Mga ad na gumagalang sa iyong privacy.

“Walang mas mahalaga kaysa sa pagpapanatili sa iyong ligtas online. Ang paggawa ng mga produktong secure bilang default, pribado ayon sa disenyo, at nagbibigay sa iyo ng kontrol ang paraan kung paano namin tinitiyak na mas ligtas ka sa Google araw-araw.”

- Jen Fitzpatrick, Senior Vice President, Core Systems & Experiences sa Google

Ang aming pagtuon sa responsableng pag-advertise.

Nasa sentro ng lahat ng ginagawa namin ang pagpapanatiling bukas, pribado, at ligtas ng internet. Nakatuon kami sa responsableng paghahatid ng mga ad. Ganito nalalapat sa mga ad ang mga prinsipyo sa privacy ng Google:

Hindi namin kailanman binebenta ang personal na impormasyon mo sa kahit sino.

Hindi namin kailanman binebenta ang personal na impormasyon mo sa kahit sino, kasama ang para sa mga layunin ng mga ad.

Transparent kami tungkol sa kung anong data ang kinokolekta namin at bakit.

Malinaw naming nilalagyan ng label ang mga ad at naka-sponsor na content sa aming mga platform at ginagawa naming madali para sa iyo na maunawaan kung bakit ipinapakita ang mga partikular na ad, kung anong impormasyon ang ginagamit, at kung paano mo makokontrol ang experience sa Google Ads mo.

Halimbawa, sa Search, YouTube at Discover, ipinapakita ng Ang Aking Ad Center sa iyo kung anong impormasyon ang ginagamit para sa mga ad at ginagawa nitong madaling pamahalaan ang impormasyon para tama ang experience para sa iyo.

Ginagawa naming madali para kontrolin mo ang iyong personal na impormasyon.

Ikaw ang may kontrol sa impormasyon mo at kung paano ito ginagamit para sa advertising. Ginagamit ang Iyong aktibidad sa Google — tulad ng mga site ng pinupuntahan mo at mga bagay na hinanap mo — para magbigay ng mga mas maganda at mas kapaki-pakinabang na experience sa aming mga produkto, kabilang ang mga ad, batay sa mga kagustuhan mo.

Hinahayaan ka ng Ang Aking Ad Center na i-customize ang mga experience sa ad mo sa Google Search, Discover, at YouTube para makakita pa ng mga brand at paksa na gusto mo at mas kaunti ng mga hindi mo gusto. Mapipili mo ring bawasan ang mga ad tungkol sa ilang sensitibong paksa ng ad, kasama ang alak, pagde-date, pagsusugal, pagbubuntis at pagiging magulang, at pagbabawas ng timbang.

Puwede mong ganap na i-off ang pag-personalize ng ad at permanteng i-delete ang data ng aktibidad na nauugnay sa accoount mo anumang oras gamit ang mga setting ng data at privacy.

Binabawasan namin ang data na ginagamit namin para higit pang protektahan ang privacy mo.

Hindi kami kailanman gumagamit ng sensitibong impormasyon tulad ng kalusugan, lahi, relihiyon, o sekswal na oryentasyon para mag-angkop ng mga ad sa iyo.

Hindi namin kailanman ginagamit ang content na ginagawa at sino-store mo sa mga app tulad ng Drive, Gmail, at Photos para sa layunin ng mga ad. At para higit pang protektahan ang privacy mo, ginawa naming default ang awtomatikong pag-delete para mga pangunahing setting ng aktibidad namin. Ibig sabihin nito na ang data ng aktibidad na nauugnay sa account mo ay awtomatiko at patuloy na ide-delete pagkalipas ng 18 buwan, sa halip na hanggang piliin mong i-delete ito.

Palagi kaming naghahanap ng mga paraan para panatilihing ligtas ang mga bata online, at hindi namin pinapayagan ang pag-personalize ng ad para sa mga bata kung alam naming wala pa silang 18 taong gulang.

Pinoprotektahan ka namin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga produktong secure bilang default.

