Ngayong Cybersecurity Awareness Month, tuklasin kung paano pinapanatiling simple at secure ng Google ang bawat pag-sign in, kung saan ka nag-o-online.

Bumubuo ng mas ligtas at
mas mapagkakatiwalaang Internet.

Ngayon, mayroon kaming mga team ng Google na nagtatrabaho sa privacy, seguridad, responsibilidad sa content, at kaligtasan ng pamilya sa iba't ibang panig ng mundo. Tumutulong ang aming mga Google Safety Engineering Center sa Munich at Dublin na gabayan ang trabaho sa kaligtasan sa Internet na ito, na pinangungunahan ng mga dalubhasang team ng mga engineer, espesyalista sa patakaran, at eksperto sa asignatura.

Munich Center
GSEC Munich

Ang aming Munich Center ay may espesyalisasyon sa privacy at engineering para sa seguridad.

Alamin kung paano
Dublin Center
GSEC DUBLIN

Ang aming Dublin Center ay may espesyalisasyon sa responsibilidad sa content.

Alamin kung paano
Ang aming diskarte sa
engineering para sa kaligtasan.

Nakikipag-usap kami sa mga tao sa buong mundo para maunawaan ang kanilang mga alalahanin sa kaligtasan sa Internet. Binibigyan namin ang aming mga team ng mga eksperto ng espasyo, inspirasyon, at suporta para bumuo ng mga pinakabagong solusyon para makatulong na pahusayin ang kaligtasan online.

Umunawa

Nagtatanong at nakikinig kami para maunawaan ang mga panganib sa kaligtasan sa Internet sa kasalukuyan at sa hinaharap

Bumuo

Bumubuo kami ng mga bago at nauugnay na solusyon sa engineering bilang tugon sa mga problema

Magbigay ng kakayahan

Binibigyan namin ng kakayahan ang mga tao na panatilihing ligtas ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga tool, event, resource, at inisyatiba

Makipagtulungan

Nakikipagtulungan kami sa mga tagagawa ng patakaran para magbahagi ng kaalaman at tugunan ang mga kumplikadong isyu

Mga pagsulong sa cybersecurity

Alamin kung paano namin napapanatiling ligtas ang mas maraming tao online kaysa sa sinupaman sa mundo.