Hindi feature ang privacy, kundi pundasyon. Kaya naman nagtataguyod kami ng responsableng mga kagawian sa data sa lahat ng binubuo namin — tulad ng hindi pagbebenta ng personal mong impormasyon sa kahit na sino. At sa pamamagitan ng mga tool na madaling gamitin, mapipili mo ang mga setting ng privacy na naaangkop sa iyo.
Idinisenyo para panatilihin kang
pribado, ligtas, at secure
-
-
Naka-default na maging secure ang lahat ng produkto ng Google. Nagpapadala ka man ng email sa Gmail o nagpaplano ng susunod mong bakasyon gamit ang Gemini, tuloy-tuloy kang pinoprotektahan ng isa sa mga pinaka-advanced na infrastructure ng seguridad sa mundo. Awtomatikong pinipigilan ng aming AI-powered na seguridad ang mga banta — tulad ng phishing, malware, at mga scam — bago ka pa man maabot ng mga ito.
-
Para maging mapagsapalaran sa AI, kailangan naming maging responsable sa simula pa lang. Ang ibig sabihin nito ay pagtugon sa mga panganib at pag-maximize ng mga benepisyo para sa mga tao at lipunan. Sa paggabay ng aming mga panuntunan sa AI, nagsisimula kami sa pagbuo ng AI nang kaligtasan ang nasa puno't dulo para makapaghatid ng mga produktong naka-default na maging secure at idinisenyo para sa privacy.
Madaling i-adjust ang iyong mga setting ng privacy at seguridad, kahit kailan
MGA SETTING NG PRIVACY
Nasa iisang lugar ang iyong mga setting ng privacy
MGA SETTING NG PRIVACY