Sentro sa trabaho ng Google ang pagprotekta sa privacy at pag-secure ng data mo. Dahil doon, patuloy na pinoprotektahan ang mga produkto ng Google ng isa sa mga pinaka-advanced na imprastraktura sa seguridad sa mundo. Ang built-in na seguridad na ito ay tumutulong na tukuyin at pigilan ang mga nagbabagong banta online, kabilang ang mga scam at pagsubok na makuha ang personal na impormasyon mo sa pamamagitan ng mga mapanlokong ad, para panatilihing ligtas ang impormasyon mo.

Bukod pa rito, para panatilihing ligtas ka, vine-verify namin ang mga advertiser sa buong mundo at nagtatrabaho kami para matukoy ang mga bad actor at limitahan ang kanilang mga pagsubok na magpanggap. Puwede kang matuto pa sa pamamagitan ng pagpunta sa aming mahahanapang hub ng lahat ng ad na inihahatid mula sa mga na-verify na advertiser sa Ads Transparency Center.

Bumubuo kami ng advanced na teknolohiya sa privacy at ibinabahagi namin ang mga ito sa iba.

Dapat ma-enjoy mo ang iyong online experience nang hindi nag-aalala sa kung anong personal na impormasyon ang kinokolekta, at kung sino ang nangongolekta. Kaya naman nakikipag-collaborate ang mga team sa buong Google sa mas malawak na industriya para mapahusay ang privacy ng mga tao online. Kasama rito ang pagpapatupad sa inisyatibang Privacy Sandbox at pag-develop ng mga teknolohiya sa confidential computing na nagbibigay-daan sa mga negosyo na makaugnayan ang mga customer at masukat ang epekto ng kanilang mga campaign ng ad, nang pinoprotektahan ang impormasyon ng user.

Piliin ang experience sa ad
na tama para sa iyo.
Mock ng hub page ng Ang Aking Ad Center, na may mga kontrol para ma-customize ang iyong experience sa ad

Mga Kontrol ng Ad sa Google

Sa Ang Aking Ad Center, mas madali na ngayong kontrolin ang mga ad na nakikita mo sa Google Search, YouTube, at Discover.

Pinapadali ng Ang Aking Ad Center ang pagkontrol sa impormasyong ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad. Kasama rito ang impormasyong nauugnay sa iyong Google Account at kung ano ang tantya namin sa mga interes mo batay sa iyong aktibidad. Puwede mo ring gamitin ang Ang Aking Ad Center para i-customize ang iyong experience sa ad para makakita ka pa ng mga brand na gusto mo, at limitahan ang mga brand na hindi mo gusto. Puwede mo ring permanenteng i-delete ang data ng aktibidad na nauugnay sa iyong account anumang oras.




Limitahan ang mga ad tungkol sa mga sensitibong paksa sa Google

Gamit ang Ang Aking Ad Center, puwede mong limitahan ang mga ad na nakikita mo tungkol sa ilang partikular na paksang posibleng nakakabagabag sa iyo, kasama ang alak, pakikipag-date, pagsusugal, pagbubuntis at pagiging magulang, at pagbabawas ng timbang. Matuto pa tungkol sa paglilimita sa mga sensitibong kategorya ng ad.

I-off ang mga naka-personalize na ad kahit kailan mo gusto

Puwede mo ring i-off nang tuluyan ang mga naka-personalize na ad. May makikita ka pa ring mga ad, pero posibleng hindi ito nauugnay sa iyong mga interes. Malalapat ang iyong mga setting saan ka man naka-sign in gamit ang Google Account mo.

Matuto pa tungkol sa
mga ad
na nakikita mo.

Bakit ipinapakita ang ad na ito?

Alamin kung anong data ang ginagamit namin para magpakita ng mga ad

Nakakatulong ang feature na “Bakit ipinapakita ang ad na ito” para maunawaan mo kung bakit mo nakikita ang isang partikular na ad. Halimbawa, puwede mong matuklasang nakakakita ka ng ad para sa camera dahil dati kang naghanap ng mga camera, bumisita sa mga website ng photography, o nag-click sa mga ad para sa camera.

