Idinisenyo para sa kaligtasan
ang bawat produkto ng Google.
Araw-araw, bilyon-bilyong tao ang gumagamit ng Google para makahanap ng maaasahang impormasyon, makapunta sa kanilang destinasyon, makipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay, at higit pa. Kapag gumagamit ka ng aming mga produkto at serbisyo, responsibilidad naming panatilihing pribado, ligtas, at secure ang iyong personal na impormasyon.
Ligtas at secure.
-
Mga ligtas na resultang may mataas na kalidad
Nagsisikap kami para matiyak na makakakita ka ng mga kapaki-pakinabang na resulta ng paghahanap na may mataas na kalidad at hindi spam sa web, gaya ng mga site na hindi inihahatid ang pangakong content na may mataas na kalidad o gumagamit ng mga diskarteng posibleng mapaminsala sa mga user. Patuloy naming pinapahusay ang aming teknolohiya sa pag-alis sa spam at patuloy kaming nakikipagtulungan sa labas ng Google para magsiguro may mataas na kalidad at mas ligtas na web.
-
Secure ang iyong mga paghahanap
Naka-encrypt bilang default ang lahat ng paghahanap sa google.com at sa Google app kaya protektado ang hinahanap mo.
-
Mga kontrol sa privacy na madaling gamitin
Ginagawa naming secure ang iyong history sa Search at tinitiyak naming madali mo itong masusuri at made-delete sa iyong account gamit ang mga kontrol sa privacy.
-
Mga kontrol para sa kaligtasan ng content
Idinisenyo ang Search para matulungan kang mahanap ang hinahanap mo. Puwede kang magdagdag ng layer ng proteksyon sa pamamagitan ng pag-opt in sa SafeSearch, na makakatulong sa pag-filter ng mga resultang tahasang seksuwal.
-
Maghanap sa Incognito mode gamit ang Google app
Ang Google app para sa iOS ay may kasamang Incognito mode. Palagi itong isang pindot lamang ang layo mula sa homescreen.
ligtas sa iyong pribadong impormasyon.
-
Malalakas na proteksyon laban sa phishing
Maraming malware at phishing attack ang nagsisimula sa email. Bina-block ng Gmail ang mahigit 99.9% ng spam, mga pagsubok na magsagawa ng phishing, at malware para hindi makarating sa iyo ang mga ito.
-
Kaligtasan ng account
Pinoprotektahan namin ang iyong account laban sa mga kahina-hinalang pag-log in at hindi awtorisadong aktibidad sa pamamagitan ng pagsubaybay sa maraming signal ng seguridad. Inaalok din namin ang Programang Advanced na Proteksyon para sa mga account na pinakananganganib sa mga naka-target na pag-atake.
-
Pag-encrypt ng email
Sa imprastraktura ng Google, ine-encrypt ang mga mensahe kapag nakabinbin at habang inihahatid sa pagitan ng mga data center. Ine-encrypt ang mga mensaheng inihahatid sa mga third-party na provider gamit ang Transport Layer Security kapag posible o kinakailangan ng configuration.
-
Secure bilang default
Pinoprotektahan ka ng mga built-in na proteksyon tulad ng Ligtas na Pag-browse, pag-sandbox, at iba pang pinakamahusay na teknolohiya laban sa mga mapanganib na site, malware, at banta kapag gumagamit ka ng Chrome.
-
Mga awtomatikong update sa seguridad
Awtomatikong mag-a-update ang Chrome kada anim na linggo para makuha mo ang mga pinakabagong feature at pag-aayos na panseguridad, at wala kang kailangang gawin.
-
Mga natatanging password na mahirap hulaan
Para mapanatiling mas secure ang lahat ng iyong account, puwedeng tumulong ang Chrome na gumawa ng mga natatanging password na mahirap hulaan at ilagay ang mga ito para sa iyo sa iba't ibang device habang nagba-browse ka sa web.
-
Incognito mode
Sa Incognito mode sa Chrome, makakapag-browse ka sa internet nang hindi nase-save ang iyong aktibidad sa browser o device mo.
kontrolin ang iyong privacy.
-
Incognito mode
Gumamit ng Maps sa Incognito mode at hindi mase-save sa iyong device ang aktibidad mo. Madaling i-on ang Incognito mode sa Maps sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong larawan sa profile, at i-off ito anumang oras para magkaroon ng mas naka-personalize na karanasan, kabilang ang mga rekomendasyon sa restaurant at iba pang feature na iniangkop sa iyo.
-
Mga kontrol sa privacy na madaling i-access
Sa pamamagitan ng “Iyong data sa Maps,” madali mong maa-access ang iyong History ng Lokasyon at iba pang kontrol sa privacy para tingnan at pamahalaan ang data mo.
ang iyong karanasan sa YouTube.
-
Mga Setting ng Ad
Hinding-hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon sa kahit na sino. Nagbibigay rin kami ng mga setting ng ad para mas mahusay mong makontrol ang mga ad na nakikita mo at ma-off mo ang pag-personalize ng mga ad sa iyong Mga Setting ng Ad.
-
Incognito mode
Habang naka-on ang Incognito mode sa YouTube, hindi mase-save sa iyong Google Account o maisasama sa history ng panonood mo ang iyong aktibidad – tulad ng mga pinapanood mong video.
-
Mga kontrol sa privacy na madaling gamitin
Mapapaganda ng iyong History sa YouTube ang karanasan mo at makakapagbigay ito ng mga rekomendasyon sa content. Pagpasyahan kung gaano katagal papanatilihin ang iyong History sa YouTube o ganap itong i-off sa pamamagitan ng pagpunta sa “Iyong Data sa YouTube.”
para sa mga alaala ng buhay.
