay para matulungan kang mas maging protektado. Kapag may natukoy kaming kahina-hinalang bagay sa iyong account, magpapadala kami ng notification sa iyong inbox o telepono para maprotektahan mo ang iyong account sa isang pag-click.

Awtomatikong natutukoy at naba-block ang mga panganib

Pinoprotektahan ng Ligtas na Pag-browse ang 5 bilyong device araw-araw, pati ang sa iyo. Para gawing mas ligtas para sa lahat ang internet, ginawa naming libre ang teknolohiyang ito para magamit ng iba pang kumpanya sa kanilang mga browser, kabilang ang Safari ng Apple at Firefox ng Mozilla. Para protektado ka habang nagba-browse ka sa Google at sa iba pa.

Mga madaling gamiting tool sa privacy
na nagbibigay sa iyo ng kontrol.

Kontrolin kung anong data ang nase-save sa iyong Google Account

Pagdating sa privacy, alam naming hindi aangkop ang isang bagay para sa lahat. Kaya naman tutulungan ka naming piliin ang mga setting ng privacy na naaangkop para sa iyo. Gusto mo mang i-save, i-delete, o awtomatikong i-delete ang iyong data, ibibigay namin sa iyo ang mga tool para magawa ito.

Pinoprotektahan ang iyong privacy gamit ang
mga responsableng kagawian sa data.

May mahalagang tungkulin ang data para gawing mas kapaki-pakinabang ang mga produkto at serbisyo na ginagamit mo araw-araw. Nakatuon kami sa pangangasiwa sa data na iyon sa responsableng paraan at pagprotekta sa iyong privacy gamit ang mga mahigpit na protocol at makabagong teknolohiya sa privacy.

Mag-explore ng higit pang paraan
kung paano ka namin pinapanatiling ligtas online.