Gumagawa ng mga pampamilyang
karanasan.

Naglalagay kami ng mga espesyal na feature – tulad ng mga smart na filter, blocker ng site, at content rating – sa karamihan ng aming mga produkto para gawing mas kasiya-siya ang mga ito para sa iyong pamilya.

Karanasan sa tablet na may
content na makakatulong sa mga bata na
tumuklas, lumikha, at umunlad.*
Screen na nagtatampok sa Google Kids Space na may cartoon character ng isang bata at na-curate na app na itinatampok kasama ng tumatalong hayop.
Ang iyong mga paboritong produkto,
idinisenyo para sa mga pamilya.
Screen na nagtatampok ng iba't ibang video na mapagpipilian ng mga bata sa YouTube Kids

YouTube Kids

Tumuklas ng mundo ng pagkatuto at kasiyahan sa pamamagitan ng YouTube Kids

Ginawa namin ang YouTube Kids para maging mas ligtas na kapaligiran para ma-explore ng mga bata ang kanilang mga interes sa pamamagitan ng mga online na video. Makakahanap ka ng mga pampamilyang video tungkol sa lahat ng iba't ibang paksa sa lahat ng iyong device, sa pamamagitan man ng pag-download ng YouTube Kids app, pagbisita sa amin sa web, o panonood sa YouTube Kids sa iyong smart TV.

Teleponong nagtatampok ng tab na pambata sa Google Play na may content na naaprubahan ng guro

Google Play

Content na “Naaprubahan ng guro” para sa iyong anak sa Google Play

Nakipagtulungan kami sa mga eksperto sa akademika sa iba't ibang dako ng bansa para tulungan kang mahanap ang content na naaangkop para sa iyong anak. I-browse ang aming tab na Pambata sa Google Play Store para maghanap ng mga app na “Naaprubahan ng guro” na parehong makabuluhan at nakakalibang. Sa page ng mga detalye ng app, makikita mo kung bakit mataas ang rating ng mga teacher para sa app, at matitingnan mo ang mga content rating para maunawaan kung naaangkop sa edad ang isang app. Makikita mo rin kung may mga ad, nagpapahintulot ng mga in-app na pagbili, o nangangailangan ng mga pahintulot sa device ang app.

Mataas ang mga pamantayan namin para sa mga developer na bumubuo ng mga app para sa mga bata, alinsunod sa aming mga patakaran ng developer para sa Play Store.

Isang Google Home na may mga speech bubble: May taong nagsasabing, "Hey Google, kuwentuhan ako." Tumutugon ang Google Assistant ng "Ok, isa itong kuwentong pinamagatang "Ang Soro at Ang Uwak" mula sa Storynory sa Google Playbooks..."

Google Assistant

Kasiyahan para sa buong pamilya sa tulong ng Google Assistant

Pinapadali ng iyong Assistant ang paghahanap ng libangang mae-nejoy ng pamilya nang magkakasama. Tumuklas ng mga pampamilyang laro at aktibidad sa pamamagitan ng aming programang Mga Pagkilos para sa Mga Pamilya, o pakinggan ang mga paborito mong kuwento bago matulog sa pamamagitan lang ng paghiling sa Assistant mo na magkuwento sa iyo. Makinig sa musikang mae-enjoy ng buong pamilya kapag nakapag-set up ka ng Mga Filter, at gumamit ng Downtime sa iyong device para makapag-unplug at masulit ang mga sandaling magkakasama kayo.

Sinuri ng mga taong tagasuri ang bawat isa sa aming mga aktibidad sa Mga Pagkilos para sa Mga Pamilya para matiyak ang pagiging pampamilya, pero walang perpektong system. Posibleng makalusot ang hindi naaangkop na content, kaya tuloy-tuloy kaming nagsisikap para mapahusay ang aming mga pag-iingat.

Nagbibigay sa mga mag-aaral at guro ng mga tool para sa mas ligtas na pag-aaral online.
Laptop na nagtatampok ng iba't ibang produkto ng Google na bahagi ng Google Workspace

Google Workspace

Bumubuo ng mas ligtas na kapaligiran sa pag-aaral para sa mga silid-aralan

Nakakatulong ang Google Workspace for Education para makapag-ugnayan ang mga guro at mag-aaral nang ligtas sa iba't ibang device. Walang ad ang mga pangunahing serbisyo nito, at hindi kami gumagamit ng anumang personal na impormasyon ng mga user na nasa elementarya hanggang sekondaryang (K–12) paaralan para mag-target ng mga ad. Nagbibigay din kami ng mga tool para matulungan ang mga administrator na magtakda ng mga patakaran sa mga naaangkop na aktibidad at makatulong na protektahan ang mga mag-aaral na gumagamit ng kanilang mga Google Account sa paaralan. Nagbibigay kami sa mga paaralan ng mga tool at resource na kailangan nila para makagawa ng mga matalinong pagpapasya sa mga serbisyo ng Google Workspace for Education na ginagamit ng kanilang mga mag-aaral.

Dalawang chromebook, isa sa harap ng isa pa.

Mga Chromebook

Ginagawang mas ligtas ang silid-aralan

Milyon-milyong mag-aaral ang gumagamit ng mga Chromebook – mga laptop ng Google – sa classroom. Mapapamahalaan ng mga administrator ang mga setting ng grupo para mabigyan ang mga mag-aaral ng mas marami o mas kaunting functionality o access ayon sa kinakailangan. Nakakatulong ang aming mga feature ng privacy at seguridad para mapanatiling protektado ang personal na impormasyon ng mga bata, at nakatulong ang mga ito para maging nangungunang opsyon ang Mga Chromebook sa mga K–12 na paaralan sa U.S. at sa maraming paaralan sa iba pang bansa.

Parental Controls

Matuto pa tungkol sa kung paano nakakatulong ang Google sa mga pamilya na magtakda ng mga digital na panuntunan at magtaguyod ng magagandang gawi online.