-
Pagpapanatiling ligtas sa iyong impormasyon
Pinoprotektahan namin ang mga alaalang bina-back up mo sa Google Photos gamit ang isa sa mga pinakamakabagong imprastrakturang panseguridad sa buong mundo. Ine-encrypt din namin ang iyong impormasyon kapag inihahatid ito sa pagitan ng device mo, mga serbisyo ng Google, at aming mga data center.
-
Responsableng pangangasiwa ng data
Hindi ibinebenta ng Google Photos ang iyong mga larawan, video, o personal na impormasyon sa kahit na sino at hindi namin ginagamit ang mga larawan at video mo para sa pag-advertise. Pinapadali ng mga feature na tulad ng pagpapangkat ng mukha ang paghahanap at pamamahala sa iyong mga larawan. Gayunpaman, ikaw lang ang makakakita sa mga pangkat ng mukha at label at hindi namin ginagawang available sa komersyo ang teknolohiya sa pagkilala sa mukha na para sa pangkalahatang paggamit.
-
Pagbibigay sa iyo ng kontrol
Bumubuo kami ng mga tool na madaling gamitin na nagbibigay sa iyo ng kontrol sa karanasan mo sa Google Photos. Puwede kang pumili ng mga iba-back up na larawang gusto mong i-store sa cloud, ligtas na ibahagi ang iyong mga larawan, i-off ang mga pangkat ng mukha at label para i-delete ang mga ito sa account mo, at i-edit ang impormasyon ng lokasyon.
ang Google Assistant.
-
Nagsisimula nang naka-standby
Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang may ma-detect itong pag-activate, halimbawa, kapag narinig nito ang “Ok Google.” Kapag nasa standby mode ito, hindi ipapadala ng iyong Assistant sa Google o sa kahit na sino ang sinasabi mo.
Kapag naka-detect ang Google Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode at ipapadala nito ang iyong kahilingan sa mga server ng Google. Puwede rin itong mangyari kung may tunog na parang “Ok Google” o kung may hindi sinasadyang manual na pag-activate.
-
Idinisenyo para sa privacy
Bilang default, hindi namin pinapanatili ang iyong mga recording ng audio sa Google Assistant Bumisita sa “Iyong data sa Google Assistant” para matuto pa tungkol sa kung paano napapagana ng iyong data ang Google Assistant para sa iyo.
-
Mga kontrol sa privacy na madaling gamitin
Para kontrolin kung aling mga pakikipag-ugnayan ang iso-store, magsabi lang ng gaya ng “Ok Google, i-delete ang sinabi ko ngayong linggo,” at ide-delete ng Google Assistant ang mga pakikipag-ugnayang iyon sa “Aking Aktibidad.”
idinisenyo para magbigay ng proteksyon.
-
Google Play Protect
Awtomatikong sina-scan ng Google Play Protect ang iyong mga app para matiyak na ligtas ang mga ito. Kung may makita kang hindi maayos na app, mabilis ka naming aalertuhan at sasabihin namin sa iyo kung paano alisin ang app sa iyong device.
-
Mga pahintulot sa app
Gumagamit ang mga app na dina-download mo ng data sa iyong device para gawing mas kapaki-pakinabang ang functionality ng mga ito. Sa pamamagitan ng mga pahintulot sa app, makokontrol mo kung, at kung kailan, maa-access ng app ang iba't ibang uri ng data sa iyong device, gaya ng mga contact, larawan, at lokasyon.
-
Mga proteksyon laban sa phishing
Nangyayari ang phishing kapag may sumubok na manloko sa iyo para ibigay mo sa kanya ang iyong pribadong impormasyon. Inaalertuhan ka ng Android tungkol sa mga spammer, at nagbibigay-daan sa iyo ang Call Screen na itanong kung sino ang tumatawag bago mo pa ito sagutin.
-
Naka-on bilang default ang mga feature na pangkaligtasan
Para mapanatiling ligtas ang mga meeting, naka-on bilang default sa Google Meet ang mga feature laban sa pang-aabuso at secure na kontrol sa meeting, at sinusuportahan nito ang maraming opsyon sa two-step na pag-verify kabilang ang mga security key.
-
Naka-on bilang default ang pag-encrypt kapag inihahatid
Naka-encrypt kapag inihahatid ang lahat ng video meeting. Sumusunod ang Meet sa mga pamantayan sa seguridad ng IETF para sa Datagram Transport Layer Security (DTLS).
-
Sadyang secure na deployment
Hindi kailangan ng mga plugin para magamit ang Meet sa web. Ganap itong gumagana sa Chrome at iba pang browser, kaya mas mahirap itong maapektuhan ng mga banta sa seguridad. Sa mobile, puwede mong i-install ang Google Meet app.
kung paano ka namin pinapanatiling ligtas online.
-
Seguridad at privacyAlamin kung paano pinoprotektahan ng Google ang iyong pribadong impormasyon at kung paano ka nito binibigyan ng kontrol.
-
Kaligtasan ng contentAlamin kung paano kami naghahatid ng mapagkakatiwalaang impormasyon para makagawa ng mas ligtas na internet para sa lahat.
-
Kaligtasan ng pamilyaAlamin kung paano ka tinutulungan ng Google na pamahalaan kung ano ang naaangkop para sa iyong pamilya online.
-
CybersecurityAlamin kung paano namin napapanatiling ligtas ang mas maraming tao online kaysa sa sinupaman sa mundo.