Ang mas ligtas na paraan ng paghahanap
Sa nakalipas na 20 taon, bilyun-bilyong tao ang nagtiwala sa Google Search pagdating sa kanilang mga katanungan. Araw-araw, nagsusumikap kaming makuha ang inyong tiwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng maaasahang impormasyon at pagprotekta sa inyong privacy sa pamamagitan ng built-in na teknolohiyang panseguridad.
Sini-secure namin ang inyong data sa pamamagitan ng teknolohiyang nangunguna sa industriya at sa pamamagitan ng pag-encrypt ng bawat paghahanap. Bumubuo kami ng mga kontrol upang makapili kayo ng privacy settings na tama para sa inyo. At hindi namin kailanman ibebenta ang inyong personal na impormasyon
Seguridad ng data
Upang mapanatiling ligtas ang inyong data, kami ay bumuo ng ilan sa pinaka-advance na imprastrakturang panseguridad sa mundo. Pananatilihing pribado at ligtas ng imprastrakturang ito ang inyong data habang ipinadadala sa pagitan ng inyong device at ng aming mga data center. Kung ise-save ninyo ang kasaysayan ng inyong Paghahanap sa inyong Google Account, ang data na inyong nilikha ay lilipat sa pagitan ng inyong device, mga serbisyo ng Google, at ng aming mga data center. Pinoprotektahan namin ang inyong data sa pamamagitan ng maraming layer na panseguridad, kabilang ang nangungunang teknolohiya sa encryption na tulad ng HTTPS at encryption at rest.
Responsibilidad sa data
Aming responsibildad ang protektahan, at igalang ang iyong data. Kaya hindi namin ibebenta ang inyong personal na impormasyon - period.
Madaling gamitin na kontrol
Ang Search ay nagbibigay ng pampribadong kontrol upang makapagdesisyon kayo kung ano ang ise-save sa inyong Google account. Maaari niyo rin itong i-on upang awtomatikong patuloy na ma-delete ang inyong data.
Proteksyon ng inyong privacy para sa kasaysayan ng inyong Paghahanap
Kung kayo ay may kahati sa inyong device, maaari ninyong kailanganing matiyak na ang ibang gumagamit nito ay hindi makakapasok sa inyong MyActivity at titingnan ang kasaysayan ng inyong paghahanap na naka-save doon. Maaari na ninyong piliin na mag-require ng karagdagang verification para sa My Activity Sa ganitong setting, kakailanganin ninyong magbigay ng karagdagang impormasyon — tulad ng inyong password o two-factor na pagkakilanlan-bago makita ang inyong buong kasaysayan.
Ang Google Search ay ang mas ligtas na paraan ng paghahanap. Araw-araw, ang Search ay humaharang sa 40 bilyon na spammy site sa resulta ng paghahanap upang kayo ay makapaghanap nang ligtas. Ang Search ay nagbibigay rin ng tools upang mas matutunan pa ang tungkol sa mga resulta ng inyong paghahanap at makontrol ang inyong karanasan sa paghahanap.
Ang Search ay kusang hinaharang ang webspam na galing sa results
Ang Search ay kusang hinaharang ang webspam na galing sa results
Ang Search ay tumutulong protektahan kayo laban sa mga nakakapinsalang website kung saan ang inyong personal na impormasyon o pagkakakilanlan ay maaring manakaw. Araw-araw, natutunton at hinaharang namin ang 40 bilyong pahina ng mga spam sa mga resulta ng paghahanap - kasama na ang mga site na may malware o ginawang mapanlinlang upang nakawin ang inyong personal na impormasyon.
ligtas na pag browse
ligtas na pag browse
Ang Google Safe Browsing ay nagbibigay ng proteksyon sa halos 4 na bilyong device, at kapag enabled nasa Chrome, ito ay nagpapakita ng babala upang ipaalam sa inyo na ang inyong pinapasukang site ay hindi ligtas. Ang mga babalang ito ay tumutulong na protektahan kayo at ang inyong personal na impormasyon laban sa mga potensyal na malware at phishing scam.
Lahat ng paghahanap ay ligtas sa pamamagitan ng encryption
Ang lahat ng paghahanap sa Google.com at mga Google app ay default na naka-encrypt upang mapanatiling ligtas ang inyong impormasyon laban sa mga nagnanais na harangin ang inyong data.
Ang SafeSearch
Ang SafeSearch ay idinisenyo upang tuklasin ang mga tahasan na content kagaya ng pornograpiya at larawan ng karahasan sa Google search. Kung di mo nais makita ang mga tahasan na nilalaman ng inyong resulta sa paghahanap, maaari ninyong piliin ang Filter upang harangin ang mga tahasan na content na natuklasan o blur upang palabuin ang mga tahasan na imahe.
Ang SafeSearch ay awtomatikong naka-set sa Filter kung ipinapahiwatig ng mga sistema ng Google na kayo ay wala pang 18 taong gulang.
Napakadaling burahin ang kasaysayan ng iyong paghahanap o maaaring wag na nalg i-save
Burahin ang kasaysayan ng inyong Paghahanap sa My Activity
Kapag kayo ay naghanap sa Google nang nakabukas ang inyong Web & App Activity, isine-save ng Google and inyong mga ginagawa, tulad ng Kasaysayan ng Paghahanap, sa iyong Google Account. Ginagamit rin namin ang inyong mga naka-save na aktibidad mula sa ibang Google Services upang bigyan kayo ng mas mga personalized na karanasan, tulad ng mga rekomendasyon sa app at content. Maaari kayong pumunta sa My Activity upang burahin ang ilan o lahat ng mga naka-save sa Kasaysayan ng Paghahanap ng inyong Google Account at i-manage and settings tulad ng mga aktibidad na sine-save ng Google at kapag ang Google ay nag-o-auto-delete ng inyong mga nai-save na aktibidad.
Tandaan na kahit ang inyong Kasaysayan ng Paghahanap ay hindi naka-save sa inyong Google Account, o may nabura kayo mula sa My Activity, mapapanatili pa rin ito ng inyong browser. Tignan ninyo ang browser's instruction para sa mga direksyon sa kung paano burahin ang inyong browser history.
Gumamit ng auto-delete controls
Gumamit ng auto-delete controls
Maaari ninyong piliin na awtomatiko at patuloy na burahin ng Google ang Kasaysayan ng inyong Paghahanap, kasama ang ibang mga Web & App Activity, mula sa inyong account pagkatapos ng tatlo, 18 o 36 na buwan. Para sa mga bagong account, ang default na auto-delete na opsyon para sa Web & App Activity ay 18 buwan, ngunit maaari pa rin ninyong piliin ang pag-update ng inyong settings kung gusto ninyo.
Google Search