Tumutulong sa iyong magtakda ng
mga digital na batayang panuntunan sa pamamagitan ng Family Link.
Tinutulungan ka ng Family Link na pamahalaan ang mga account at device ng iyong mga anak habang nag-e-explore sila online. Puwede mong pamahalaan ang mga app, bantayan ang tagal ng paggamit, at puwede kang tumulong na magtakda ng mga digital na batayang panuntunan para sa iyong pamilya.
para sa iyong pamilya online.
-
Mga ulat ng aktibidad sa app
Hindi pare-pareho ang lahat ng tagal ng paggamit. Puwedeng depende ito kung gumagamit ang iyong account ng device para magbasa ng aklat, manood ng mga video, o maglaro. Puwede mong gamitin ang mga ulat ng aktibidad sa app ng Family Link para malaman kung aling mga app ang pinakamadalas gamitin ng iyong anak, at gumawa ng mga desisyon tungkol sa kung ano ang maa-access niya.
Pamahalaan ang mga setting ng account
Pamamahala at pag-secure sa account ng iyong anak
I-access ang Mga Kontrol ng Aktibidad ng iyong anak sa mga setting ng Family Link. Bilang magulang, puwede kang tumulong na baguhin o i-reset ang password ng iyong anak kung makalimutan niya ito. Puwede mo ring i-edit ang personal na impormasyon ng iyong anak o i-delete ang kanyang account kung sa palagay mo ay kinakailangan ito. Hindi siya puwedeng magdagdag ng isa pang profile sa kanyang account o device nang walang pahintulot mo. Panghuli, puwede mong tingnan para malaman ang lokasyon ng kanyang Android device (hangga't ito ay naka-on, nakakonekta sa internet, at aktibo kamakailan).
Para sa tulong sa pag-iisip ng mga digital na batayang panuntunan ng iyong pamilya, tingnan ang aming Gabay ng Pamilya. Sa pamamagitan ng mga tip na naghihikayat ng pag-uusap tungkol sa teknolohiya kasama ang iyong mga anak, magkakaroon ka at ang iyong pamilya ng higit na kumpyansang i-navigate ang digital na mundo nang magkasama.
puwedeng mahanap ng iyong mga anak online.
-
Ipa-access sa iyong anak ang Google Assistant sa pamamagitan ng kontroladong account
Puwedeng mag-log in ang mga bata sa mga device na may naka-enable na Assistant gamit ang kanilang account, na pinapamahalaan gamit ang Family Link. Magkakaroon sila ng sariling naka-personalize na karanasan sa Assistant at maa-access nila ang mga laro, aktibidad, at kwentong idinisenyo para sa mga pamilya. Hindi makakagawa ng mga transaksyon ang mga bata, at puwedeng magpasya ang mga magulang kung magkakaroon ng access ang kanilang mga anak sa mga third-party na karanasan sa Assistant.