Fitbit
Pinangangasiwaan ang iyong data ng kalusugan nang may
pangangalagang dapat lang nitong matanggap.
Nakatuon kami sa pagprotekta sa impormasyon mo at pagtiyak na ginagamit ang iyong data sa responsable at secure na paraan para masuportahan ang iyong journey sa kalusugan at wellness. Shine-share lang ang iyong personal na impormasyon nang may pahintulot mo maliban kung para sa mga piling sitwasyon, gaya ng para sa mga legal na dahilan.
I-explore ang aming mga artikulo ng tulong para matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan ng Google at Fitbit ang data ng kalusugan mo.
.
Ikaw ang personal na magdedesisyon kung paano mo gagamitin ang Fitbit. Para tulungan kang gumawa ng mga desisyon tungkol sa kung anong data ang pipiliin mong i-save o i-delete, ginagawa naming madaling maunawaan kung anong data ang kinokolekta at bakit. Tingnan kung anong data ang kinokolekta ng Fitbit at kung paano ito ginagamit sa mga setting ng Fitbit app mo o sa iyong Google Account .
Makokontrol mo ang data ng kalusugan mo gamit ang madaling hanapin at madaling gamiting mga setting ng privacy para sa iyong mga pinakasensitibong uri ng data, at puwede mong i-on o i-off ang mga opsyonal na feature kahit kailan.
Para sa iyo ang iyong data ng kalusugan at wellness sa Fitbit, hindi para sa Google Ads. Pampublikong nangako ang Google sa mga regulator na hindi namin ginagamit ang data ng kalusugan at wellness ng mga user ng Fitbit para sa Google Ads, at pinapanatili naming nakahiwalay ang data na ito.
.
Puwede mong i-export o i-delete ang data ng kalusugan mo anumang oras mula sa mga setting ng iyong Fitbit app o sa Google Account mo. Puwede mo ring i-delete ang iyong account o serbisyo sa Fitbit anumang oras, at may opsyon kang i-recover ang serbisyo mo sa loob ng hanggang 30 araw.
Para sa higit pang opsyon sa pamamahala ng data, alamin kung gaano kadaling maglipat papunta sa Google Account.
Ginagamit ng Fitbit ang mga gawi sa seguridad ng Google para mapanatiling ligtas at pribado ang iyong data at protektahan ito laban sa hindi awtorisadong pag-access sa mga system ng Fitbit.
Palaging naka-encrypt ang pag-transmit ng data sa pagitan ng aming mga device at server. Makakakita ka ng higit pang detalye tungkol dito sa Patakaran sa Privacy ng Fitbit o Patakaran sa Privacy ng Google .
Nakatuon kami sa pagbibigay ng seguridad na nangunguna sa industriya, kaya naman regular naming sinusuri ang aming mga gawi sa seguridad para sa tuloy-tuloy na proteksyon ng iyong data, at available ang two-step na pag-authenticate para i-secure ang iyong account.
Puwede mong piliing magbigay ng pahintulot para magsimulang gumamit ang pangongolekta at pagpoproseso ng karagdagang data ng mga opsyonal na feature, at puwede kang mag-opt out sa mga opsyonal na feature kahit kailan.
Kapag may pahintulot mo, puwede ka ring mag-share ng data na gagamitin para sa pananaliksik at pag-develop ng mga bagong produkto at serbisyo o para suportahan ang pananaliksik sa kalusugan. Hindi isasama ang iyong pangalan, email, o iba pang impormasyong direktang nagtutukoy sa iyo sa alinman sa data na ginagamit para sa mga layuning ito.