Ang pinakasimple, at pinaka-secure na paraan
sa pag-sign in sa iyong mga account nang walang password
Mas madali at mas secure na alternatibo sa mga password ang mga passkey. Sa pamamagitan ng mga ito, makakapag-sign in ka gamit lang ang iyong fingerprint, scan ng mukha, o screen lock.
Link to Youtube Video (visible only when JS is disabled)
Isang hakbang patungo sa isang walang password na hinaharap
Pagbibigay-daan sa mas ligtas na ecosystem
Naghahatid ng mga passkey sa mga negosyo at pamahalaan
Pakikipagtulungan para sa isang walang password at mas ligtas na pag-sign in sa Internet
Mga karaniwang tanong tungkol sa mga passkey
Layunin naming sumulong sa isang hinaharap na walang password dahil ginagawang mas madali at mas ligtas ng mga passkey ang pag-sign in. Habang ginagawa namin ang paglipat na ito, patuloy na magagamit ang mga password kahit kailan mo gusto.
Oo, puwede mong gamitin sa pag-sign in ang iyong password at isang ika-2 factor, kung may naka-set up kang ganito. Gamit ang passkey, magkakaroon ka ng kakayahang mag-sign in nang mas mabilis kaysa sa iyong password at ikalawang factor.
Kung ma-detect ng Google na wala ka pang passkey sa isang device, ipo-prompt ka naming gumawa nito. Kakailanganin mo ng isang passkey bawat device, maliban kung may ilang mekanismo na ang device na “mag-synchronize” ng mga passkey sa ibang device, tulad ng Apple iCloud. Sa sitwasyong ito, isang passkey lang para sa lahat ng iCloud device mo ang nire-require.
Oo, makakapag-log in ka pa rin gamit ang iyong tradisyonal na paraan ng pag-log in, na sa karamihan ng sitwasyon ay gamit ang iyong username at password.
Puwede kang bumalik sa mga legacy na opsyon sa pag-authenticate kahit kailan gaya ng mga password at tradisyonal na 2-step na pag-verify. Sa sitwasyong hindi mo na matandaan ang iyong password, puwede ka ring dumaan sa proseso ng Pag-recover ng account ng Google. Hinihikayat ka naming idagdag ang iyong email at numero ng telepono para matiyak na palagi mong maa-access ang iyong account.
Kung ginagamit mo ang “Mag-sign in gamit ang Google,” hindi. Passkey lang ang kailangan mo para makapasok sa iyong Google Account. Kung gumagamit ka ngayon ng direktang pag-sign in na “nakabatay sa password” sa isang website/serbisyo/app, malamang na aalukin kang gumawa ng hiwalay na passkey para sa serbisyong iyon sa susunod na pagkakataong mag-log in ka, kung sinusuportahan ng serbisyo ang mga passkey.
Maso-store ang mga passkey sa pisikal na security key, o sa iyong computing device (telepono, PC, Mac, atbp). Sa loob ng ilang taon, mga pisikal na security key lang ang lugar kung saan makakapag-store ng mga passkey ang mga user. Ngayon, para mas mapadali ang lahat, puwede kang makakuha ng parehong level ng proteksyon laban sa phishing na nakukuha mo sa mga passkey na nasa mga security key, mula sa mga passkey na naka-store na sa iyong telepono at iba pang device. Wala kang ibang kailangang gawin; mas madali lang ang mga bagay-bagay. Sa halip na kailanganin ang passkey sa iyong pisikal na security key kapag nagsa-sign in, magagamit mo na rin ngayon ang passkey sa laptop o desktop mo.
Hindi, puwede kang magpasyang patuloy na gamitin ang iyong password para mag-sign in. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, habang mas nasasanay ang mga user sa mga passkey, baka limitahan namin kung saan namin papayagan ang paggamit ng mga password dahil hindi ganoon ka-secure ang mga ito kumpara sa mga passkey.