Pumunta sa Content

Asul na shield na may puting G na icon.

Ang aming mga pagsulong sa cybersecurity

Ang aming diskarte

Protektahan ang mga tao, negosyo,
at pamahalaan

Naglalagay kami ng advanced na seguridad sa bawat yugto ng aming pag-develop ng produkto at cloud infrastructure. Nagbibigay-daan ito sa mga organisasyon na i-modernize at palakasin ang kanilang IT security habang tinutulungan ang mga user na protektahan ang kanilang personal na impormasyon at i-access ang Internet sa ligtas na paraan.

Bigyang-kakayahan ang lipunan na tugunan ang mga panganib sa cybersecurity

Nakikipagtulungan kami sa mga nangunguna sa cybersecurity, pamahalaan, at komunidad ng seguridad para isulong ang mga pamantayan sa mundo na nagbibigay ng priyoridad sa mga proteksyon sa user, nilalabanan ang pagpapakalat ng maling impormasyon, at nagbabahagi ng kaalaman sa panganib para panatilihing bukas at secure para sa lahat ang internet.

Isulong ang mga teknolohiya sa hinaharap

Nagsisikap kaming protektahan ang mga vulnerable na user laban sa mga online na pag-atake habang pinoprotektahan ang kanilang privacy sa pamamagitan ng mga pagsulong sa AI, hardware, cloud computing, at pagpapataas sa mga international na pamantayan para sa quantum computing.

Pakikipag-collaborate para gawing
mas ligtas para sa lahat ang paggamit ng internet

Ang cybersecurity ay isang team sport, at kapag nagtutulungan tayo, napapabilis natin ang inobasyon at naisusulong natin ang pinakamahuhusay na kagawiang napapakinabangan ng lahat sa kumplikado at mabilis na nagbabagong landscape na ito.

Kilalanin ang mga hacker na nagpapanatiling ligtas sa mga tao online

Limang elite security team. Anim na bagong labas na kuwento. Pumunta sa likod ng mga eksena para makita kung paano pinapanatiling ligtas ng Google ang mas maraming tao online kaysa sa sinuman sa mundo.
Larawan ng video sa YouTube ng isang figure sa dilim na nasa harap ng matingkad na pulang background para sa isang video na tinatawag na Hacking Google Series Trailer.

Link to Youtube Video (visible only when JS is disabled)

Pagpapalakas sa workforce ng cybersecurity para makatulong sa pagbuo ng mas ligtas na mundo para sa lahat

Tumaas nang 38% noong nakaraang taon ang mga cyberattack sa buong mundo, na lubos na naglagay sa panganib ng mahalagang infrastructure, habang 3.4 na milyon pa ang inaasahang hindi matutugunang trabaho sa cybersecurity pagsapit ng 2025 sa mundo. Tumutulong kami para makabuo ng matatag na workforce ng cyber space sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga career sa cybersecurity, anuman ang background o experience ng tao. Mabibigyang-kakayahan namin ang workforce ng cyber space sa hinaharap sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aming kadalubhasaan, pagpapalawak ng mga opsyon sa career, at pagbuo ng matatatag na partnership sa industriya para makatulong na protektahan ang mahalagang infrastructure.
Carter Spear, graduate ng Google Career Certificates
Google Cybersecurity Certificate

Pagbabahagi ng aming kadalubhasaan para mapalakas ang workforce ng cybersecurity

Binuo at itinuturo ng mga eksperto sa cybersecurity sa Google ang aming Google Cybersecurity Certificate na magbibigay sa mga mag-aaral ng mga hinahanap na kasanayang kailangan para sa mga entry-level na trabaho sa cybersecurity. Walang kailangang paunang experience para sa online na programa sa pagsasanay na ito, at kaya itong tapusin nang wala pang 6 na buwan. Itinuturo ng certificate kung paano tukuyin at tugunan ang mga karaniwang panganib, banta, at kahinaan.
Cyber Clinics, supported by Google.org
Suporta ng Google.org para sa cybersecurity sa APAC

Pagpapaunlad ng mga kakayahan para magprotekta laban sa mga cyber attack

Magbibigay ang Google.org ng US$15M sa The Asia Foundation para paigtingin ang mga kakayahan sa cyber space ng 300,000 hindi gaanong nasusuportahang negosyo at NGO sa pamamagitan ng pagbuo ng kapasidad at mga pilot na cyber clinic para mabigyan ang mga mag-aaral ng mga pagkakataon sa totoong buhay para mapahusay ang mga kasanayan nila sa cyber space.

Sinusuportahan din ng Google.org ang National Institute of Cyber Security sa pamamagitan ng US$1M na grant para mapahusay ang mga kakayahan sa cybersecurity ng mga hindi gaanong nasusuportahang organisasyon.

Pagkakaisa para sa mas ligtas na kinabukasan

Hindi mabilisang gawain ang pagbago sa workforce ng cybersecurity. Kailangan ng tuloy-tuloy na pagsisikap sa mga pampubliko, pribado, at pampamahalaang sektor. Nakatuon ang Google, sa tulong ng mga nangungunang organisasyon sa komunidad ng cybersecurity, sa pagbuo ng matatag at mas inclusive na workforce — kung saan magagawa ng sinumang interesado sa larangang ito na mag-access ng kaalaman, magpahusay ng kasanayan, maramdamang kasali sila, at magpalawak ng kanilang propesyonal na network. Matuto pa mula sa aming mga partner.