Pagpapataas ng mga pamantayan sa industriya
para gawing mas ligtas
ang internet para sa lahat.
Ang seguridad at privacy ng aming mga user ay nasa sentro ng lahat ng ginagawa namin, at ng bawat produktong binubuo namin. Nangunguna kami sa industriya pagdating sa paggawa at pagbabahagi ng mga teknolohiya sa kaligtasan na nagpapataas ng mga pamantayan sa industriya para sa lahat.
ligtas ang mga user online.
Habang nagkakaroon ng mga bagong banta at nagbabago ang mga pangangailangan ng user, patuloy kaming nagbabago para awtomatikong protektahan ang pribadong impormasyon ng bawat user, sa bawat antas ng panganib, sa lahat ng aming produkto.
Programang Advanced na Proteksyon
para sa pinakanangangailangan nito
Ang Programang Advanced na Proteksyon ay ang pinakamatibay na seguridad sa account na iniaalok ng Google at ang unang libreng programa sa industriya na idinisenyo para protektahan ang mga personal at enterprise na Google Account ng mga taong mas nanganganib sa mga naka-target na pag-atake – tulad ng mga tagagawa ng patakaran, team ng kampanya, mamamahayag, aktibista, at pinuno ng negosyo. Nagbibigay ang programa ng komprehensibong seguridad sa account laban sa iba't ibang banta at patuloy itong pinapabuti para magdagdag ng mga bagong proteksyon.
PAG-MINIMIZE NG DATA
Paglilimita sa personal na impormasyong ginagamit at sine-save
Naniniwala kaming dapat panatilihin ng mga produkto ang iyong impormasyon hangga't kapaki-pakinabang at nakakatulong lang ito sa iyo – para man sa paghahanap ng mga paborito mong destinasyon sa Maps o pagkuha ng mga rekomendasyon sa papanoorin sa YouTube.
Sa unang beses na io-on mo ang History ng Lokasyon – na naka-off bilang default – matatakda ang iyong opsyong awtomatikong i-delete sa 18 buwan bilang default. Magiging 18 buwan din ang default ng awtomatikong pag-delete ng Aktibidad sa Web at App para sa mga bagong account. Ibig sabihin nito ay awtomatiko at tuloy-tuloy na made-delete ang data ng iyong aktibidad pagkatapos ng 18 buwan, sa halip na panatilihin hanggang sa piliin mong i-delete ito. Puwede mong i-off ang mga setting na ito o baguhin ang iyong setting ng awtomatikong pag-delete anumang oras.
Federated Learning
Bumubuo ng mga kapaki-pakinabang na produkto gamit ang mas kaunting data
Ang federated learning ay isang teknolohiya sa pag-minimize ng data na binuo sa Google na nagdadala ng kahusayan ng machine learning (ML) sa device mo mismo. Ipinagsasama ng bagong diskarteng ito ang naka-anonymize na impormasyon mula sa iba't ibang device para sanayin ang mga modelo ng ML. Nakakatulong ang federated learning na mapanatili ang iyong privacy sa pamamagitan ng pagpapanatili ng personal na impormasyon sa device mo hangga't posible.
Pag-anonymize
Pagpapalakas ng mga proteksyon sa privacy sa pamamagitan ng pag-anonymize
Ginagamit namin ang mga nangungunang technique sa pag-anonymize para protektahan ang iyong data habang ginagawang mas epektibo ang mga serbisyo para sa iyo. Halimbawa, pinagsasama-sama namin ang data mula sa milyon-milyong user at ina-anonymize ito para makita mo kung gaano ka-busy ang isang lugar bago ka makarating doon.
Pinahusay na ligtas na pag-browse
Ang Pinahusay na Ligtas na Pag-browse ay higit pa sa aming mga kasalukuyang proteksyon sa Ligtas na Pag-browse para maging mas maagap at naaangkop sa iyong mga indibidwal na pangangailangan. Para sa mga taong piniling i-enable ang Pinahusay na Ligtas na Pag-browse sa Chrome, awtomatikong susuriin ng Google ang pangkalahatang pagtingin sa mga bantang mararanasan mo sa web at pag-atake sa iyong Google Account para magbigay ng mga mas maagap at naaangkop na proteksyon laban sa phishing, malware, at iba pang banta sa web. Matuto pa tungkol sa Pinahusay na Ligtas na Pag-browse.
ang lahat online sa pamamagitan ng pakikipag-collaborate.
