Google Search
Pinapanatili kang mas ligtas ng built-in na seguridad laban sa
mga scam at panloloko
Ayon sa Global Anti-Scams Alliance, halos isa sa apat na tao sa buong mundo ang naapektuhan ng mga online scam at panloloko. Maling ginagamit ng mga bad actor ang teknolohiya para bumuo ng mga scam sa mga trabaho, pamumuhunan, paglalakbay, at higit pa, na umaasa sa nakakapanlinlang na content at malware para gawing mas epektibo ang kanilang mga krimen. Nakatuon ang Google na tulungan kang manatiling mas ligtas araw-araw, na may mga AI-powered na panseguridad na feature na built-in sa level ng produkto.
AI-powered na pag-detect ng scam
Ang iyong pang-araw-araw na depensa laban sa mga mapanganib na scheme
-
Sa Search, tinutulungan kami ng AI na tumuklas at mag-block ng daan-daang milyong resulta ng scam araw-araw. Ipinapakita ng aming ulat sa Paglaban sa Mga Scam sa Searchkung paano nagbigay-daan sa amin ang mga pamumuhunang ginawa namin sa aming mga AI-powered na system ng pag-detect ng scam — kasama ang mga pagpapahusay sa aming mga classifier — na makahuli ng 20 beses ng bilang ng mga scam na page. Nakakatulong ang mga pagpapahusay na ito na matiyak na lehitimo ang mga resultang nakukuha mo, at pinoprotektahan ka ng mga ito laban sa mga mapaminsalang site na sumusubok na nakawin ang iyong sensitibong data. Nagbibigay rin kami ng mga tool tulad ng Tungkol sa resultang ito, na nagbibigay-daan sa iyo na matuto pa tungkol sa mga online na source bago mag-click sa mga ito. -
Chrome
Ang mode na Pinaigting na Proteksyon ng Chrome sa Ligtas na Pag-browse ay ang aming pinakamataas na level ng proteksyon laban sa phishing, malware, at iba pang scam na puwede mong maranasan habang nagba-browse sa web. Pinapanatili nitong dalawang beses na mas ligtas ang mga consumer kumpara sa Standard Protection mode. Sa pinalawak na paggamit nito ng AI, ipinapatupad na ngayon ng Pinaigting na Proteksyon ang modelong Gemini Nano para mahulaan ang mga site ng scam sa lawak na hindi posible noon, at magagawa na rin nito ngayon na matukoy ang mga scam na hindi nakikita dati. Sinimulan na naming gamitin ang bagong AI-powered na diskarteng ito para protektahan ang mga tao laban sa mga remote tech-support scam at palalawakin namin ito para magprotekta laban sa iba pang uri ng mga scam. -
Google Maps
Patuloy kaming nagiging mas mahusay sa pagpigil at pag-aalis ng mapanlinlang na content mula sa mga bad actor. Noong nakaraang taon, nag-block o nag-alis ang aming mga AI-powered na system ng pag-detect ng higit sa 12 milyong pekeng business profile at mahigit 240 milyong review na lumabag sa aming mga patakaran. Inalis ang karamihan sa mga mapanlinlang na review sa Google Maps bago pa man makita ng aming mga user ang mga ito. -
Android
Awtomatikong fini-filter ng Android ang mga spam at phishing na mensahe, at sini-screen nito ang mga scam na tawag. Proactive kang binabalaan ng mga aktibong proteksyon bago ka bumisita sa isang natukoy na mapanganib na site. Araw-araw na sina-scan ang lahat ng app sa iyong device para sa tuloy-tuloy na seguridad. At pinapanatiling ligtas ng proteksyon sa pagnanakaw ang iyong data bago, habang, at pagkatapos ng mga pagtatangka sa pagnanakaw. -
Pixel
Karaniwang pinasisimulan ang mga scam sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono at text message. Madalas na mukhang hindi nakakapinsala sa simula ang mga ito pero posibleng maging mga mapanganib na sitwasyon ang mga ito. Gumagamit ang Pag-detect ng Scam ng malakas na on-device na AI para tumulong sa pag-detect ng mga pattern ng pakikipag-usap na karaniwang ginagamit ng mga scammer, nang real time. Maabisuhan sa mga tawag at text message kung potensyal na scammer ang nasa kabilang linya.