Hanapin
Ang mas ligtas na paraan
para maghanap
Sa loob ng nakalipas na 20 taon, bilyon-bilyong tao ang ipinagkatiwala sa Google Search ang kanilang mga tanong. Nagsisikap kami araw-araw na makuha ang tiwalang iyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng maaasahang impormasyon at pagprotekta sa iyong privacy gamit ang built-in na teknolohiya sa seguridad.
Idinisenyo para sa privacy ang Search
Para mapanatiling secure ang iyong data, binuo namin ang ilan sa pinaka-advanced na panseguridad na imprastraktura sa mundo. Pinapanatili ng imprastrakturang ito na pribado at secure ang iyong data habang ipinapadala sa pagitan ng device mo at ng aming mga data center. Kung ise-save mo ang iyong Search history sa Google Account mo, ang data na gagawin mo ay dumadaan sa iyong device, mga serbisyo ng Google, at mga data center namin. Pinoprotektahan namin ang data na ito gamit ang maraming layer ng seguridad, kasama na ang nangungunang teknolohiya sa pag-encrypt gaya ng HTTPS at encryption at rest.
May responsibilidad kaming protektahan at igalang ang iyong data. Kaya naman hindi namin kailanman ibinebenta ang iyong personal na impormasyon — period.
Nag-aalok ang Search ng mga kontrol sa privacy para mapili mo kung ano ang ise-save mo sa iyong Google Account. Puwede mo ring i-on ang awtomatikong pag-delete para tuloy-tuloy na awtomatikong i-delete ang iyong data.
.
Kung may kahati ka sa isang device, baka mainam kung sisiguraduhin mong hindi mapupuntahan ng ibang gumagamit nito ang Aking Aktibidad para matingnan ang Search history na naka-save doon. Mapipili mo na ngayong humingi ng karagdagang pag-verify para sa Aking Aktibidad . Sa setting na ito, kakailanganin mong magbigay ng karagdagang impormasyon — tulad ng iyong password o two-factor authentication — bago puwedeng matingnan ang buong history mo.
Pinoprotektahan ka ng Google habang naghahanap ka
Tumutulong ang Search sa pagprotekta sa iyo laban sa mga nakakapinsalang website kung saan posibleng manakaw ang personal na impormasyon o pagkakakilanlan mo. Araw-araw kaming nagde-detect at nagba-block ng 40 bilyong page ng spam mula sa mga resulta ng paghahanap - kasama ang mga site na naglalaman ng malware o ginawa nang may layuning manlinlang para nakawin ang iyong personal na impormasyon.
.
Nakakatulong sa iyo ang mga resulta tungkol sa iyo na manatiling mas ligtas at mas pribado online sa pamamagitan ng pag-aalerto sa iyo kung makita sa mga resulta ng paghahanap ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan para mapaalis mo ito sa Google. Makikita mo ito sa Google app sa pamamagitan ng pag-click sa larawan ng iyong Google account at pagpili sa “Mga resulta tungkol sa iyo,” o sa pamamagitan ng pagbisita sa goo.gle/resultsaboutyou .
.
Pinoprotektahan ng Ligtas na Pag-browse ng Google ang mahigit apat na bilyong device at, kapag na-enable sa Chrome, nagpapakita ito ng mga mensahe ng babala na nagpapaalam sa iyo na posibleng hindi ligtas ang site na sinusubukan mong puntahan. Nakakatulong ang mga babalang ito na protektahan ka at ang iyong personal na impormasyon laban sa mga potensyal na malware at phishing scam.
.
Naka-encrypt bilang default ang lahat ng paghahanap sa Google.com at sa Google app, para nananatiling ligtas ang iyong impormasyon laban sa sinumang sumusubok na mag-intercept ng data na ito.
Kapag naghanap ka sa Google, posibleng may makita kang resulta mula sa isang source na hindi pamilyar sa iyo. Para sa mga sitwasyong ito, nagbibigay ang Google ng tool na makakatulong sa iyo na matuto pa tungkol sa mga resulta mo sa Search .
.
Idinisenyo ang SafeSearch para mag-detect ng explicit na content tulad ng pornograpiya at graphic na karahasan sa Google Search. Kung ayaw mong makakita ng explicit na content sa iyong mga resulta ng paghahanap, puwede mong piliin ang I-filter para ma-block ang anumang explicit na content na na-detect, o I-blur para ma-blur ang mga explicit na larawan.
Awtomatikong nakatakda ang SafeSearch sa I-filter kapag natukoy ng mga system ng Google na posibleng wala ka pang 18 taong gulang.
.
Madaling i-delete ang Search history sa iyong account - o piliing huwag itong i-save
Kapag naghanap ka sa Google nang naka-on ang Aktibidad sa Web at App, nagse-save ang Google ng aktibidad tulad ng Search history mo sa iyong Google Account. Ginagamit namin ang iyong naka-save na aktibidad sa lahat ng serbisyo ng Google para bigyan ka ng mga mas naka-personalize na experience, tulad ng mga rekomendasyon sa app at content. Puwede kang pumunta sa Aking Aktibidad para i-delete ang ilan sa o buong Search history na naka-save sa iyong Google Account at pamahalaan ang mga setting tulad ng kung anong aktibidad ang sine-save ng Google at kung kailan awtomatikong ide-delete ng Google ang naka-save mong aktibidad.
Tandaang kahit na kung hindi naka-save ang Search history mo sa iyong Google Account, o kung ide-delete mo ito sa Aking Aktibidad, posible pa rin itong i-store ng iyong browser. Tingnan ang mga tagubilin ng iyong browser para sa mga gagawin para ma-delete ang history ng browser mo.
.
Mapipili mong awtomatiko at tuloy-tuloy na ipa-delete sa Google ang iyong Search history, kasama ng iba pang Aktibidad sa Web at App, sa account mo pagkalipas ng tatlo, 18, o 36 na buwan. Para sa mga bagong account, 18 buwan ang default na opsyong awtomatikong i-delete para sa Aktibidad sa Web at App, pero mapipili mong i-update ang iyong mga setting kung gusto mo.
.
Puwede mong mabilis na i-delete ang huling 15 minuto ng naka-save na Search history sa iyong account sa isang pag-tap ng button: available ang feature na ito kapag ginagamit mo ang Google app o Google.com habang naka-sign in.
.
Isang Google app na may mga feature sa seguridad at privacy na kailangan mo
May Incognito mode ang Google app para sa iOS. Palaging isang pag-tap lang mula sa homescreen ang kailangan para makarating dito.
.
Kung may kahati ka sa isang device, baka mainam kung papanatilihin mong pribado ang mga paghahanap na ginawa sa Incognito mode mula sa ibang may access sa device. Puwede mong i-enable ang Face ID para sa Incognito mode para gawing mas secure ang mga paghahanap mo.
Madaling hanapin at gamitin ang mga kontrol sa privacy. I-tap lang ang iyong larawan sa profile para ma-access ang menu ng account mo at i-delete ang kamakailang Search history sa iyong Google Account sa isang pag-click lang.
.
Ang Google app ay may kasamang password manager na nagmumungkahi at nagse-save ng mga malakas na password at ibinibigay nito ang mga ito kapag kailangan mo.
Sa pamamagitan ng aming mga tool para sa mga bata at pamilya, nagiging mas ligtas para sa lahat ang Search