Naninindigan kami para gawing mas ligtas na lugar ang web para sa lahat. Para makatulong na gawin ito, ino-open source namin ang marami sa aming mga teknolohiya at ginagawa naming accessible sa mga developer at organisasyon ang mga resource.
HTTPS na pag-encrypt
Tumutulong na i-secure ang mga site sa web sa pamamagitan ng pag-encrypt
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa aming mga serbisyo gamit ang HTTPS na pag-encrypt, magagawa mong kumonekta nang secure sa mga site at ilagay ang iyong pribadong impormasyon gaya ng mga numero ng credit card nang walang sinumang makakakuha ng impormasyon mo. Patuloy kaming mamumuhunan para tiyaking magbibigay ang aming mga site at serbisyo ng modernong HTTPS bilang default, at tutulungan namin ang ibang bahagi web na lumipat din sa HTTPS sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tool at resource sa lahat ng developer.
Ligtas na Pag-browse
Pinoprotektahan ka mula sa mga mapanganib na site, app, at ad sa web
Binuo namin ang aming teknolohiya sa Ligtas na Pag-browse para protektahan ang mga user sa web mula sa malware at pagtatangka sa phishing sa pamamagitan ng pag-alerto sa mga user kapag sinusubukan nilang bumisita sa mga mapanganib na website. Hindi lang mga user ng Chrome ang pinoprotektahan ng Ligtas na Pag-browse – para gawing mas ligtas ang internet para sa lahat, ginawa naming libre ang teknolohiyang ito para magamit ng iba pang kumpanya sa kanilang mga browser, kabilang ang Safari ng Apple at Firefox ng Mozilla. Sa ngayon, mahigit 4 na bilyong device ang pinoprotektahan ng Ligtas na Pag-browse. Inaalertuhan din namin ang mga may-ari ng website kapag may mga isyu sa seguridad ang kanilang mga site at nag-aalok kami ng mga libreng tool para matulungan silang mabilis na maayos ang mga problema.
mga open-source na teknolohiya sa privacy
Pagbabahagi ng aming mga proteksyon at inobasyon sa privacy
Nakatuon kami sa patuloy na pagpapahusay ng mga proteksyon sa privacy na iniaalok namin at pagbabahagi ng mga pagsulong na ito sa iba. Iyon ang dahilan kung bakit namin ino-open source ang aming advanced na teknolohiya sa pag-anonymize at pag-minimize ng data, gaya ng differential privacy, federated learning, at Private Join and Compute. Umaasa kaming makagawa ang mga open-source na tool na ito ng mga insight na nakakatulong sa lahat habang pinoprotektahan pa rin ang indibidwal na privacy.
Pinapalawak ng Proteksyon sa Maraming Account ang mga proteksyon sa seguridad na mayroon kami sa iyong Google Account sa mga app at site kung saan ka nagsa-sign in gamit ang Google Sign-In. Kapag ipinatupad ng mga app at site ang Proteksyon sa Maraming Account, makakapagpadala kami sa kanila ng impormasyon tungkol sa mga event tungkol sa seguridad – halimbawa, pag-hijack ng account – para maprotektahan ka rin nila. Para i-develop ang nangungunang teknolohiyang ito, nakipagtulungan kami sa iba pang pangunahing kumpanya sa teknolohiya at sa komunidad ng mga pamantayan para gawing mas madali sa lahat ng app na magpatupad.
Sa Google, pinasimulan namin ang mga vulnerability reward program na nagbabayad sa mga independent na mananaliksik para hanapin ang mga kahinaan sa aming mga serbisyo. Para gantimpalaan ang mahuhusay na external na kontribusyong nakakatulong sa aming panatilihing ligtas ang aming mga user, naggagawad kami ng milyon-milyong dolyar para sa mga pananaliksik at bug bounty bawat taon. Kasalukuyan kaming nag-aalok ng mga reward sa pagtukoy ng kahinaan sa karamihan ng aming mga produkto, kasama ang Chrome at Android.
