Assistant
Ginawa ang Google Assistant para panatilihing
pribado, ligtas, at secure ang iyong impormasyon.
Kapag ginagamit mo ang Google Assistant, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong data, at responsibilidad naming protektahan at galangin ito. Personal ang privacy. Iyon ang dahilan kung bakit gumagawa kami ng mga simpleng kontrol sa privacy para tulungan kang piliin kung ano ang tama para sa iyo. I-explore ang page na ito para matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang Google Assistant, iyong mga built-in na kontrol sa privacy, mga sagot sa mga karaniwang tanong, at higit pa.
Panoorin ang pelikula
Link to Youtube Video (visible only when JS is disabled)
Nagsisimula nang naka-standby
Alamin kung paano pinapangasiwaan ng Google Assistant ang mga audio recording
Hindi. Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang may ma-detect itong pag-activate, halimbawa, kapag narinig nito ang “Ok Google.” Kapag nasa standby mode ito, hindi ipapadala ng iyong Assistant sa Google o sa kahit na sino ang sinasabi mo. Kapag naka-detect ang Google Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode at ipapadala nito ang iyong kahilingan sa mga server ng Google. Puwede rin itong mangyari kung may tunog na parang “Ok Google” o kung may hindi sinasadyang manual na pag-activate.
May ilang paraan para i-activate ang iyong Assistant depende sa device mo. Halimbawa, puwede mong sabihin ang “Ok Google” o manual itong i-activate sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa power button o button ng home ng iyong telepono.
Ipapaalam sa iyo ng status indicator sa iyong device, gaya ng indicator sa screen o mga nagpapatay-sinding LED sa itaas ng device mo, kapag naka-activate ang Google Assistant.
Posibleng ma-activate ang Google Assistant kahit hindi mo ginusto dahil mali nitong na-detect na gusto mo ng tulong nito - halimbawa, kapag may tunog na parang “Ok Google” o manual mo itong na-activate nang hindi sinasadya.
Kung mangyari ito, at naka-on ang iyong Aktibidad sa Web at App, puwede mong sabihin ang “Ok Google, hindi iyon para sa iyo,” at ide-delete ng iyong Assistant ang sinabi mo sa Aking Aktibidad . Puwede mo ring suriin at i-delete ang iyong mga interaction sa Assistant sa Aking Aktibidad anumang oras. Kung mag-activate ang Google Assistant nang hindi mo ginusto, at naka-disable ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App, hindi iso-store ang iyong interaction sa Assistant sa Aking Aktibidad. Gayunpaman, kung naka-on ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App, iso-store sa Aking Aktibidad ang iyong mga interaction sa Assistant, kabilang ang anumang hindi sinasadyang pag-activate, at ituturing na tulad ng mga normal na pag-activate ang mga ito. Ginagamit ang iyong data sa Aking Aktibidad para mag-develop at magpahusay ng mga serbisyo ng Google (kabilang ang mga teknolohiyang nakakatulong na bawasan ang mga hindi sinasadyang pag-activate), gaya ng ipinapaliwanag sa Patakaran sa Privacy ng Google. Puwede mong ihinto ang pag-save ng aktibidad anumang oras sa pamamagitan ng pag-off sa iyong setting ng Aktibidad sa Web at App.
Para mas iangkop ang Google Assistant sa iyong kapaligiran, puwede mong isaayos kung gaano kasensitbo ang Assistant mo sa mga parirala para sa pag-activate (tulad ng “Ok Google”) sa pamamagitan ng Google Home app para sa mga smart speaker at smart display.
Tuloy-tuloy kaming nagsisikap na pahusayin ang aming mga system para sa lahat, kabilang ang pagbuo ng mga teknolohiya para makatulong na bawasan ang mga hindi sinasadyang pag-activate.
Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang may ma-detect itong pag-activate. Sa standby mode, nagpoproseso ang device ng maiikling snippet ng audio (ilang segundo) para mag-detect ng pag-activate – tulad ng kapag sinabi mong “Ok Google.” Kung walang na-detect na pag-activate, hindi ipapadala o ise-save sa Google ang mga snippet ng audio na iyon.
