Nagsisikap ang Google araw-araw para gawing mas ligtas para sa lahat ang internet
Protektahan ang mga tao, negosyo, at pamahalaan
Seguridad ang haligi ng aming strategy sa produkto. Kaya naman may mga built-in na proteksyon ang lahat ng aming produkto para secure ang mga ito bilang default.
Matuto paBigyang-kakayahan ang lipunan na tugunan ang mga panganib sa cybersecurity
Binibigyang-kakayahan namin ang mga lipunan na ma-unlock ang potensyal ng open source, at transparent naming ibinabahagi sa industriya ang aming kaalaman at kahusayan para panatilihing ligtas ang mga ecosystem.
Matuto paIsulong ang mga teknolohiya sa hinaharap
Gusto naming protektahan ang mga lipunan mula sa susunod na henerasyon ng mga cyberthreat. Sa tulong ng aming kahusayan sa AI, idinidisenyo namin ang susunod na hanay ng mga architecture para itulak ang mga hangganan ng inobasyon sa seguridad.
Matuto paNaglalagay kami ng advanced na seguridad sa bawat yugto ng aming pag-develop ng produkto at cloud infrastructure. Nagbibigay-daan ito sa mga organisasyon na i-modernize at palakasin ang kanilang IT security habang tinutulungan ang mga user na protektahan ang kanilang personal na impormasyon at i-access ang Internet sa ligtas na paraan.
-
Paglaban sa mapaminsalang content
Pinipigilan namin ang pang-aabuso at pinoprotektahan namin ang mga user, lalo na ang mga bata sa pamamagitan ng pag-detect at pag-aalis ng labag sa batas at nakakapinsalang content na lumalabag sa aming mga patakaran. Ginagawa namin ito sa iba't ibang kategorya ng pinsala, kabilang ang mga mapanlinlang na ad, pagpapakalat ng maling impormasyon, poot, mga scam, at kaligtasan ng bata.
Nakikipagtulungan kami sa mga nangunguna sa cybersecurity, pamahalaan, at komunidad ng seguridad para isulong ang mga pamantayan sa mundo na nagbibigay ng priyoridad sa mga proteksyon sa user, nilalabanan ang pagpapakalat ng maling impormasyon, at nagbabahagi ng kaalaman sa panganib para panatilihing bukas at secure para sa lahat ang Internet.
-
Pagpapalakas ng cyber workforce
Binibigyan namin ng kakayahan ang cyber workforce sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aming husay, pagpapalawak ng mga career pathway, at pagbuo ng matatag na partnership sa industriya at pamahalaan para tumulong sa paglunsad ng higit pang career sa cybersecurity — anuman ang karanasan o background — at bumuo ng mas ligtas na mundo para sa lahat.
-
Mandiant Threat Intelligence
Nagbibigay ang Mandiant ng real-time at in-depth na kaalaman sa banta sa harap ng cybersecurity sa pinakamalalaking organisasyon sa mundo. Kasama ng seguridad ng Google Cloud, tinutulungan namin ang mga negosyo at ahensya ng pampublikong sektor na manatiling protektado sa buong lifecycle ng seguridad.
Nagsisikap kaming protektahan ang mga vulnerable na user laban sa mga online na pag-atake habang pinoprotektahan ang kanilang privacy sa pamamagitan ng mga pagsulong sa AI, hardware, cloud computing, at pagpapataas sa mga international na pamantayan para sa quantum computing.
-
Mga AI-enabled na secure na produkto
May mga built in na awtomatikong proteksyon sa seguridad sa aming mga produkto para maghatid ng mga ligtas na experience sa lahat ng user. Tinutulungan ng machine learning ang Gmail na i-block ang spam, phishing, at malware, mula sa paglabas sa iyong inbox na mahigit 99.9% katumpakan.
-
Pinagkakatiwalaang hardware
Gumagamit ang mga security key ng cryptography ng pampublikong key para matiyak ang pinakaigting na proteksyon sa account. Binuo ang Titan Security Keys nang may hardware chip na idinisenyo para maiwasan ang phishing at mga pag-atakeng naglalayong mag-extract ng firmware at lihim na materyal ng key.
-
Google Trust Services
Ang GTS ay libreng awtoridad sa certificate na binuo sa infrastructure ng Google na ipinapamahagi sa iba't ibang geography at nag-o-authenticate at nag-e-encrypt ng mga koneksyon. Pinapanatili ng Google na secure ang sarili naming mga site gamit ang GTS at iniaalok na nito ngayon ang parehong teknolohiya para magamit ng lahat ng website.
Ang cybersecurity ay isang team sport, at kapag nagtutulungan tayo, napapabilis natin ang inobasyon at naisusulong natin ang pinakamahuhusay na kagawiang napapakinabangan ng lahat sa kumplikado at mabilis na nagbabagong landscape na ito.
Nagsisikap ang aming mga team sa privacy, seguridad, responsibilidad sa content, at kaligtasan ng pamilya sa iba't ibang panig ng mundo. Tumutulong ang aming mga GSEC na gabayan ang gawaing ito, na pinamumunuan ng mga bihasang engineer, espesyalista sa patakaran, at eksperto sa paksa.
Sinisilip ng aming pandaigdigang komunidad ng mga Bug Hunter ang aming mga produkto para panatilihing gumagana ang mga ito sa paraang nilalayong gumana ang mga ito at gawing mas ligtas na lugar ang internet.
Na-deploy namin ang nangungunang security advisory team sa mundo para suportahan ang seguridad at digital na pagbabago ng mga pamahalaan, kritikal na imprastraktura, mga negosyo, at maliliit na negosyo.
kung paano ka namin pinapanatiling ligtas online.
-
Sa aming mga produktoAlamin kung paano pinoprotektahan ang iyong kaligtasan sa lahat ng produkto ng Google.
-
Seguridad at privacyAlamin kung paano pinoprotektahan ng Google ang iyong pribadong impormasyon at kung paano ka nito binibigyan ng kontrol.
-
Kaligtasan ng contentAlamin kung paano kami naghahatid ng mapagkakatiwalaang impormasyon para makagawa ng mas ligtas na internet para sa lahat.
-
Kaligtasan ng pamilyaAlamin kung paano ka tinutulungan ng Google na pamahalaan kung ano ang naaangkop para sa iyong pamilya online.