Ligtas na pag-navigate sa online na mundo

Si Lena Rohou ng Google ay responsable para sa German Google Digital Garage program, kung saan kasama sa hanay ng mga iniaalok ang mga kurso sa pagsasanay sa seguridad ng data

Ms. Rohou, mahalaga para sa mga pribadong indibidwal ang kaalaman tungkol sa privacy ng data at seguridad ng data kung paanong mahalaga rin ang mga ito para sa mga kumpanya. Ano ang mga kurso sa pagsasanay na iniaalok ninyo sa larangang ito?

Sa Google Digital Garage, nag-aalok kami ng pagsasanay sa mga digital na kasanayan sa mga taong gustong umusad sa kanilang sariling career o makatulong na palakihin ang kanilang kumpanya. Ang mga paksa ng kurso ay mula sa pangunahing kaalaman sa digital na marketing hanggang sa pagpapataas ng pagiging produktibo sa trabaho. Sa aming mga kurso sa privacy ng data at seguridad ng data, ipinapaliwanag namin ang two-factor authentication – ang proseso ng pag-log in sa account na may dalawang hakbang. Ipinapaliwanag din namin kung ano ang phishing at kung paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili mula rito. Puwedeng dumalo ang mga may-ari ng negosyo sa kurso sa Digital Garage para matuto kung paano gumamit ng HTTPS sa mga website.

Paano pinapatakbo ang mga kurso?

Libre ang lahat ng aming kurso – sumasali ka man sa isang kurso sa isa sa aming mga lokasyon sa Munich, Hamburg, o Berlin, o ginagamit mo ang onlie platform ng Digital Garage. Nagtatagal nang humigit-kumulang dalawang oras ang mga kurso sa site, at ang kagandahan nito ay binibigyan ka ng mga iyon ng oportunidad na makipag-usap sa iba pang kalahok at magkaroon ng mga interesanteng bagong contact.

Ano ang mga bagong kasanayang matututunan ng mga kalahok?

Siyempre, walang puwedeng maging eskperto pagkatapos lang ng dalawang oras. Pero, sapat na oras ito para maunawaan ang pangunahing kaalaman at bumuo ng mabuting pag-unawa sa kung paano mo puwedeng i-navigate ang digital na mundo nang mas ligtas, sa pribado at propesyonal na paraan.

Magparehistro na at sumali

Nag-aalok ang Google Digital Garage ng mga libreng kurso para ihanda ka sa digital na panahon. Palaguin ang iyong personal o propesyonal na pag-unlad sa isa sa mga lokasyon ng kurso o sa sarili mong bahay.

Para sa mga kurso sa Germany, bisitahin ang zukunftswerkstatt.de

Para sa mga kurso sa United Kingdom, bisitahin ang learndigital.withgoogle.com/digitalgarage

Para sa mga kurso sa Italy, bisitahin ang learndigital.withgoogle.com/digitaltraining

Para sa mga kurso sa France, bisitahin ang learndigital.withgoogle.com/ateliersnumeriques

Para sa mga kurso sa Spain, bisitahin ang learndigital.withgoogle.com/activatunegocio

Para sa mga kurso sa Netherlands, bisitahin ang learndigital.withgoogle.com/digitalewerkplaats

Mga Larawan: Eva Häberle

Mga pagsulong sa cybersecurity

Alamin kung paano namin napapanatiling ligtas ang mas maraming tao online kaysa sa sinupaman sa mundo.

Matuto pa