Kapag naka-detect ang iyong Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode - kasama rito kung may hindi sinasadyang manual na pag-activate o tunog na parang “Ok Google.” Pagkatapos, ire-record ng iyong device ang maririnig nito at ipapadala nito ang audio recording sa mga server ng Google para tugunan ang request mo. Posibleng kasama sa recording ang ilang segundo bago ang pag-activate para makuha ang buo mong request.
Bilang default, hindi sine-save ang iyong mga recording ng audio sa mga server ng Google - puwede mong baguhin ang setting na ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-check sa checkbox na “Isama ang aktibidad sa boses at audio” sa ilalim ng setting na Aktibidad sa Web at App .
Idinisenyo para sa privacy
Ginagamit ng Assistant ang iyong mga query at impormasyon mula sa mga naka-link mong device at serbisyo para maunawaan at masagot ka, kabilang ang pag-personalize sa iyong experience. Kasama sa mga halimbawa ng impormasyon mula sa iyong mga naka-link na device at serbisyo ang lokasyon, mga contact, mga pangalan ng device, gawain, event, alarm, naka-install na app, at playlist.
Ginagamit din ang iyong data para i-develop at pahusayin ang mga produkto at serbisyo at mga teknolohiya sa machine learning ng Google (kabilang ang mga teknolohiyang nakakatulong na bawasan ang mga hindi sinasadyang pag-activate), tulad ng ipinapaliwanag sa Patakaran sa Privacy ng Google. Para makatulong na i-assess ang kalidad at mapahusay ang Assistant, binabasa, ina-annotate, at pinoproseso ng mga taong tagasuri (na kinabibilangan ng mga third party) ang text ng iyong mga query sa Assistant at kaugnay na impormasyon. May mga ginagawa kaming hakbang para protektahan ang iyong privacy bilang bahagi ng prosesong ito. Kabilang dito ang pag-aalis ng kaugnayan ng iyong mga query sa Google Account mo bago makita o ma-annotate ng mga tagasuri ang mga ito.
Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang Google pagdating sa iyong data . Bumisita sa Patakaran sa Privacy ng Google para matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan at ginagamit ng Google ang iyong data.
Bilang default, hindi sine-save ang iyong mga recording ng audio sa mga server ng Google - puwede mong baguhin ang setting na ito anumang oras sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa checkbox na “Isama ang aktibidad sa boses at audio” sa setting na Aktibidad sa Web at App setting.
Gamit ang Naka-personalize na pagkilala sa speech , mas gagaling ang Google Assistant sa pagkilala sa iyong mga salita at parirala para makapag-alok ng mas nababagay na tulong. Simula sa Pixel 7 at Pixel 7 Pro, gumagana ang feature na ito sa pamamagitan ng pag-save sa iyong mga interaction sa Assistant, kasama na ang audio, nang ligtas sa device mo. Puwede mong i-off ang featuer na ito anumang oras sa “Iyong Pagkilala sa Speech” sa mga setting ng Assistant.
Kung gusto mong tumulong na pahusayin ang aming teknolohiya ng pagkilala sa audio para sa lahat, kabilang ang mga teknolohiya para makatulong na bawasan ang mga hindi sinasadyang pag-activate para sa lahat, puwede mong piliing secure na panatilihin ang iyong mga audio recording at gawing available ang mga ito sa aming mga system sa pagpapahusay ng speech. Nakakatulong ito sa mga produktong gaya ng Google Assistant na pahusayin ang kakayahan ng mga ito na maunawaan ang wika nang mas mabuti sa hinaharap. Matuto pa tungkol sa prosesong ito.
Kung magpapasya kang i-save ang iyong mga recording ng audio, posibleng suriin namin ang mga bahagi ng mga iyon para tulungan kaming pahusayin ang aming mga teknolohiya ng pagkilala ng audio, kabilang ang mga teknolohiya para makatulong na bawasan ang mga hindi sinasadyang pag-activate para sa lahat.
