Ngayong Cybersecurity Awareness Month, tuklasin kung paano pinapanatiling simple at secure ng Google ang bawat pag-sign in, kung saan ka nag-o-online.

Tutulungan ka naming pamahalaan kung ano ang
naaangkop para sa iyong pamilya online.

Kasabay na lumalaki ng mga bata ngayon ang teknolohiya, hindi gaya ng mga nakalipas na henerasyong naipakilala lang dito. Kaya direkta kaming nakikipagtulungan sa mga eksperto at tagapagturo para matulungan kang magtakda ng mga limitasyon at gumamit ng teknolohiya sa paraang naaangkop para sa iyong pamilya.

Tulungan ang iyong mga kapamilya na maramdamang mas ligtas sila online
Teleponong nagtatampok ng bata na may pangalan ng telepono ni Benjamin na naka-lock hanggang 7 AM sa pamamagitan ng Parental Controls. Ipinapakita sa ibaba ang metro ng pang-araw-araw na limitasyon.

FAMILY LINK

Mag-set up ng parental controls

Tinutulungan ka ng Family Link na pamahalaan ang account at mga device ng iyong anak habang nag-e-explore siya online. Magtakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit, pamahalaan ang content na puwedeng makita ng iyong anak, at alamin ang lokasyon niya kapag dala niya ang kanyang device.

Bumubuo ng mga pampamilyang
karanasan
sa
aming mga produkto.
Screen na nagpapakita sa Google Kids Space na may cartoon character ng isang bata at na-curate na app na itinatampok kasama ng tumatalong hayop.

Mga Pampamilyang Karanasan

I-explore ang mga feature na idinisenyo para sa mga pamilya

Bumubuo kami ng mga espesyal na feature – tulad ng mga smart na filter, blocker ng site, at content rating – sa karamihan ng aming mga produkto sa Play Store, Assistant, YouTube, at higit pa para gawing mas kasiya-siya ang mga ito para sa iyong pamilya.

Pamahalaan kung ano ang naaangkop
para sa iyong pamilya online.