Pinoprotektahan ang iyong privacy gamit ang
mga responsableng kagawian sa data.
May mahalagang tungkulin ang data para gawing mas kapaki-pakinabang ang mga produkto at serbisyo na ginagamit mo araw-araw. Nakatuon kami sa pangangasiwa sa data na iyon sa responsableng paraan at pagprotekta sa iyong privacy gamit ang mga mahigpit na protocol at makabagong teknolohiya sa privacy.
PAG-MINIMIZE NG DATA
Paglilimita sa personal na impormasyong ginagamit at sine-save
Naniniwala kami na dapat panatilihin ng mga produkto ang iyong impormasyon hangga't kapaki-pakinabang at nakakatulong lang ito sa iyo – para man sa paghahanap ng iyong mga paboritong destinasyon sa Maps o pagkuha ng mga rekomendasyon kung ano ang mapapanood sa YouTube.
Sa unang beses na io-on mo ang History ng Lokasyon – na naka-off bilang default – matatakda ang iyong opsyong awtomatikong i-delete sa 18 buwan bilang default. 18 buwan din ang default ng awtomatikong pag-delete ng Aktibidad sa Web at App para sa mga bagong account. Ibig sabihin nito ay awtomatiko at tuloy-tuloy na made-delete ang data ng iyong aktibidad pagkatapos ng 18 buwan, sa halip na panatilihin hanggang sa piliin mong i-delete ito. Puwede mong i-off ang mga setting na ito o baguhin ang iyong setting ng awtomatikong pag-delete anumang oras.
PAG-BLOCK NG ACCESS
Hindi namin kailanman ibinebenta ang iyong personal na impormasyon, at binibigyan ka namin ng mga kontrol sa kung sino ang may access
Nakatuon kami sa pagprotekta sa iyong data mula sa mga third party. Iyon ang dahilan kung bakit mahigpit naming patakaran na hindi kailanman ibenta ang iyong personal na impormasyon sa kahit sino. Hindi kami nagbabahagi sa mga advertiser ng impormasyong personal na tumutukoy sa iyo, gaya ng pangalan o email mo, maliban na lang kung hiniling mo sa aming gawin ito. Halimbawa, kung nakakakita ka ng ad para sa isang malapit na flower shop at pipiliin mo ang button na “mag-tap para tumawag,” ikokonekta namin ang iyong tawag at maaari naming ibahagi ang numero ng telepono mo sa flower shop. Kung gumagamit ka ng Android device, kinakailangan ng mga third-party na app na hilingin ang iyong pahintulot na i-access ang ilang partikular na uri ng data – gaya ng iyong mga larawan, contact, o lokasyon.
INOBASYON SA PRIVACY
Nakakatulong ang mga advanced na teknolohiya sa privacy na mapanatiling pribado ang iyong personal na impormasyon
Patuloy kaming gumagawa ng mga bagong teknolohiyang pumoprotekta sa iyong pribadong impormasyon nang hindi naaapektuhan ang mga karanasan mo sa aming mga produkto.
Ang federated learning ay isang teknolohiya sa pag-minimize ng data na binuo sa Google at nagsasanay sa mga modelo ng machine learning na nagpapagana sa marami sa aming mga kapaki-pakinabang na feature, tulad ng mga paghula sa salita, sa device mo mismo. Nakakatulong ang bagong diskarteng ito na mapanatili ang iyong privacy sa pamamagitan ng paghahatid ng mga kapaki-pakinabang na karanasan sa aming mga produkto habang pinapanatili ang personal na impormasyon mo sa iyong mga device.
Gumagamit kami ng mga nangungunang technique sa pag-anonymize para protektahan ang iyong data habang pinapahusay ang paggana ng aming mga serbisyo para sa iyo. Halimbawa, pinagsasama-sama at ina-anonymize namin ang data mula sa milyon-milyong user para magmungkahi ng mga alternatibong ruta para mas mabilis kang makauwi sa bahay.
Para mag-alok ng mga feature tulad ng pagiging busy ng lugar sa Maps, gumagamit kami ng advanced na teknolohiya sa pag-anonymize tulad ng differential privacy na nagdaragdag ng noise sa iyong impormasyon para hindi ito magamit para malaman ang personal na pagkakakilanlan mo.
Mga pagsusuri sa privacy
sa buong proseso ng pag-develop ng bawat produkto
Pangunahin ang privacy sa kung paano namin binubuo ang aming mga produkto, gamit ang mga mahigpit na pamantayan na gumagabay sa bawat yugto ng pag-develop ng produkto. Sumusunod ang bawat produkto at feature sa mga pamantayan sa privacy na ito, na ipinapatupad sa pamamagitan ng mga komprehensibong pagsusuri sa privacy. Matuto pa sa aming Patakaran sa Privacy.
TRANSPARENCY NG DATA
Ginagawang madaling makita at i-delete ang iyong data
Ikaw ang personal na magdedesisyon kung paano mo gagamitin ang aming mga produkto at serbisyo. Para matulungan kang gumawa ng mga may kaalamang desisyon sa kung anong data ang dapat i-save, ibahagi, o i-delete, ginagawa naming madaling maunawaan kung anong data ang kinokolekta at kung bakit.
Halimbawa, sa pamamagitan ng Dashboard, makakakita ka ng pangkalahatang-ideya ng mga produkto ng Google na ginagamit mo at ng mga bagay-bagay na sino-store mo, gaya ng iyong mga email at larawan. At gamit ang Aking Aktibidad, madaling makita at i-delete ang data na nakolekta mula sa iyong aktibidad sa mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga bagay na hinanap, tiningnan, at pinanood mo.
PORTABILITY NG DATA
Binibigyan ka ng kakayahang dalhin ang iyong data
Dapat magkaroon ng access ang bawat user sa content na ibinahagi nila sa amin – anumang oras at anuman ang dahilan. Iyon ang dahilan kung bakit namin ginawa ang I-download ang Iyong Data – para ma-download mo ang iyong mga larawan, email, contact, at bookmark. Opsyon mong gumawa ng kopya ng iyong data, i-back up ito, o kahit ilipat ito sa ibang serbisyo.
Ikaw ang palaging may kontrol sa data na naka-save sa iyong Google Account. Matuto pa rito.
sa mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data
Pinagsisikapan naming palaging sumunod sa mga naaangkop na regulasyon sa privacy. Sa paglipas ng mga taon, nakipagtulungan kaming mabuti sa mga awtoridad sa proteksyon ng data sa iba't ibang panig ng mundo at nagpatupad kami ng matitibay na proteksyon sa privacy na naaayon sa kanilang patnubay. At patuloy kaming namumuhunan nang malaki para i-upgrade ang aming mga system at patakaran habang ipinapatupad ang mga batas sa privacy sa buong mundo.
pinapanatiling ligtas online.
-
Built-in na seguridadMatuto pa tungkol sa aming mga awtomatikong proteksyon sa seguridad.
-
Mga kontrol sa privacyPiliin ang mga setting ng privacy na naaangkop para sa iyo.
-
Mga tip para sa seguridadTumuklas ng mga mabilisang tip at pinakamahusay na kagawian para manatiling ligtas online.
-
Mga ad at dataMatuto pa tungkol sa mga ad na nakikita mo sa aming mga platform.