Chrome
Seguridad na
hinding-hindi mo kailangang alalahanin.
Sulitin ang iyong experience sa pag-browse, habang pinoprotektahan ka ng mga panseguridad na feature ng Chrome laban sa malware at mga mapanganib na site.
Built-in na seguridad
Naka-default na maging secure
Naka-default na maging secure ang Chrome, na pumoprotekta sa iyo mula sa mga mapanganib at mapanlinlang na site na posibleng magnakaw ng iyong mga password o makapinsala sa iyong computer. Dahil sa advanced na teknolohiya tulad ng pag-isolate ng site, pag-sandbox, at predictive na proteksyon laban sa phishing, nananatiling ligtas ka at ang iyong data.
Mga malakas at natatanging password habang nagba-browse ka sa web
Mamaalam na sa mahihina at ginagamit ulit na password na posibleng maglantad ng data mo sa maraming site. Puwedeng gumawa ang Chrome ng mga malakas at natatanging password, at puwede nitong i-autofill ang mga iyon para sa iyo habang nagba-browse ka sa web sa iyong laptop o mobile phone. Puwede kang balaan ng Chrome kung nakompromiso ang iyong mga kredensyal.
Naa-update ang Chrome kada anim na linggo para palagi mong nakukuha ang pinakabagong feature at pag-aayos sa seguridad. At para sa mahahalagang bug sa seguridad, aayusin namin ito sa loob ng 24 na oras – wala kang kailangang gawin.
Mga kontrol sa privacy
Incognito mode
Pinapanatag ng Incognito mode ang iyong isip kapag ibinabahagi mo ang iyong device sa mga kaibigan at pamilya. Kapag nag-browse ka sa Incognito, nade-delete sa Chrome ang iyong history ng pag-browse mula sa mga Incognito window mo kapag isinara mo ang mga iyon.
Puwedeng kumpirmahin ng pag-check sa kaligtasan ng Chrome ang pangkalahatang seguridad at privacy ng iyong experience sa pag-browse. Sinasabi nito sa iyo kung may nakompromiso sa alinman sa mga password na naka-save sa Chrome, fina-flag nito ang mga mapanganib na extension, at tumutulong ito sa iyong tiyaking up-to-date ang iyong mga proteksyong panseguridad.
Mula sa naka-personalize na feed hanggang sa madaling pamamahala ng password hanggang sa mga nauugnay na resulta ng paghahanap, puwedeng iakma sa iyo ang experience mo sa Chrome. I-customize ang iyong experience sa pamamagitan ng pag-sync at mga kontrol sa privacy ng Chrome, kasama ang pagkontrol ng mga pahintulot sa website, gaya ng access sa lokasyon o camera mo.