Mga tool para mapalakas ang iyong seguridad
Awtomatiko naming pinoprotektahan ang iyong privacy gamit ang seguridad na nangunguna sa industriya. At nagbibigay kami ng mga tool gaya ng Security Checkup, 2-Step na Pag-verify, at Password Checkup para magbigay ng mga naka-personalize na rekomendasyon para palakasin ang iyong seguridad online.
Mga naka-personalize na rekomendasyon ng seguridad, lahat sa iisang lugar
Ang Security Checkup ay isang madaling paraan para protektahan ang iyong Google Account. Nagbibigay sa iyo ang step-by-step na tool na ito ng mga naka-personalize at naaaksyunang rekomendasyon para palakasin ang seguridad ng iyong Google Account.
Labanan ang mga hacker sa pamamagitan ng 2-Step na Pag-verify
Nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na protektahan ang account mo sa pamamagitan ng pag-require ng pangalawang form ng pag-authenticate na higit pa sa iyong username at password. Para sa mga taong posibleng maging target ng mga online na pag-atake at nangangailangan ng mas malalakas na proteksyon, ginawa namin ang Programang Advanced na Proteksyon.