Pumunta sa Content

Asul na shield na may puting G na icon.

Mga tool sa privacy na nagbibigay sa iyo ng kontrol

Pagdating sa privacy, alam naming hindi aangkop ang isang bagay para sa lahat. Kaya naman tutulungan ka naming piliin ang mga setting ng privacy na naaangkop para sa iyo. Gusto mo mang i-save, i-delete, o awtomatikong i-delete ang iyong data, ibibigay namin sa iyo ang mga tool para magawa ito.
Play video Pause video
Google Account

Madadaling gamiting setting ng privacy, lahat sa iisang lugar

Para matulungan kang pamahalaan ang iyong privacy, gumawa kami ng mga tool na madaling gamitin tulad ng Dashboard, Aking Aktibidad, Mga Setting ng History, at Ang Aking Ad Center. Nagbibigay ang mga tool na ito ng transparency at kontrol sa data na nakolekta at ginamit para gumana nang mas mahusay para sa iyo ang mga serbisyo ng Google.
Play video Pause video
Privacy Checkup

Piliin ang iyong mga setting ng privacy sa loob lang ng ilang minuto

Sa Privacy Checkup, puwede mong piliin kung anong mga uri ng data ang mase-save sa iyong Google Account, i-update kung ano ang sine-share mo sa iyong mga kaibigan o ginagawang pampubliko, at i-adjust ang mga uri ng mga ad na nakikita mo online. Puwede mong baguhin ang mga setting na ito hangga't gusto mo at puwede mo pang piliing magpadala ng mga regular na paalala.

Kontrolin ang iyong privacy,
mula mismo sa mga app na ginagamit mo
araw-araw

Play video Pause video
Incognito Mode

I-on ang Incognito mode sa Chrome, Search, YouTube, at Maps

Unang inilunsad ang Incognito mode sa Chrome, at naging available na ito mula noon sa aming mga pinakasikat na app. Sa YouTube, Search sa iOS, at Maps, mag-tap lang sa iyong larawan sa profile para mabilis itong i-on o i-off. Kapag na-on mo ang Incognito mode sa Maps at YouTube, ang iyong aktibidad, tulad ng mga lugar na hinahanap mo o ang mga video na pinapanood mo, ay hindi mase-save sa iyong Google Account. Ang iyong history ng pag-browse at cookies mula sa Incognito session mo ay nade-delete sa Chrome kapag isinara mo na ang lahat ng Incognito window.
Play video Pause video
Ang iyong data sa mga app

Kontrolin ang iyong data, mula mismo sa mga app mo

Ginawa naming mas madali para sa iyo na gumawa ng mga pagpapasya tungkol sa data mo nang direkta sa loob ng mga serbisyo ng Google na ginagamit mo araw-araw. Halimbawa, nang hindi umaalis sa Search, puwede mong suriin at i-delete ang iyong kamakailang aktibidad sa Search, mabilis na ma-access ang mga nauugnay na kontrol sa privacy mula sa iyong Google Account, at matuto pa tungkol sa kung paano pinapangasiwaan ng Search ang data mo. Maa-access mo ang mga kontrol na ito sa Search, Maps, at Google Assistant.

Ang data mo sa Search
Ang data mo sa Maps
Ang data mo sa Google Assistant