Ang Secure AI Framework ng Google
(SAIF)

Napakalaki ng potensyal ng AI, lalo na ng generative AI. Habang sumusulong ang inobasyon, kailangan ng industriya ng mga pamantayan sa seguridad para sa pagbuo at pag-develop ng AI sa responsableng paraan. Kaya naman ipinakilala namin ang Secure AI Framework (SAIF), isang conceptual na framework para sa pag-secure ng mga AI system.

Anim na pangunahing element ng SAIF

Idinisenyo ang SAIF para tugunan ang mga pangunahing alalahanin para sa mga propesyonal sa seguridad, tulad ng pamamahala sa panganib sa AI/ML model, seguridad, at privacy — na nakakatulong na tiyaking secure bilang default ang mga AI model kapag ipinatupad ang mga ito.

Palawakin ang matitibay na pundasyon ng seguridad sa ecosystem ng AI
Palawakin ang pag-detect at pagtugon para madala ang AI sa kapaligiran ng banta sa seguridad ng isang organisasyon
I-automate ang mga depensa para matugunan ang mga kasalukuyan at bagong banta
Gawing magkakaayon ang mga kontrol sa antas ng platform para matiyak ang maaasahang seguridad sa buong organisasyon
Iayon ang mga kontrol para isaayos ang mga pagtugon at gumawa ng mas mabibilis na feedback loop para sa pag-deploy ng AI
Iayon ang konteksto ng mga banta sa AI system sa mga nauugnay na proseso ng negosyo
Pagbibigay-daan sa mas ligtas
na ecosystem

Nasasabik kaming ibahagi ang mga unang hakbang sa proseso ng pagbuo namin ng ecosystem ng SAIF sa mga pamahalaan, negosyo, at organisasyon para magsulong ng framework para sa secure na pag-deploy ng AI na angkop para sa lahat.

Pagdadala ng SAIF sa mga pamahalaan at organisasyon

Nakikipagtulungan kami sa mga pamahalaan at organisasyon para mabawasan ang mga panganib sa seguridad ng AI. Nakakaambag sa mga umuunlad na framework ng pagkontrol ang pakikipagtulungan namin sa mga tagagawa ng patakaran at organisasyong nagtatakda ng mga pamantayan, tulad ng NIST. Kamakailan naming itinampok ang papel ng SAIF sa pag-secure ng mga AI system, bilang pag-ayon sa mga pagtutuon sa AI ng Whitehouse.

Pagpapalawak ng SAIF sa mga kaalyansa sa industriya

Nagsusulong kami ng suporta para sa SAIF sa industriya sa mga partner at customer sa pamamagitan ng pag-host ng mga workshop sa SAIF para sa mga practitioner at pag-publish ng pinakamahuhusay na kagawian sa seguridad ng AI. Nakipagtulungan kami sa Deloitte para sa whitepaper tungkol sa kung paano magagamit ng mga organisasyon ang AI para tugunan ang mga pagsubok sa seguridad.

Mga Karagdagang Resource
Mga Karaniwang Tanong tungkol sa SAIF

Ano ang kaugnayan ng SAIF sa Responsableng AI?

Inaatasan ang Google na bumuo ng AI sa responsableng paraan, at bigyan ng kakayahan ang iba na gawin din ito. Inilalarawan ng aming Mga Panuntunan sa AI, na na-publish noong 2018, ang pangako naming mag-develop ng teknolohiya sa paraang responsable at may pangunahing pagsasaalang-alang sa kaligtasan, nagbibigay-daan sa pananagutan, at nagtataguyod sa matataas na pamantayan ng husay sa agham. Ang Responsableng AI ang pangkalahatang diskarte namin na may ilang dimensyon tulad ng ‘Pagiging Patas,’ ‘Kakayahang Mabigyang-kahulugan,’ ‘Seguridad,’ at ‘Privacy’ na gumagabay sa lahat ng pag-develop ng Google ng AI na produkto.

Ang SAIF ang framework namin sa paggawa ng naka-standardize at pangkalahatang diskarte sa pag-integrate ng mga hakbang sa seguridad at privacy sa mga application na pinapagana ng ML. Nakaayon ito sa mga dimenesyong ‘Seguridad’ at ‘Privacy’ ng responsableng pagbuo ng AI. Tinitiyak ng SAIF na dine-develop ang mga application na pinapagana ng ML sa responsableng paraan, nang may pagsasaalang-alang sa mga nagbabago-bagong panganib at inaasahan ng user.

