Ngayong Cybersecurity Awareness Month, tuklasin kung paano pinapanatiling simple at secure ng Google ang bawat pag-sign in, kung saan ka nag-o-online.

Ang aming mga prinsipyo sa privacy

Bumubuo ng mga produktong idinisenyong maging pribado para sa lahat.

Bumubuo kami ng mga produktong idinisenyong maging pribado at gumagana para sa lahat. Ibig sabihin, kailangan naming maging maingat sa data na ginagamit namin, kung paano namin ito ginagamit, at kung paano namin ito pinoprotektahan.

Pinapatnubayan ng mga prinsipyong ito ang aming mga produkto, proseso, at tauhan sa pagpapanatiling pribado at ligtas ng data, at pagbibigay sa iyo ng kontrol sa impormasyon mo.

1.

Hindi namin kailanman ibinebenta ang iyong personal na impormasyon sa kahit sino.

Gumagamit kami ng data para gawing kapaki-pakinabang ang mga produkto ng Google sa mga sitwasyon kung saan mahalaga ito. Tulad ng pagtulong sa iyo na makahanap ng restaurant sa malapit o ruta pauwi kung saan mas makakatipid ka ng gasolina.

Gumagamit din kami ng data para makapaghatid ng mga mas may kaugnayang ad. Bagama't ginagawang posible ng mga ad na ito na makapag-alok kami ng mga produkto nang libre para sa lahat, mahalagang linawing hindi namin kailanman ibinebenta ang iyong personal na impormasyon sa kahit sino, kahit para sa mga layunin ng mga ad. Sadyang hindi ito pinapayagan.

2.

Transparent kami tungkol sa kung anong data ang kinokolekta namin at bakit.

Gusto naming ipaalam sa iyo kung anong data ang kinokolekta namin, paano namin ito ginagamit, at bakit. Mahalaga ang transparency, kaya ginagawa naming madaling mahanap at maunawaan ang impormasyong ito. Sa pamamagitan nito, makakagawa ka ng mga may-kabatirang desisyon kung paano mo gagamitin ang mga produkto ng Google.

3.

Pinapadali namin na makontrol mo ang iyong personal na impormasyon.

Ibig sabihin, madali mong mapipili ang mga setting ng privacy na mainam para sa iyo at makokontrol mo ang personal na impormasyong ibinahagi mo sa Google kailan mo man gusto - kabilang ang pagsuri sa iyong data, pag-download at paglilipat nito sa ibang serbisyo kung gusto mo, o ganap na pag-delete nito.

4.

Binabawasan namin ang data na ginagamit namin para higit pang protektahan ang privacy mo.

Hindi namin kailanman ginagamit ang content na ginagawa at sino-store mo sa mga app tulad ng Drive, Gmail, at Photos para sa mga layunin ng pag-advertise, at hindi kami kailanman gumagamit ng sensitibong impormasyon tulad ng kalusugan, lahi, relihiyon, o sekswal na oryentasyon para mag-angkop ng mga ad sa iyo.

Ginawa rin naming default ang mga kontrol ng awtomatikong pag-delete kapag nag-sign up ka para sa Google account, kaya regular naming dine-delete ang data ng iyong aktibidad online na nakaugnay sa Google account mo, tulad ng mga hinanap at pinanood mo.

5.

Pinoprotektahan ka namin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga produktong secure bilang default.

Kapag ginagamit mo ang aming mga produkto, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong impormasyon at trabaho naming panindigan ito. Kaya naman ginagamit namin ang isa sa mga pinaka-advanced na imprastraktura ng seguridad sa mundo para protektahan ang iyong data.

Idinisenyo ang aming mga produkto para maging secure bilang default at tuloy-tuloy naming pinapalakas ang aming mga hakbang na panseguridad para ma-detect ang at magprotekta laban sa mga umuusbong na banta online, tulad ng mga bad actor na sumusubok na nakawin ang iyong personal na impormasyon, bago pa sila makaabot sa iyo.

6.

Bumubuo kami ng advanced na teknolohiya sa privacy at ibinabahagi namin ang mga ito sa iba.

Nasa sentro ng lahat ng ginagawa namin ang pagpapanatiling bukas, pribado, at ligtas ng internet. Hindi dapat huminto sa Google ang iyong kaligtasan online – saklaw dapat nito ang buong internet. Kaya naman patuloy kaming bumubuo ng mga teknolohiya sa privacy at ginagawa namin itong available sa marami. Ibinabahagi namin ang mga natututunan, nararanasan, at tool namin sa mga partner, organisasyon, at kakumpitensya, dahil kailangang magtulungan ang lahat para mapanatiling ligtas ang internet.

I-explore kung paano tumutulong ang Google
na mapanatiling ligtas ang lahat online.