Ang Secure AI Framework ng Google
(SAIF)
Napakalaki ng potensyal ng AI, lalo na ng generative AI. Habang sumusulong ang inobasyon, kailangan ng industriya ng mga pamantayan sa seguridad para sa pagbuo at pag-develop ng AI sa responsableng paraan. Kaya naman ipinakilala namin ang Secure AI Framework (SAIF)], isang conceptual na framework para sa pag-secure ng mga AI system.
Anim na pangunahing salik ng SAIF
-
Palawakin ang matitibay na pundasyon ng seguridad sa ecosystem ng AI
-
Palawakin ang pag-detect at pagtugon para madala ang AI sa kapaligiran ng banta sa seguridad ng isang organisasyon
-
I-automate ang mga depensa para matugunan ang mga kasalukuyan at bagong banta
-
Gawing magkakaayon ang mga kontrol sa antas ng platform para matiyak ang maaasahang seguridad sa buong organisasyon
-
Iayon ang mga kontrol para isaayos ang mga pagtugon at gumawa ng mas mabibilis na feedback loop para sa pag-deploy ng AI
-
Iayon ang konteksto ng mga banta sa AI system sa mga nauugnay na proseso ng negosyo
Pagbibigay-daan sa mas ligtas na ecosystem
Mga karagdagang resource
Mga karaniwang tanong
tungkol sa SAIF
May mahabang kasaysayan ang Google sa pagsusulong ng responsableng pag-develop ng AI at cybersecurity, at ilang taon na naming inilalapat ang pinakamahuhusay na kagawian sa seguridad sa mga inobasyon sa AI. Produkto ng napakaraming karanasan at pinakamahusay na kagawian na binuo at ipinapatupad na namin ang aming Secure AI Framework, at ipinapakita nito ang diskarte ng Google sa pagbuo ng mga app na pinapagana ng ML at generative AI nang may mga responsive, sustainable, at naa-upgrade na proteksyon para sa seguridad at privacy. Patuloy naming papaunlarin at itataguyod ang SAIF para matugunan ang mga bagong panganib, nagbabagong kapaligiran, at bagong inobasyon sa AI.
Tingnan ang aming maikling gabay sa pagpapatupad ng SAIF framework:
- Hakbang 1 - Unawain ang paggamit
- Kapag nauunawaan ang partikular na problema sa negosyo na lulutasin ng AI at ang data na kailangan para i-train ang modelo, maibabatay rito ang patakaran, mga protocol, at mga kontrol na kailangang ipatupad bilang bahagi ng SAIF.
- Hakbang 2 - Buuin ang team
- Mga pagsisikap na nauugnay sa maraming larangan ang pagbuo at pag-deploy ng mga AI system, gaya rin ng mga tradisyonal na system.
- Ang mga AI system ay kadalasang kumplikado at hindi madaling maunawaan, maraming gumagalaw na bahagi, umaasa sa napakaraming data, nangangailangan ng maraming resource, magagamit para magsagawa ng mga desisyon ayon sa pagpapasya, at makakabuo ng walang-katulad na content na puwedeng maging nakakapanakit, maging mapanganib, o makapagsulong ng mga stereotype at bias sa lipunan.
- Itaguyod ang tamang cross-functional team para matiyak na sa simula pa lang ay magsasama na ng mga pagsasaalang-alang sa seguridad, privacy, panganib, at pagsunod.
-
Hakbang 3 - Magtakda ng level sa pamamagitan ng primer sa AI
- Habang tinatahak ng mga team sa pagsuri sa paggamit ng AI sa negosyo, at ang iba't ibang pagbago-bagong kontrol sa kumplikasyon, panganib, at seguridad na nalalapat, mahalagang maunawaan ng lahat ng partidong kasangkot ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa life cycle ng pagbuo ng modelo ng AI , disenyo at logic ng mga pamamaraan ng modelo, kabilang ang mga kakayahan, kagandahan, at limitasyon.
-
Step 4 - Ilapat ang anim na pangunahing salik ng SAIF
- Hindi nilalayong ilapat ang mga salik na ito ayon sa pagkakasunod-sunod.
Manatiling nakaantabay! Magpapatuloy ang Google sa pagbuo at pagbabahagi ng mga resource, gabay, at tool sa Secure AI Framework, kasama ng iba pang pinakamahusay na kagawian sa pag-develop ng AI application.