Piliin ang parental controls na
tama para sa iyong pamilya
Direkta kaming nakikipagtulungan sa mga eksperto at educator para makatulong na ibatay sa impormasyon ang mga uri ng parental controls na inaalok namin, para makapagtakda ka ng mga limitasyon at makagamit ng teknolohiya sa paraang tama para sa iyong pamilya.
Tinutulungan kang magtakda ng mga digital na panuntunan sa pamamagitan ng Family Link
Bantayan ang tagal ng paggamit
Hindi pare-pareho ang lahat ng tagal ng paggamit — puwedeng nakadepende ito kung ginagamit ng iyong anak ang kanyang device para magbasa ng libro, manood ng video, o maglaro. Puwede mong gamitin ang Family Link para makita kung aling mga app ang pinakaginagamit ng iyong anak at magpasya kung aling app ang puwede niyang i-access.
.
Ikaw ang magpapasya kung gaano katagal puwedeng gumamit ng device ang iyong anak. Sa pamamagitan ng Family Link, magagawa mong magtakda ng mga pang-araw-araw na limitasyon sa tagal ng paggamit, pumili ng mga iskedyul ng tagal ng paggamit para sa pag-aaral o downtime, at malayuang i-lock ang Android o ChromeOS device ng anak mo.
Aprubahan o tanggihan ang mga request ng iyong anak para mag-download ng mga app o gumawa ng mga in-app na pagbili sa Google Play.
I-secure at pamahalaan ang account ng iyong anak
Puwede mo ring pamahalaan kung anong makikita ng anak mo online. I-adjust ang parental controls sa mga serbisyo ng Google tulad ng Chrome, Play, YouTube, at Search. Sa pamamagitan ng Family Link, magagawa mong mag-block ng mga hindi naaangkop na site, magtakda ng mga pahintulot para sa mga app at website, at higit pa.
Mag-explore pa ng mga produktong idinisenyo para tumulong na panatilihing ligtas ang iyong pamilya
¹Puwedeng pamahalaan ng mga batang lampas na sa naaangkop na edad ang sarili nilang account.