Isang ligtas na tahanan
para sa mga alaala sa buhay.

Ang Google Photos ang tahanan ng lahat ng iyong larawan at video, na awtomatikong nakasaayos at madaling ibahagi. Namumuhunan kami sa advanced na imprastraktura ng seguridad at kontrol sa privacy na madaling gamitin para ligtas kang makakapag-store at makakapagbahagi ng mga alaala.

Lahat ng paraang ginagawa ng Google Photos para mapanatiling ligtas ang iyong mga alaala.
Pinapanatiling ligtas ang iyong mga alaala
Pinapatakbo namin ang isa sa pinaka-advanced na imprastraktura ng seguridad, kung saan patuloy na sinusubaybayan ang lahat, mula sa mga custom na idinisenyong data center hanggang sa transcontinental na fiber-optic cable, para matulungang mapanatiling ligtas ang iyong mga alaala.

Secure na storage

Patuloy na pinoprotektahan ang Google services ng pinaka-advanced na imprastraktura ng seguridad sa buong mundo. Ang built-in na seguridad na ito ay tumutukoy at tumutulong sa pagpili sa mga banta online, kung kaya makakampante kang ligtas ang iyong personal na impormasyon.

Pag-encrypt

Pinapanatiling pribado at ligtas ng pag-encrypt ang data habang inililipat ito. Kapag nag-store ka ng iyong mga larawan, gagalaw ang data na gagawin mo sa pagitan ng iyong device, mga serbisyo ng Google, at aming mga data center. Pinoprotektahan namin ang data na ito gamit ang maraming layer ng seguridad, kasama na ang nangungunang teknolohiya sa pag-encrypt gaya ng HTTPS at encryption at rest.

Responsableng paggamit ng data
Nakikipag-ugnayan ang mga tao sa kanilang mga larawan sa iba't ibang app at device. Habang nagsisikap kaming padaliin para sa iyo na makagawa ng higit pa gamit ang mga larawang kinuha mo, dapat ma-i-extend ang mga pinadaling sandaling ito sa labas ng karanasan sa Google Photos at web sa responsableng paraan.

Pagpapangkat ng mukha

Awtomatikong iginugrupo ng pagpapangkat ng mukha ang magkakatulad na mukha at pinagbubukod-bukod ang mga ito para sa iyo para mapadali ang paghahanap at pamamahala sa mga larawan mo. Ikaw lang ang makakakita sa mga pangkat ng mukha at label. Ikaw ang magkokontrol kung naka-on o naka-off ang pagpapangkat ng mukha, at kung io-off mo ito, made-delete sa iyong account ang mga pangkat ng mukha. Hindi namin ginagawang available sa komersyo ang teknolohiya sa pagkilala sa mukha na may pangkalahatang layunin. Matuto pa.

Partner Program

Nakikipagtulungan kami sa mga partner at developer na gumagamit sa Google Photos API para matiyak na bumubuo sila ng mga kapaki-pakinabang na integration na magpapahusay sa iyong karanasan sa Google Photos. Kinakailangan ng mga partner na katrabaho namin na sumunod sa aming mga patakaran, at hindi nila maa-access ang anumang data nang wala ang iyong pahintulot.

Walang Mga Ad

Hindi ibinebenta ng Google Photos ang iyong mga larawan, video, o personal na impormasyon sa kahit na sino at hindi namin ginagamit ang mga larawan at video mo para sa pag-advertise.

Pagbibigay sa iyo ng kontrol
Sa tulong ng data, mas nagiging kapaki-pakinabang at nauugnay ang Google Photos, pero gusto naming tulungan kang magkaroon ng kontrol sa iyong karanasan. Nagsama kami ng mga tool na madaling gamitin sa aming mga produkto, na nagbibigay sa iyo ng kontrol at nagbibigay-daan sa iyong pumili ng mga setting na tama para sa iyo.

Piling pag-back up

Puwede mong piliing i-back up ang iyong mga larawan at video sa Google Photos o piliing i-back up lang ang mga larawang gusto mong i-store sa Google account mo.

Mga Ala-ala

Balikan ang pinakamagaganda mong sandali, pribadong ipinepresenta sa iyo. May opsyon kang mag-opt out sa pagtingin ng mga Memory ng mga partikular na tao o yugto ng panahon, at ang kakayahang ganap na i-off ang feature na ito.

Map View

Tingnan ang iyong mga larawan ayon sa lokasyon sa isang interactive na mapang ikaw lang ang makakakita. Pino-populate ang mapang ito gamit ang data ng lokasyong naka-save sa iyong Google Account. Puwede mong i-edit at alisin ang impormasyon ng lokasyong ginamit para i-populate ang mapa sa photos.google.com. Kung ayaw mong makitang nakasaayos ang mga larawan mo sa hinaharap sa map view na ito, puwede mong i-off ang History ng Lokasyon at data ng lokasyon sa iyong camera app.

Google Assistant

Hilingin sa Google Assistant na tulungan kang maghanap, tumingin, o magbahagi ng mga larawan. Sa iyong mga setting ng Assistant, puwede mong piliin kung ano ang gusto mong ipakita at ibahagi mula sa mga Assistant device mo, gaya ng Google Nest Hub o anumang Android phone. Para i-curate at kontrolin ang mga larawang lumalabas sa mga partikular na Smart Display o device na nakakonekta sa cast, puwede mong gamitin ang mga setting ng indibidwal na device sa iyong Home app.

Ligtas na pagbabahagi
Isang larawan man o buong album, ikaw ang nagkokontrol kung kanino mo ibinabahagi ang iyong mga larawan. Nagbibigay-daan ang mga madali at ligtas na kontrol sa iyo na magbahagi ng iyong content sa ilang partikular na tao, o puwede kang gumamit ng naibabahaging link para maibahagi ito nang mas malawakan.

Pagbabahagi ng album

Kapag nagbahagi ka ng album, ang default na opsyon ay ang ibahagi ito sa partikular na tao o mga tao sa pamamagitan ng Google Account nila. Mas binibigyan ka nito ng kontrol sa kung sino ang maidaragdag sa album. May opsyon ka pa ring magbahagi sa pamamagitan ng isang link, na pinapadali ang pagbabahagi sa mga taong hindi gumagamit ng Google Photos o na walang Google Account. Puwede mong i-update ang mga setting ng pagbabahagi sa iyong mga album anumang oras at kontrolin kung sino ang may access sa bawat album.

Direktang pagbabahagi

Kapag nagbahagi ka ng mga paisa-isang larawan at video, may opsyon kang idagdag ang mga ito sa isang kasalukuyang pribadong pag-uusap sa app.

Aktibidad sa pagbabahagi

Ang lahat ng ibinahagi mo sa pamamagitan ng Google Photos ay matatagpuan sa iisang lugar para mahanap mo ang lahat ng sandaling ibinahagi mo sa iyong mga kaibigan at kapamilya.

Protektahan ang iyong mga larawan gamit ang libreng storage sa Google Photos.
I-explore
ang Google Photos.
Alamin kung paano sinasama ang kaligtasan sa
bawat produktong ginagawa namin.