Pagtugon sa
cybersecurity sa Málaga
Matatagpuan sa sentro ng Andalusia, ang GSEC Málaga ay isang international na cybersecurity hub kung saan kumikilos ang mga eksperto ng Google para maunawaan ang landscape ng cyber threat at gumawa ng mga tool na magpapanatili sa mga negosyo, pamahalaan, at user sa buong mundo na maging mas ligtas online.
Isang mas masusing pagtingin sa
aming mga inisyatiba sa cybersecurity
Pagbabahagi ng kadalubhasaan sa cybersecurity
Pag-detect at pagtugon sa banta
Kilalanin ang mga tao sa likod ng GSEC Málaga
-
“May mahabang kasaysayan ang Google na magsikap para mapanatiling ligtas ang mga tao online, at nag-aambag ang GSEC Málaga sa misyong ito na gawing mas ligtas na lugar ang internet.”
Bernardo Quintero
Founder, VirusTotal -
“Gumagawa kami ng ecosystem ng seguridad kung saan nag-aambag at nakikinabang ang lahat.”
Ángela Dini
Head of Design, VirusTotal -
“Binibigyang-linaw namin ang mga cyber attack at adversarial na pattern. Nagbibigay-daan ito sa amin na bigyang-lakas ang mga organisasyon na labanan ang mga banta at proactive na protektahan ang kanilang data, mga empleyado, mga user, at negosyo.”
Emiliano Martinez
Lead Product Manager, VirusTotal
-
“Gumagawa ako ng mga solusyon sa cybersecurity na magagamit ng mga tao para depensahan ang mga sarili nila laban sa mga cyber criminal.”
Marta Gómez
Software Engineer -
“Misyon naming bumuo ng mas ligtas na internet para sa mga pamilya, negosyo, at pamahalaan sa buong Europe at sa mundo.”
Juan Infantes
Tech Lead, VirusTotal -
“Sa GSEC Malaga, ibinabahagi namin ang aming expertise sa komunidad, gamit ang aming space bilang platform para sa cyber engagement sa lahat ng level.”
Paloma Simon
GSEC Malaga Program Manager
-
“Para makatulong na panatilihing ligtas ang mga user online, ino-organize ng VirusTotal ang impormasyon ng mundo sa mga nakakapinsalang file at URL at ginagawa itong naa-access at kapaki-pakinabang para sa lahat.”
Karl Hiramoto
Senior Software Engineer -
"Layunin naming tulungan ang mga taong manatiling ligtas online kaya ginagawa naming maaaksyunan, mauunawaan, at kapaki-pakinabang hangga't posible ang threat intelligence."
Vicente Díaz
Software Engineer