Mga tool sa privacy na
nagbibigay sa iyo ng kontrol.
Pagdating sa privacy, alam naming hindi aangkop ang isang bagay para sa lahat. Kaya gumagawa kami ng mga kontrol na madaling gamitin para mapili mo ang mga setting ng privacy na tama para sa iyo.
Google Account
Madadaling gamiting setting ng privacy, lahat sa iisang lugar
Makakakita ka ng mga pangunahing setting ng impormasyon, privacy, at seguridad, lahat ng ito, sa iyong Google Account. Gumawa kami ng madadaling gamiting tool tulad ng Dashboard at Aking Aktibidad, na nagbibigay sa iyo ng transparency sa data na kinokolekta mula sa aktibidad mo sa lahat ng serbisyo ng Google. Mayroon ding mahuhusay na kontrol sa privacy tulad ng Mga Kontrol ng Aktibidad at Ang Aking Ad Center, na nagbibigay-daan sa iyong i-on o i-off ang pangongolekta at paggamit ng data para mapagpasyahan mo kung paano mas mahusay na gagana ang buong Google para sa iyo.
Mabilis na i-access ang iyong mga pangunahing setting ng privacy
Palaging madaling mahanap ang iyong Google Account sa aming mga pinakasikat na serbisyo tulad ng Search, Maps, YouTube, Gmail, at Assistant. Mag-tap lang sa iyong larawan sa profile at sundan ang link sa iyong account.
sa iyong Google Account
Mga Kontrol ng Aktibidad
Kontrolin kung anong data ang mase-save
Gamit ang Mga Kontrol ng Aktibidad, puwede kang magpasya kung anong mga uri ng aktibidad ang iuugnay sa iyong account para i-personalize ang karanasan mo sa lahat ng serbisyo ng Google. Puwede kang mag-pause ng mga partikular na uri ng data para hindi ito ma-save sa iyong account – tulad ng aktibidad mo sa Search at pag-browse, History sa YouTube, o History ng Lokasyon.
Pumunta sa Mga Kontrol ng AktibidadAwtomatikong I-delete
Itakda ang iyong data na awtomatikong ma-delete
Para bigyan ka ng higit pang kontrol, nagbibigay-daan sa iyo ang mga setting ng Awtomatikong i-delete na pumili ng limitasyon sa oras sa kung gaano katagal mo gustong panatilihin ang iyong data ng aktibidad. Tuloy-tuloy at awtomatikong ide-delete sa iyong account ang data na mas matagal na sa limitasyong pinili mo. Ginagawa nitong mas madali para sa iyo na itakda at kalimutan ito, pero puwede mong balikan at i-update ang mga setting na ito anumang oras.
Awtomatikong I-delete ang iyong aktibidadAking Aktibidad
Mag-delete ng data sa iyong account anumang oras
Ang Aking Aktibidad ay ang lugar kung saan mo mahahanap ang lahat ng bagay na hinanap, tiningnan, at pinanood mo gamit ang aming mga serbisyo. Para mas madaling maalala ang iyong nakaraang aktibidad online, bibigyan ka namin ng mga tool para mag-search ayon sa paksa, petsa, at produkto. Puwede kang permanenteng mag-delete ng mga partikular na aktibidad o mga buong paksang hindi mo gustong maiugnay sa iyong account.
Pumunta sa Aking Aktibidadmga setting ng privacy na tama para sa iyo.
Privacy Checkup
Isagawa ang Privacy Checkup
Sa loob lang ng ilang minuto, puwede mong piliin kung anong mga uri ng data ang mase-save sa iyong Google Account, i-update kung ano ang ibinabahagi mo sa iyong mga kaibigan o ginagawang pampubliko, at isaayos ang mga uri ng mga ad na gusto mong ipakita namin sa iyo. Puwede mong baguhin ang mga setting na ito hangga't gusto mo at puwede mo pang piliing magpadala ng mga regular na paalala.
mula mismo sa mga app
na ginagamit mo araw-araw.
Incognito Mode
I-on ang Incognito mode sa Chrome, Search, YouTube, at Maps
Unang inilunsad ang Incognito sa Chrome, at naging available na ito mula noon sa aming mga pinakasikat na app. Sa YouTube, Search sa iOS, at Maps, mag-tap lang sa iyong larawan sa profile para mabilis itong i-on o i-off. Kapag na-on mo ang Incognito mode sa Maps at YouTube, ang iyong aktibidad, tulad ng mga lugar na hinahanap mo o ang mga video na pinapanood mo, ay hindi mase-save sa iyong Google Account. Ang iyong history ng pag-browse at cookies mula sa session mo sa Incognito ay nade-delete sa Chrome kapag isinara mo na ang lahat ng window ng Incognito.
Iyong Data Sa
Kontrolin ang iyong data, mula mismo sa mga app mo
Ginawa naming mas madali para sa iyo na gumawa ng mga desisyon tungkol sa data mo nang direkta sa loob ng mga serbisyo ng Google na ginagamit mo araw-araw. Halimbawa, nang hindi umaalis sa Search, puwede mong suriin at i-delete ang iyong kamakailang aktibidad sa Search, mabilis na ma-access ang mga nauugnay na kontrol sa privacy mula sa iyong Google Account, at matuto pa tungkol sa kung paano pinapangasiwaan ng Search ang data mo. Maa-access mo ang mga kontrol na ito sa Search, Maps, at Google Assistant.
pinapanatiling ligtas online.
-
Built-in na seguridadMatuto pa tungkol sa aming mga awtomatikong proteksyon sa seguridad.
-
Mga kagawian sa dataMatuto pa kung paano namin iginagalang ang iyong privacy sa pamamagitan ng mga responsableng kagawian sa data.
-
Mga tip para sa seguridadTumuklas ng mga mabilisang tip at pinakamahusay na kagawian para manatiling ligtas online.
-
Mga ad at dataMatuto pa tungkol sa mga ad na nakikita mo sa aming mga platform.