Mock ng page na “Sino ang nagbayad para sa ad na ito” sa Ang Aking Ad Center na nagpapakita kung magkano ang partikular na ad

Pag-verify ng pagkakakilanlan ng advertiser

Matuto tungkol sa mga advertiser na nasa likod ng mga nakikita mong ad

Para mabigyan ka ng higit pang impormasyon tungkol sa kung sino ang nag-a-advertise sa iyo, nagsisikap kami para i-verify ang pagkakakilanlan ng mga advertiser sa aming mga platform. Bilang bahagi ng inisyatibang ito, kinakailangang kumumpleto ng programa para sa pag-verify ang mga advertiser para makabili ng mga ad sa Google, at makakakita ka ng mga paghahayag ng ad na naglilista ng pangalan at bansa ng advertiser.

Kung gusto mong matuto pa – tulad kung aling mga ad ang ipinakita sa partikular na rehiyon o ang format ng ad – puwede kang pumunta sa Ads Transparency Center, isang mahahanapang hub ng lahat ng ad sa Youtube, Search, at Display na inihahatid mula sa mga na-verify na advertiser. Puwede mong direktang i-access ang Ads Transparency Center, o sa pamamagitan ng pagbisita sa Ang Aking Ad Center sa pamamagitan ng menu na tatlong tuldok sa tabi ng mga ad na nakikita mo.

Puntahan ang Ads Transparency Center .

Matuto pa tungkol sa mga tinatanong ng mga tao tungkol sa mga ad.

Anong data ang ginagamit ng Google para sa mga ad?

Ginagamit namin ang iyong aktibidad sa Google – gaya ng mga site na binibisita mo, mga app na ginagamit mo, at mga bagay na hinanap mo, at mga kaugnay na impormasyong gaya ng lokasyon – para makapaghatid ng mga mas maganda at mas kapaki-pakinabang na experience sa aming mga produkto, kasama na ang mga ad.

Hinding-hindi kami gagamit ng sensitibong impormasyon tulad ng kalusugan, lahi, relihiyon, o sekswal na oryentasyon para iangkop ang mga ad na nakikita mo. At hindi rin kami gumagamit ng data mula sa Drive, Gmail, at Photos para sa mga ad.

Makokontrol mo kung anong impormasyon ang ginagamit para mag-personalize ng mga ad at puwede mong pamahalaan ang iyong mga preference sa mga ad sa Ang Aking Ad Center.

Bakit ginagamit ng Google ang impormasyon ko para sa pag-advertise?

Ginagamit ng Google ang iyong impormasyon para magpakita sa iyo ng mga ad na sa tingin namin ay nauugnay sa mga interes mo batay sa iyong mga aktibidad o para tulungan kang tumuklas ng bagong bagay.

Halimbawa, kung naghahanap ka ng mga bagong kotse, mas kapaki-pakinabang na makakita ng mga ad na nagtatampok ng mga promosyon mula sa mga lokal na dealer ng kotse kaysa makakita ng mga generic na ad para sa mga kagamitan sa balcony o pagkain ng alagang hayop.

Palagi kang may kontrol sa iyong data sa pamamagitan ng mga madaling gamiting tool sa privacy, at palaging kagustuhan mo ang masusunod kung magbabahagi ng impormasyon sa Google at kung paano ito gagamitin para sa pag-advertise.

Binabasa ba ng Google ang mga email ko o nakikinig ba ito sa mga tawag ko sa telepono para makapagpakita sa akin ng mga ad?

Hindi. Personal at pribado ang iyong email at ang mga pag-uusap mo. Hinding-hindi kami magpapakita sa iyo ng mga ad batay sa kung ano ang sinusulat mo sa iyong mga email, sinasabi mo sa telepono, o sino-store mo sa mga serbisyo tulad ng Google Drive.

Ibinebenta ba ng Google ang impormasyon ko sa mga advertiser?

Hindi.

Hinding-hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon sa sinuman.

Puwede mo bang ganap na i-off ang mga naka-personalize na ad?

Oo. Puwede kang bumisita sa Ang Aking Ad Center para i-update ang iyong mga kagustuhan o i-off ang pag-personalize ng mga ad.

Kung pipiliin mong hindi makakita ng mga naka-personalize na ad, makakakita ka pa rin ng mga ad, pero hindi na gaanong nauugnay sa iyo ang mga ito.

Mag-explore ng higit pang paraan kung paano ka namin
pinapanatiling ligtas online.