Email na
pinapanatiling ligtas ang iyong pribadong impormasyon.
Nagsisikap ang Gmail para maprotektahan ka laban sa spam, phishing, at malware bago pa makaabot ang mga ito sa iyong inbox. Nagba-block ng halos 10 milyong spam na email kada minuto ang aming pag-filter ng spam na pinahusay ng AI.
Mga proteksyon laban sa phishing
Mga proteksyon laban sa phishing
Maraming malware at pag-atakeng phising ang nagsisimula sa email. Bina-block ng Gmail ang mahigit 99.9% ng spam, mga pagsubok na magsagawa ng phishing, at malware para hindi makarating sa iyo ang mga ito.
Ligtas na Pag-browse
Ligtas na Pag-browse
Pinoprotektahan ka ng Ligtas na Pag-browse sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga mapanganib na link sa mga mensahe sa email at binibigyan ka nito ng babala bago mo bisitahin ang site.
Mga proactive na alerto
Mga proactive na alerto
Binibigyan ka ng babala ng Gmail bago ka mag-download ng attachment na posibleng makapagpahamak sa iyong seguridad.
Kaligtasan ng account
Kaligtasan ng account
Pinoprotektahan namin ang iyong account laban sa mga kahina-hinalang pag-log in at hindi pinapahintulutang aktibidad sa pamamagitan ng pagsubaybay sa maraming signal ng seguridad. Iniaalok din namin ang Programang Advanced na Proteksyon para sa mga account na pinakamalamang na mabiktima ng mga naka-target na pag-atake.
Confidential mode
Confidential mode
Puwede mong ipa-expire ang iyong mga mensahe pagkalipas ng nakatakdang panahon at alisin ang opsyon para maipasa, makopya, ma-download, o ma-print ng mga tatanggap ng mensahe mo mula sa Gmail.
Pag-encrypt ng email
Pag-encrypt ng email
Sa imprastruktura ng Google, ine-encrypt ang mga mensahe kapag nakabinbin at habang inihahatid sa pagitan ng mga data center. Ine-encrypt ang mga mensaheng inihahatid sa mga third-party na provider gamit ang Transport Layer Security kapag posible o kinakailangan ng configuration.