Gemini
I-supercharge ang pagiging malikhain mo
Manatiling may kontrol.
Sa pamamagitan ng mga accessible na resource at kontrol sa mobile app at experience sa web ng Gemini, mapipili mo ang mga setting ng privacy na naaangkop sa iyo at madali mong masusuri ang content.
Accessible na impormasyon at mga kontrol sa privacy
Ipinapaliwanag ng Hub ng Privacy ng Mga Gemini App kung anong data ang kinokolekta ng Google kapag ginagamit mo ang Gemini, kung paano ito ginagamit, at kung paano mo mapipili ang mga setting ng privacy na naaangkop sa iyo.
Para protektahan ang iyong privacy, nakatakda bilang default na awtomatikong i-delete ang iyong aktibidad pagkalipas ng 18 buwan, pero ikaw ang may kontrol. Puwede mong i-adjust ang setting na ito para mas maaga o mas huling awtomatikong mag-delete o i-off ang Aktibidad sa Mga Gemini App kahit kailan.
Mga tool at pag-iingat para sa mas kapaki-pakinabang na content
Ginagamit ng feature ng Gemini na I-double check ang Google Search para tulungan kang i-verify ang impormasyon sa mga sagot nito. I-tap ang icon ng Google para tingnan kung aling mga pahayag ang sinasang-ayunan o kinokontra sa web.
Para sa mga prompt na naghahanap ng impormasyon sa Gemini, i-tap ang mga drop-down na icon sa mga sagot ng Gemini para mag-explore ng mga link papunta sa nauugnay na content na makakatulong sa iyo na matuto pa.
Alinsunod sa mga alituntunin sa patakaran namin para sa Gemini, tumutulong ang mga pag-iingat na pigilan ang paglabas ng potensyal na mapaminsalang content sa mga sagot ng Gemini.
Para sa mga mas batang user, nagpapatupad kami ng mas mahihigpit pang patakaran sa content at mga default na proteksyon para makatulong na makaiwas sa content na hindi akma sa edad, gaya ng content na nauugnay sa mga substance na ilegal o may gate ng edad.
Awtomatikong ino-onboard sa Gemini ang mga mas batang user sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang na video na nagse-share ng mga simpleng tip para sa responsableng paggamit ng AI.