Pagpapalakas sa workforce ng cybersecurity para makabuo ng mas ligtas na mundo para sa lahat.
Tumaas nang 38% noong nakaraang taon ang mga cyberattack sa buong mundo, na lubos na naglagay sa panganib ng mahalagang infrastructure, habang 3.4 na milyon pa ang inaasahang hindi matutugunang trabaho sa cybersecurity pagsapit ng 2025 sa mundo. Tumutulong kami para makabuo ng matatag na workforce ng cyber space sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga career sa cybersecurity, anuman ang background o experience ng tao. Mabibigyang-kakayahan namin ang workforce ng cyber space sa hinaharap sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aming kadalubhasaan, pagpapalawak ng mga opsyon sa career, at pagbuo ng matatatag na partnership sa industriya para makatulong na protektahan ang mahalagang infrastructure.
Pagbabahagi ng aming kadalubhasaan para mapalakas ang workforce ng cybersecurity
Binuo at itinuturo ng mga eksperto sa cybersecurity sa Google ang Google Cybersecurity Certificates, na magbibigay sa mga mag-aaral ng mga hinahanap na kasanayang kailangan para sa mga entry-level na trabaho sa cybersecurity. Walang kailangang paunang experience para sa online na programa sa pagsasanay na ito, at kaya itong tapusin nang wala pang 6 na buwan. Itinuturo ng certificate kung paano tukuyin at tugunan ang mga karaniwang panganib, banta, at kahinaan.
Pagpapaunlad ng mga kakayahan para magprotekta laban sa mga cyber attack
Magbibigay ang Google.org ng US$15M sa The Asia Foundation para paigtingin ang mga kakayahan sa cyber space ng 300,000 hindi gaanong nasusuportahang negosyo at NGO sa pamamagitan ng pagbuo ng kapasidad at mga pilot na cyber clinic para mabigyan ang mga mag-aaral ng mga pagkakataon sa totoong buhay para mapahusay ang mga kasanayan nila sa cyber space.
Sinusuportahan din ng Google.org ang National Institute of Cyber Security sa pamamagitan ng US$1M na grant para mapahusay ang mga kakayahan sa cybersecurity ng mga hindi gaanong nasusuportahang organisasyon.
Hindi mabilisang gawain ang pagbago sa workforce ng cybersecurity. Kailangan ng tuloy-tuloy na pagsisikap sa mga pampubliko, pribado, at pampamahalaang sektor. Nakatuon ang Google, sa tulong ng mga nangungunang organisasyon sa komunidad ng cybersecurity, sa pagbuo ng matatag at mas inclusive na workforce. Dito, magagawa ng sinumang interesado sa larangang ito na mag-acces ng kaalaman, magpahusay ng kasanayan, maramdamang kasali sila, at palawakin ang kanilang propesyonal na network. Matuto pa mula sa aming mga partner.