Halimbawa, puwedeng gamitin ang mga audio recording para sa proseso ng pagsusuri ng audio ng Google. Sa prosesong ito, inaalisan ng kaugnayan sa mga Google account ang sample ng mga snippet ng audio na pinili ng machine. Pagkatapos, masusuri ng mga sinanay na tagasuri (na kinabibilangan ng mga third party) ang audio para i-annotate ang recording at i-verify kung tumpak na naintindihan ng mga teknolohiya ng pagkilala ng audio ng Google ang mga sinabing salita. Nakakatulong ito sa produktong gaya ng Google Assistant na pahusayin ang kakayahan nitong maunawaan ang wika nang mas mabuti sa hinaharap.
Puwedeng mag-isyu ang mga ahensya ng pamahalaan ng mga legal na proseso sa Google na nagre-request ng data ng user. Sinusuri namin nang mabuti ang bawat request alinsunod sa mga naaangkop na batas. Kung masyadong malawak ang sakop ng isang request, posible namin itong limitahan, o puwede kaming tumutol sa pagbibigay ng hinihinging data. Sa aming Transparency Report, sine-share namin ang bilang at mga uri ng mga request na natatanggap namin. Matuto pa .
Hindi kailanman ibinebenta ng Google ang iyong mga recording ng audio o iba pang personal na impormasyon.
Mga kontrol sa privacy na madaling gamitin
Tanungin lang sa Google Assistant ang mga tanong gaya ng “Saan ko puwedeng palitan ang mga setting ng privacy ko?” para makakuha ng mga sagot sa mga pinakakaraniwang tanong sa privacy at seguridad. O puwede mong bisitahin anumang oras ang “Iyong data sa Google Assistant” nang direkta para i-access ang iyong mga kontrol sa privacy.
Puwede mong suriin at i-delete ang iyong mga interaction sa Assistant sa Aking Aktibidad, o sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Ok Google, i-delete ang sinabi ko ngayong linggo.” Pumunta sa mga setting ng Assistant mo para ma-access ang mga karagdagang kontrol.
Oo, puwede mong gawing awtomatikong nade-delete ang iyong data sa aktibidad mula sa Aking Aktibidad . Pumili ng limitasyon sa oras para sa kung gaano katagal mong gustong ma-save ang data ng aktibidad mo – 3, 18, o 36 na buwan – at tuloy-tuloy na awtomatikong ide-delete sa Aking Aktibidad ang anumang data na mas matagal doon.
Puwedeng i-personalize ng data mula sa iyong Google Account ang experience mo sa Google Assistant at gawing mas nakakatulong sa iyo ang Assistant mo.
May ilang tanong na kailangan ang iyong data para makatulong ang Google Assistant. Halimbawa, kung itatanong mo ang “Kailan ang kaarawan ng nanay ko?” kailangang i-reference ng iyong Assistant ang mga contact o para malaman kung sino si "nanay" at hanapin ang kanyang kaarawan. O kaya, kung itatanong mo ang “Kailangan ko ba ng payong bukas?” gagamitin ng iyong Assistant ang kasalukuyan mong lokasyon para ibigay sa iyo ang pinakanauugnay na sagot.
Gumagamit din ang Google Assistant ng data para bigyan ka ng mga proactive na suhestyon. Halimbawa, puwede kang abisuhan ng iyong Assistant kapag may trapiko sa mga karaniwan mong ruta sa pamamagitan ng paggamit sa iyong lokasyon.
Mapapahusay ng Google Assistant ang iyong mga resulta gamit ang aktibidad sa Google Account mo. Halimbawa, kung itatanong mo ang “Ano ang lulutuin ko para sa hapunan mamayang gabi?” puwedeng gamitin ng iyong Assistant ang nakaraang Search history para magbigay ng mga naka-personalize na inirerekomendang recipe.
Puwede mong bisitahin anumang oras ang “Iyong data sa Google Assistant” para tingnan o i-delete ang data mo, tingnan ang iyong mga kasalukuyang setting, at matuto pa tungkol sa mga available na kontrol.