Paano ipinapatupad ng Google ang SAIF?

May mahabang kasaysayan ang Google sa pagsusulong ng responsableng pag-develop ng AI at cybersecurity, at ilang taon na naming inilalapat ang pinakamahuhusay na kagawian sa seguridad sa mga inobasyon sa AI. Produkto ng napakaraming karanasan at pinakamahusay na kagawian na binuo at ipinapatupad na namin ang aming Secure AI Framework, at ipinapakita nito ang diskarte ng Google sa pagbuo ng mga app na pinapagana ng MP at gen AI nang may mga responsive, sustainable, at puwedeng masukat na proteksyon para sa seguridad at privacy. Patuloy naming papaunlarin at itataguyod ang SAIF para matugunan ang mga bagong panganib, nagbabagong kapaligiran, at bagong inobasyon sa AI.

Paanoo maipapatupad ng mga practitioner ang framework?

Tingnan ang aming mabilisang gabay sa pagpapatupad ng SAIF framework:

  • Hakbang 1 - Unawain ang paggamit
    • Kapag nauunawaan ang partikular na problema ng negosyo na lulutasin ng AI at ang data na kailangan para sanayin ang model, makakatulong ito sa pagsusulong ng patakaran, mga protokol, at mga kontrol na kailangang ipatupad bilang bahagi ng SAIF.
  • Hakbang 2 - Bumuo ng team
    • Ang pag-develop at pag-deploy ng mga AI system ay mga pagsisikap na nauugnay sa maraming larangan, gaya din ng mga tradisyonal na system.
    • Kadalasang kumplikado at hindi madaling maunawaan, maraming gumaganang bahagi, maraming kailangang data, maraming kailangang resource, magagamit para maglapat ng pagpapasyang nakabatay sa paghuhusga, at nakakagawa ng bagong content na posibleng nakakapanakit, mapanganib, o nakakapagsulong ng mga stereotype at pagkiling sa lipunan ang mga AI system.
    • Magtaguyod ng angkop na team na sumasaklaw sa maraming larangan para matiyak na isasaalang-alang ang seguridad, privacy, panganib, at pagsunod sa simula pa lang.
  • Hakbang 3 - Magtakda ng level gamit ang AI primer
    • Sa pagsabak ng mga team sa pagsusuri ng mga naaangkop na paggamit sa negosyo, iba't ibang, kumplikasyon, panganib, at kontrol sa seguridad - mahalagang nauunawaan ng mga nauugnay na partido ang pangunahing kaalaman sa lifecycle ng pag-develop ng AI model, at ang disenyo at logic ng mga pamamaraan ng model, kabilang ang mga kakayahan, kagandahan, at limitasyon.
  • Hakbang 4 - Ilapat ang anim na pangunahing element ng SAIF (nakalista sa itaas)
    • Hindi nilalayong ilapat ang mga element na ito nang sunod-sunod.

Saan ako nakakahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa SAIF at kung paano ito magagamit sa negosyo o entity ko?

Manatiling nakatutok! Magpapatuloy ang Google sa pagbuo at pagbabahagi ng mga resource, gabay, at tool sa Secure AI Framework, kasama ng iba pang pinakamahusay na kagawian sa pag-develop ng AI application.

Bakit namin sinusuportahan ang secure na komunidad ng AI para sa lahat

Bilang isa sa mga unang kumpanyang nagsaad ng Mga panuntunan sa AI, kami ang nagtakda ng pamantayan para sa responsableng Al. Ginagabayan nito ang pag-develop namin ng produkto para mapanatili ang kaligtasan. Nagsulong at nag-develop kami ng mga framework sa industriya para mapaigting ang antas ng seguridad at natutunan naming mahalagang bumuo ng komunidad na magsusulong sa pagsisikap na ito para magtagumpay ito nang pangmatagalan. Kaya naman nasasabik kaming bumuo ng komunidad ng SAIF para sa lahat.

Pagbibigay ng kasanayan sa Workforce

Nagbabahagi kami ng kadalubhasaan at nakikipagtulungan kami sa iba para gumawa ng mga bagong daloy ng career.