Pagharap sa responsibilidad sa content sa Dublin.
Ang GSEC Dublin, na matatagpuan sa aming mga headquarter sa Europe, ay isang panrehiyong hub para sa mga eksperto sa Google na nagtatrabaho para tugunan ang paglaganap ng ilegal at mapaminsalang content, at isang lugar kung saan maibabahagi namin ang gawaing ito sa mga tagagawa ng patakaran, mananaliksik, at regulator.
Ang Dublin ay isang hub para sa aming mga Trust and Safety team, kasama ang mga eksperto sa patakaran, espesyalista, at analyst na nagtatrabaho para panatilihing ligtas ang mga tao online gamit ang pinakabagong teknolohiya at artificial intelligence. Nagbibigay ang mga inisyatibang ito ng karagdagang transparency sa kanilang trabaho.
Paano Gumagana ang YouTube
Isang sulyap sa aming mga patakaran, produkto, at pagkilos
Araw-araw, milyun-milyong tao ang pumupunta sa YouTube para matuto, magkaroon ng inspirasyon, o masiyahan. Sa paglipas ng panahon, may mga tanong sa kung paano gumagana ang YouTube, kaya ginawa namin ang site na ito para magbigay ng ilang sagot – at para ipaliwanag ang ginagawa namin para isulong ang isang responsableng platform na maaasahan ng mga user, creator, at artist na bumubuo sa aming komunidad.
Mga tool sa Kaligtasan ng Bata
Paglaban sa pang-aabuso at pananamantala sa bata online
Nakatuon ang Google na labanan ang materyal na nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso sa bata (child sexual abuse material o CSAM) at mapigilan ang paggamit ng aming mga platform sa pagpapalaganap ng ganitong uri ng content Malaki ang ipinupuhunan namin sa paglaban sa pananamantala sa kabataan online at ginagamit namin ang aming pinagmamay-ariang teknolohiya para pigilan, i-detect, at alisin sa aming mga platform ang mga paglabag. Ginagamit din namin ang aming teknikal na kakayahan para bumuo at magbahagi ng mga tool para makatulong sa iba pang organisasyon na i-detect at alisin ang CSAM sa kanilang mga platform.
Ang Transparency Report
Pagbabahagi ng data sa access sa impormasyon
Mula 2010, regular na ibinabahagi ng Google ang Transparency Report para bigyang-linaw kung paano nakakaapekto sa privacy, seguridad, at access sa impormasyon ang mga patakaran at pagkilos ng mga pamahalaan at korporasyon. Kasama sa aming Transparency Report ang data sa mga kahilingan sa pag-aalis ng content mula sa mga pamahalaan, pag-delist ng content dahil sa copyright, pagpapatupad ng Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube, at pampulitikang pag-advertise sa Google, bukod sa iba pa.
Ang Google Safety Engineering Center ay binubuo ng daan-daang analyst, engineer, eksperto sa patakaran, mananaliksik, at iba pang eksperto, kung saan ang lahat ay nagtatrabaho para makabuo ng mas mahusay at mas ligtas na Internet.
“Padadaliin ng GSEC Dublin para sa mga regulator, tagagawa ng patakaran, at mananaliksik na magkaroon ng pag-unawa sa kung paano namin tinutugunan ang kaligtasan sa content.”
Amanda Storey
DIRECTOR OF TRUST & SAFETY
“Misyon naming protektahan ang mga taong gumagamit ng aming mga produkto, para makuha ang tiwala nila, ng aming mga partner, at ng mga komunidad kung saan kami nagpapatakbo, at tulungan ang Google na maging handa sa pang-aabuso at mga bad actor.”
Helen O’Shea
HEAD OF CONTENT RISK & COMPLIANCE
“Nagbibigay-daan sa amin ang aming framework ng mga sistematikong proseso na tulungan ang mga taong humanap ng mapagkakatiwalaang impormasyon mula sa mga ekspertong source, habang pinoprotektahan din ang aming mga user mula sa mga malinaw na mapanganib at mapinsalang content.”
Mary Phelan
DIRECTOR OF TRUST & SAFETY
"Araw-araw, nagsisikap ang aming mga team para sagutin ang tanong kung paano bigyang-daan ang access sa impormasyon sa aming mga platform habang pinoprotektahan ang mga platform na iyon at ang mga taong gumagamit ng mga iyon laban sa mga pang-aabuso at pinsala... sa pinsala online at potensyal na pinsala offline."
Claire Lilley
CHILD ABUSE ENFORCEMENT MANAGER
"Sa pamamagitan ng GSEC, maa-access ng mga regulator ang higit pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana sa kasanayan ang aming mga system sa pag-moderate ng content at iba pang teknolohiya, sa isang secure na lokasyong iniingatan ang pagiging kumpidensyal ng impormasyon ng user."
Brian Crowley
DIRECTOR OF GLOBAL ADS AND CONTENT INVESTIGATIONS
"Pagdating sa content sa aming mga platform, mayroon kaming responsibilidad na ingatan ang mga tao at negosyong gumagamit ng aming mga produkto, at na gawin iyon sa pamamagitan ng mga malinaw at transparent na patakaran at proseso."
Nuria Gómez Cadahía
TECHNICAL PROGRAM MANAGER
"Ang Dublin ay isang hub para sa aming mga Trust and Safety team sa rehiyon, na binubuo ng maraming iba't ibang eksperto sa patakaran, espesyalista, at engineer na nagtatrabaho para panatilihing ligtas ang mga tao online gamit ang pinakabagong teknolohiya at artificial intelligence.
Ollie Irwin
STRATEGIC RISK MANAGER
-

sa Google Safety Engineering Center.
Nakikipag-usap kami sa mga user sa buong mundo para maunawaan ang kanilang mga alalahanin tungkol sa kaligtasan sa Internet. Binibigyan namin ang aming team ng mga engineer ng space, inspirasyon at suporta upang bumuo ng mga solusyon para sa susunod na henerasyon para makatulong na mapabuti ang kaligtasan online.