Bukod sa pag-engganyo ng mga independent na mananaliksik, mayroon din kaming internal na team ng mga engineer, na tinatawag na Project Zero, na sumusubaybay at tumutugon as mga kakulangan sa seguridad sa software na ginagamit sa buong internet.
Lagi kaming nangunguna pagdating sa pakikipagtulungan sa paggawa o paggamit ng pinakamahuhusay na pamantayan sa pag-sign in at pag-authenticate na posible sa web. Nakikipag-collaborate kami sa buong industriya at nagbabahagi kami ng teknolohiya sa pamamagitan ng pagbuo ng mga sentralisadong pamantayan sa web. Ang isang naturang partnership sa nonprofit na organisasyong FIDO Alliance ay kumikilos para magtakda at mag-deploy ng mga bagong pamantayan sa industriya na magagamit ng mga user, kumpanya, at kanilang mga empleyado para matiyak ang secure na pag-access sa account para sa lahat.
Ibinabahagi namin ang aming teknolohiya sa seguridad kapag alam naming makakatulong ito sa iba. Ginagawa naming available nang libre ang aming Google Cloud Web Security Scanner sa mga developer para ma-scan at masuri nila ang kanilang mga web application para sa mga kahinaan sa seguridad. Nag-ambag kami ng maraming tool sa seguridad, na internal na na-develop, bilang mga open-source na proyekto para magamit ng iba.
Nagbibigay kami ng mga materyal na pang-edukasyon, pagsasanay, at tool para tulungan ang mga tao sa buong mundo na matutunan kung paano manatiling ligtas online. Mahigit 100 milyong tao ang naaabot ng aming team ng outreach taon-taon – kasama ang mga tagapagturo, mag-aaral, magulang, nakakatanda, at taong may mga kapansanan – sa pamamagitan ng mga online na resource at pagsasanay sa kaligtasan.
Ang Project Shield ay isang serbisyong gumagamit ng aming teknolohiya sa seguridad para tulungang maprotektahan ang mga balita, organisasyon ng mga karapatang pantao, site sa pagsubaybay sa eleksyon, pulitikal na organisasyon, at kampanya at kandidato mula sa mga pag-atakeng distributed denial-of-service (DDoS). Ang mga pag-atakeng ito ay mga pagtatangkang hindi paganahin ang website at pigilan ang mga user na ma-access ang mahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagpapadagsa ng pekeng trapiko sa mga ito. Palaging libre ang Project Shield, gaano man kalaki ang website o gaano man katindi ang pag-atake.
Naglunsad kami ng open-source na platform sa portability ng data at patuloy kaming nakikipag-collaborate sa mga kumpanya gaya ng Apple, Microsoft, Facebook, at Twitter para tulungang ilipat ang kanilang data sa web at madaling subukan ang mga bagong online service provider.
Nakatuon kami sa paggawa ng mga collaborative na espasyo gaya ng Privacy Sandbox at nakikipagtulungan kami sa komunidad sa web para mag-develop ng hanay ng mga bukas na pamantayan na pumoprotekta sa privacy ng user habang sinusuportahan pa rin ang libre at accessible na content sa web. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aming mga resource at platform, umaasa kaming hikayatin ang progreso patungo sa mas pribadong web.
Contact tracing
sa pampublikong kalusugan na labanan ang COVID-19
Para tulungan ang mga pamahalaan na labanan ang pandemya ng COVID-19, magkasamang ginawa ng Google at Apple ang mga teknolohiya sa contact tracing gaya ng System ng Mga Notification sa Exposure nang isinasapriyoridad sa disenyo ang privacy at seguridad. Sa pamamagitan ng malapit na pakikipagtulungan at pakikipag-collaborate sa mga developer, pamahalaan, at provider ng pampublikong kalusugan, umaasa kaming magamit ang teknolohiya para patuloy na malutas ang mga pandaigdigang isyu habang pinoprotektahan pa rin ang mga mataas na pamantayan sa privacy ng user.