Pagsisiyasat ng background

Behind-the-scenes na pagtingin sa kung paano ginagawa ng Google na mas secure ang internet

Imprastraktura

Pinapatakbo ng Google ang isa sa mga pinakamalaki at pinakaligtas na imprastraktura ng cloud sa buong mundo. Matatagpuan ang mga data center nito sa iba't ibang panig ng mundo at nakakonekta ang mga ito sa pamamagitan ng mga fiber optic cable sa ilalim ng dagat. Maingat na sinusubaybayan ang buong system nang tuloy-tuloy.

Google Play Protect

Araw-araw, nagsusuri ang Play Protect ng humigit-kumulang 50 bilyong Android app para maghanap ng malware at mga virus. Nagaganap ang unang pagsusuri kapag may provider na sumusubok na mag-upload ng app sa Google Play Store. At naroon din ang Google Play Protect kapag gusto ng mga user na mag-download ng app o gamitin ito sa kanilang device. Kapag may natukoy ang serbisyo na potensyal na mapaminsalang app, bibigyan ng babala ng Google ang user o awtomatiko nitong aalisin ang app. Para sa higit pang impormasyon, bumisita sa android.com.

Pag-encrypt

Gumagamit ang Google ng iba't ibang teknolohiya sa pag-encrypt gaya ng HTTPS at Transport Layer Security para protektahan ang mga email na ipinapadala sa pamamagitan ng Gmail at mga larawang sine-save ng mga user sa cloud. Ginagamit din ng search engine ng Google ang HTTPS protocol bilang pamantayan.

Pagsuri sa mga kahilingan sa data

Hindi nagbibigay ang Google sa intelehensya o iba pang ahensya ng pamahalaan ng direktang access sa data ng user. Totoo ito sa United States, sa Germany, at maging sa bawat bansa sa mundo. Kung may awtoridad na hihiling ng access sa data ng user, sisiyasatin ng Google ang kahilingang iyon at hindi ito magbibigay ng access nang walang mabuting dahilan. Ilang taon nang nagpa-publish ng mga transparency report ang Google, na may kasamang mga kahilingan para sa data. Para basahin ang mga ulat, bumisita sa transparencyreport.google.com.

Ligtas na pag-surf

Pinoprotektahan ng teknolohiyang Ligtas na Pag-browse sa Google ang mga user laban sa mga mapanganib na site at nakakapinsalang tao. Pangunahin dito ang database na naglalaman ng mga address ng mga kahina-hinalang website. Kung may user na susubok na bumisita sa isa sa mga site na ito, makakatanggap siya ng babala. Gumagamit din ang Google ng artificial intelligence para labanan ang mga bagong diskarte sa phishing. Para magbasa pa, bumisita sa safebrowsing.google.com.

Pagsasara ng mga loophole

Kada taon, namumuhunan ang Google ng milyon-milyong dolyar sa mga proyekto sa pananaliksik – at sa “mga bug bounty.” Mga reward ito para sa mga dalubhasa sa IT na tumutulong sa kumpanya na humanap ng mga nakatagong loophole sa seguridad. Isa sa mga ekspertong ito ang 18 taong gulang na si Ezequiel Pereira mula sa Uruguay, na tumulong sa Google na matuklasan ang ilan sa mga pagkukulang na ito. Noong nakaraang taon, nakatanggap siya ng reward na $36,337 para sa isang mahalagang pagtuklas.

Project Zero

Nagsisikap ang elite na team ng seguridad ng Google para isara ang mga loophole sa seguridad bago mahanap ng mga hacker at magnanakaw ng data ang mga ito. Tinatawag ng mga eksperto ang mga pagkukulang na ito bilang “mga zero-day na kahinaan,” kaya naman pinangalanang Project Zero ang team. Hindi lang sa mga serbisyo ng Google nakatuon ang team; naghahanap din ito ng mga kahinaan sa mga serbisyo ng mga kakumpitensya, para masabihan sila tungkol sa mga ito at makatulong na maprotektahan din ang mga user nila. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa trabaho ng Project Zero, bumisita sa googleprojectzero.blogspot.com.

Tulong para sa iba pang IT provider

Palaging ginagawang available ng Google ang mga teknolohiya sa seguridad nito sa iba pang kumpanya nang libre, bilang pagsisikap na panatilihing ligtas ang internet, kahit sa labas ng saklaw ng Google. Halimbawa, magagamit ng mga developer at iba pang kumpanya ang Cloud Security Scanner para maghanap ng mga kahinaan. At ginagamit ng Safari browser ng Apple at ng Mozilla Firefox ang teknolohiya sa Ligtas na Pag-browse ng Google.

Proteksyon sa spam sa tulong ng AI

Gumagamit ang Google ng machine learning para protektahan laban sa spam ang mga user ng Gmail. Sinusuri ng mga neural network ang bilyon-bilyong hindi hiningi o hindi ginustong email at tumutukoy ang mga ito ng mga pattern na nagbibigay-daan sa pagtukoy ng spam. Napatunayan nang matagumpay ang pamamaraang ito. Ngayon, wala pang isa sa isang libong spam na email ang nakakarating sa mga inbox ng mga user – at bumababa pa ang bilang na iyon araw-araw!

Matuto pa sa:

safety.google

Mga Larawan: Robert Samuel Hanson

Mga pagsulong sa cybersecurity

Alamin kung paano namin napapanatiling ligtas ang mas maraming tao online kaysa sa sinupaman sa mundo.

Matuto pa