Bisitahin ang Patakaran sa Privacy ng Google para matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan at ginagamit ng Google ang iyong data.
Alamin kung paano ginagamit ng Google Assistant ang iyong data .
Oo. Dahil sa Google Assistant, nagiging mas madali para sa mga user na magkaroon ang bawat isa ng naka-personalize na experience sa isang nakabahaging device. Para makatanggap ng mga personal na resulta – tulad ng mga direksyon papunta sa trabaho o naka-personalize na rekomendasyon sa recipe – kapag nakikilala lang ng iyong Assistant ang boses mo, i-set up ang Voice Match sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito . Makakakuha din ang mga user ng Family Link ng mga personal na resulta mula sa Google Assistant sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito .
Sa mobile at mga nakabahaging device gaya ng mga speaker, puwede mong kontrolin ang access sa mga personal na resulta sa pamamagitan ng pagbabago sa iyong mga setting. At sa mobile, puwede mong kontrolin kung paano lumalabas ang mga personal na resulta sa iyong lock screen.
Ok Google, sabihin sa akin ang tungkol sa Guest Mode
Para i-on ang Guest Mode, sabihin lang ang “Ok Google, i-on ang Guest Mode” sa iyong speaker o Smart Display. Para bumalik sa iyong naka-personalize na experience sa Assistant, sabihin lang ang “Ok Google, i-off ang Guest Mode.” Mananatili sa Guest Mode ang iyong device hanggang humiling ka o ang ibang tao na umalis sa mode.
Kapag nasa Guest Mode ka, magpe-play ng espesyal na chime ang iyong device. Sa mga display, makakakita ka rin ng icon ng bisita sa screen. At kung hindi ka sigurado, puwede kang magtanong anumang oras. Sabihin lang ang “Ok Google, naka-on ba ang Guest Mode?"
Oo, puwedeng i-on at i-off ng sinumang nakikipag-interact sa iyong device ang Guest Mode.
Hindi mao-on ng mga batang may account na naka-link sa Google Assistant ang Guest Mode.
Hindi, kapag na-on ang Guest Mode sa isang device, hindi nito io-on ang Guest Mode para sa maraming device.
Sa Guest Mode, puwede mo pa ring i-enjoy ang ginhawang dala ng iyong Assistant, gaya ng pagtatanong, pagkontrol ng mga device para sa smart na tahanan, pagtatakda ng timer, at pag-play ng musika. Gayunpaman, hindi magiging available ang mga naka-personalize na resulta hanggang umalis ka sa Guest Mode. Kasama rito ang iyong kalendaryo, mga listahan ng bibilhin, mga naka-save na contact, at higit pa. Puwede mong sabihin ang “Ok Google, i-off ang Guest Mode” anumang oras para bumalik sa iyong naka-personalize na experience.
Ang iyong mga interaction sa Assistant, kasama ang lahat ng boses na query mo, ay hindi mase-save sa iyong Google Account. Kung hihilingin mo sa iyong Assistant na makipag-interact sa iba pang app o serbisyo, gaya ng provider ng musika mo o iba pang produkto ng Google, posibleng i-retain pa rin ng app o serbisyong iyon ang iyong history ng aktibidad sa app na iyon.
Habang nasa Guest Mode, hindi mase-save sa iyong Google Account ang history ng aktibidad mo sa Google Assistant at hindi ito gagamitin para i-personalize ang iyong experience sa Assistant. Halimbawa, kung maghahanap ka ng mga recipe habang nasa Guest Mode, hindi gagamitin ng Google ang mga pag-search na iyon para iangkop ang mga rekomendasyon para sa iyo sa hinaharap. Gayunpaman, dahil posible pa ring i-save ng iba pang produkto ang iyong aktibidad kung makikipag-interact ka sa kanila habang nasa Guest Mode, posible pa ring gamitin ang iyong aktibidad sa YouTube at Maps habang nasa Guest Mode para magrekomenda ng mga video at lugar na pupuntahan sa hinaharap.
