Kung hindi ito secure,
hindi ito pribado
Tuloy-tuloy na pinoprotektahan ng isa sa mga pinaka-advanced na imprastraktura ng seguridad sa mundo ang lahat ng produkto ng Google. Awtomatikong nade-detect at pinipigilan ng built-in na seguridad na ito ang mga banta online, kung kaya makakampante kang ligtas ang iyong pribadong impormasyon.
Mas marami kaming taong pinapanatiling ligtas online kaysa sa sinupaman sa mundo
Pinapanatili ng pag-encrypt na pribado at ligtas ang data habang inililipat ito
Naghahatid ang pag-encrypt ng mas mataas na level ng seguridad at privacy sa aming mga serbisyo. Kapag nagpadala ka ng email, nag-share ng video, bumisita sa isang website, o nag-store ng iyong mga larawan, nagpapalipat-lipat ang ginagawa mong data sa iyong device, mga serbisyo ng Google, at sa mga data center namin. Pinoprotektahan namin ang data na ito gamit ang maraming layer ng seguridad, kabilang ang nangungunang teknolohiya sa pag-encrypt tulad ng HTTPS at Transport Layer Security.
Nakakatulong ang maaagap na alertong panseguridad na protektahan ang iyong pribadong impormasyon
Aabisuhan ka namin kaagad kung may ma-detect kaming bagay na sa tingin namin ay dapat mong malaman, tulad ng kahina-hinalang pag-log in o nakakapinsalang website, file, o app, at magbibigay kami ng gabay para tulungan kang patibayin ang iyong seguridad. Halimbawa, bibigyan ka namin ng babala sa Gmail bago ka mag-download ng attachment na posibleng maglagay sa iyo sa panganib, o kung may isang taong magla-log in sa account mo mula sa device na hindi nauugnay sa iyo. Kapag may na-detect kaming kahina-hinalang bagay sa iyong account, magpapadala kami ng notification sa iyong inbox o telepono para maprotektahan mo ang iyong account sa isang pag-click.
Pag-block ng mga nakakapinsala at mapanlinlang na ad bago pa makarating ang mga ito sa iyo
Posibleng makaapekto sa iyong online na experience at makakompromiso sa iyong seguridad ang mga ad na nagdadala ng malware, humaharang sa content na sinusubukan mong tingnan, nagpo-promote ng mga pekeng produkto, o lumalabag sa aming mga patakaran sa pag-advertise sa ibang paraan. Lubos naming sineseryoso ang problemang ito. Bilyon-bilyong lumalabag na ad ang bina-block namin bawat taon — 100 kada segundo bilang average — sa pamamagitan ng pinagsamang mga live na reviewer at sopistikadong software. Binibigyan ka rin namin ng mga tool para iulat ang mga nakakapanakit na ad at kontrolin ang mga uri ng ad na nakikita mo. At aktibo naming pina-publish ang aming mga insight at pinakamahuhusay na kagawian para tulungang gawing mas ligtas ang internet para sa lahat.
Pinoprotektahan ng aming cloud infrastructure ang data nang 24/7
Mas ligtas na pag-sign in para sa lahat ng iyong online na account
Ang aming mga built-in na tool sa pag-authenticate ay idinisenyo para tulungan kang mag-sign in nang mabilis at secure sa mga app at serbisyong gusto mo.