Pagharap sa
privacy at security engineering sa Munich
Ang GSEC Munich ay ang pandaigdigang hub ng Google para sa privacy at security engineering sa sentro ng Europe. Itinatag noong 2019, dito nagsisikap ang 300+ nakatuong engineer na gumawa ng mga produkto at tool na makakatulong na panatilihing ligtas ang mga tao sa lahat ng lugar online, at pribado at secure ang kanilang impormasyon.
Panoorin ang pelikula
Link to Youtube Video (visible only when JS is disabled)
Isang mas masusing pagtingin sa mga inisyatiba ng
GSEC Munich
Mga setting at kontrol na madaling gamitin
Makikita mo rin ang mga tool na madaling gamitin gaya ng Privacy Checkup at Security Checkup, na gumagabay sa iyo sa pinakamahahalagang opsyon sa privacy at seguridad. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga kontrol gaya ng Mga Kontrol ng Aktibidad at Mga Setting ng Ad na pagpasyahan kung anong data ang ginagamit para i-personalize ang iyong experience, para mas mahusay na gumana ang kabuuan ng Google para sa iyo.
Mas ligtas na paraan para pamahalaan ang iyong mga password
Kilalanin ang mga taong nasa likod ng GSEC Munich
-
"Sinisigurado naming mapipili ng mga user ang level ng pangongolekta ng data kung saan sila kumportable – at binibigyan namin sila ng mga tool para mag-delete ng data kung gusto nila itong gawin."
Royal Hansen
VP, Privacy, Safety, and Security Engineering -
“Mahalaga at lubos na personal ang privacy at seguridad, at parehong dapat madaling makamit ang mga ito.”
Jan-Philipp Weber
Software Engineering -
“Nilalayon naming bigyan ang mga user ng mga kontrol para tukuyin ang data na komportable silang i-share sa Google at na piliin kung gaano katagal nilang ituturing na kapaki-pakinabang ang data na iyon. Ginagawang simple ng mga madaling gamiting disenyo para sa mga user na hanapin, gamitin, at pamahalaan ang kanilang mga preference sa data at privacy.”
Elyse Bellamy
Engineer Designer
-
“Gusto naming magkaroon ng kontrol ang mga user sa kanilang online na privacy at seguridad nang hindi nila kinakailangang mag-alala tungkol dito. Gustong i-browse ng mga user ang internet, at kailangan natin silang bigyan ng mga ligtas at makatuwirang default na setting kapag ginawa nila ito.”
Jochen Eisinger
Director of Engineering -
“May karapatan sa privacy ang lahat, anuman ang resource o teknikal na kasanayan. Layunin naming bumuo ng mga tool na nagbibigay-daan sa lahat na piliin kung ano ang tama para sa kanila at kung ano ang ginagawa nila sa sandaling iyon.”
Audrey An
Product Manager -
“Dapat ligtas na makapag-browse sa internet ang mga tao, habang nararamdaman nilang may kontrol sila sa kanilang experience. Ang mga matatag na default na proteksyon at madaling gamiting setting ng privacy at seguridad ay ang mga haligi ng kaligtasan ng user online at ang aming pang-araw-araw na ambisyonn.”
Sabine Borsay
Product Manager