Kahit na karaniwang nase-save sa iyong Google Account ang mga recording ng audio mo at aktibidad ng Assistant sa device, hindi ito mangyayari sa Guest Mode.
Binuo para sa mga pamilya
Nagbibigay ang Google Assistant ng iba't ibang aktibidad, mula sa mga kuwento, hanggang sa mga laro, hanggang sa mga tool sa pag-aaral para sa mga bata at pamilya, kabilang ang ilang content na ibinibigay ng mga third-party na developer. Ang mga developer na ito ay dapat kwalipikadong mag-publish ng content para sa mga pamilya sa Assistant sa pamamagitan ng pagkakaroon ng app na Naaprubahan ng Guro , o pagpasok sa isang kasunduan sa partnership kasama ang Google para sa kanilang pampamilyang Action. Ang anumang Action na nilalayon para sa mga bata na ibinigay ng mga third-party na developer ay dapat tumugon sa mga partikular na requirement ng aming programa para sa Mga Action para sa Mga Pamilya, bukod pa sa mga karaniwan naming patakaran sa Action. Sinusuri namin ang mga Action na ito sa pagsunod ng mga ito sa aming mga patakaran at requirement bago ito karaniwang nagiging available sa Google Assistant.
Puwede kang magtakda ng mga kontrol sa content para sa mga nakabahaging device sa iyong bahay, gaya ng mga smart display, gamit ang mga kontrol sa Digital Wellness sa Google Home app. Gamit ang mga setting na ito, magagawa mong pamahalaan ang mga iskedyul ng downtime, mga setting sa pag-filter ng content, at limitahan ang ilang partikular na aktibidad, gaya ng mga tawag sa telepono. Mapapagpasyahan mo rin kung nalalapat ang mga setting na ito sa mga bisita at sinusubaybayang account na pinapamahalaan gamit ang Family Link , o lahat ng user ng device na iyon.
Puwede kang magtakda ng mga limitasyon para sa mga indibidwal na bata gamit ang parental controls na iniaalok sa Family Link . Sa mga nakabahaging device, puwede mong i-link ang account ng iyong anak sa device gamit ang Voice Match , para makilala siya ng Assistant. Kapag naka-enroll na ang iyong anak, makakapag-access lang siya ng Mga Action na hindi Google na may badge na “Para sa mga pamilya” at mapipigilan siyang magsagawa ng ilang partikular na aksyon, gaya ng pagbili sa pamamagitan ng Assistant. Nalalapat ang mga limitasyong ito sa anumang Google Assistant device kung saan naka-enroll ang mga ito. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang Family Link account sa Google Home at Assistant, tingnan ang Tulong para sa Google for Families .
Hindi nagbabahagi ang Google ng personal na impormasyon, gaya ng pangalan, email address, mga recording ng boses, o partikular na lokasyon ng iyong anak, sa mga provider ng Mga Action para sa Mga Pamilya. Sumasang-ayon din ang mga provider na ito na hindi humingi ng personal na impormasyon mula sa mga user sa kanilang mga pag-uusap sa Google Assistant. Kikilos kami kung may mapag-alaman kaming anumang Action na lumalabag sa mga patakarang ito.
Hindi kami nagse-save ng mga audio recording mula sa mga interaction sa mga pambatang feature gaya ng mga aktibidad sa Mga Action para sa Mga Pamilya o mga video sa YouTube Kids, maliban na lang kung may pahintulot kaming gawin ito para sa isang Google Account na Pinapamahalaan gamit ang Family Link na nag-opt in na isama ang mga audio recording. Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Notification ng Privacy .
Oo. Puwede mong i-access, i-export, at i-delete ang na-save na aktibidad ng iyong anak sa pamamagitan ng pag-sign in sa kanyang account na pinapamahalaan ng Family Link. Puwede mo ring pamahalaan ang mga setting ng aktibidad ng iyong anak sa pamamagitan ng Family Link app, o sa pamamagitan ng pagbisita sa families.google.com at pag-click sa profile ng bata. Para sa higit pang detalye, pumunta sa g.co/childaccounthelp .