Impormasyon at content na
mapagkakatiwalaan mo.
Sa Google, nilalayon naming balansehin ang paghahatid ng impormasyon at pagprotekta sa mga user at sa lipunan. Sineseryoso namin ang responsibilidad na ito. Layunin naming magbigay ng access sa mapagkakatiwalaang impormasyon at content sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga user mula sa kapahamakan, paghahatid ng maaasahang impormasyon, at pakikipagtulungan sa mga eksperto at organisasyon para makagawa ng mas ligtas na internet.
Pinapanatili naming ligtas ka at ang lipunan sa kabuuan sa pamamagitan ng mga advanced na proteksyong hindi lang pumipigil, pero tumutukoy at tumutugon din sa mapaminsala at ilegal na content.
Pigilan
Pagpigil sa pang-aabuso
Para mapanatiling ligtas ang mga tao laban sa mapang-abusong content, gumagamit kami ng mga proteksyong sinusuportahan ng AI. Awtomatikong nagba-block ang Gmail ng halos 10 milyong spam na email kada minuto para hindi makarating ang mga iyon sa mga inbox, at may mga tool ang Search para pigilan ang Autocomplete na magmungkahi ng mga posibleng mapaminsalang query. Natutulungan ng awtomatikong pagtukoy ang YouTube na mag-alis ng mapaminsalang content nang mabilis, mahusay, at maramihan—noong Q2 ng 2023, 93% ng mga video na lumalabag sa patakaran na inalis sa YouTube ang awtomatikong natukoy muna. Nagpapatupad din kami ng mga pangkaligtasang proteksyon sa aming mga generative AI tool para mapaliit ang posibilidad na magamit ang mga iyon sa paggawa ng mapaminsalang content.
Bukod pa rito, nasasaklawan ang bawat produkto namin ng hanay ng mga patakaran na nagbabalangkas sa katanggap-tanggap at di-katanggap-tanggap na content at mga gawi. Patuloy na pinapahusay at ina-update ang aming mga patakaran para matugunan ang mga lumalabas na panganib. Pagdating sa ginagawa namin sa AI, umaasa rin kami sa aming Mga Panuntunan sa AI para gabayan ang pag-develop ng produkto at matulungan kaming subukan at suriin ang bawat AI application bago iyon ilunsad.
Tukuyin
Pagtukoy ng mapaminsalang content
Nagbabago ang mga taktika ng masasamang-loob, kaya dapat kaming higit na magsikap para makatukoy ng mapaminsalang content na nakakapasok sa aming mga produkto. Natutulungan kami ng AI na malawakang maisagawa ang pagtukoy ng pang-aabuso sa iba't ibang platform namin. Nakakatulong ang mga AI-powered na classifier na mabilisang mag-flag ng potensyal na mapaminsalang content para sa pag-aalis o pag-escalate sa taong tagasuri. Noong 2022, natulungan kami ng awtomatikong pagpapatupad na makatukoy at makapag-block ng mahigit 51.2 milyong ad na may mapoot na salita, karahasan, at mapaminsalang pahayag tungkol sa kalusugan. Bukod pa rito, may potensyal ang mga Large Language Model, isang breakthrough na uri ng AI, na lubhang mapaikli ang oras na kinakailangan para makatukoy at makasuri ng mapaminsalang materyal, lalo na ang mula sa mga bago at lumalabas na panganib.
Nakikipagtulungan din kami sa iba pang organisasyon na nagfa-flag ng content na iniisip nilang posibleng mapaminsala. Tumatanggap ang Google at YouTube ng feedback mula sa daan-daang Priority Flagger, mga organisasyon sa iba't ibang panig ng mundo na dalubhasa sa kultura at paksa na nag-e-escalate ng content sa amin para sa pagsusuri.
Tumugon
Pagtugon nang naaangkop
Umaasa kami sa mga tao at sa teknolohiyang hatid ng AI para suriin ang mga potensyal na paglabag sa patakaran at tugunan nang naaangkop ang na-flag na content. Kapag may content na lumalabag sa aming mga patakaran, puwede naming limitahan, alisin, o i-demonetize iyon, o puwede kaming gumawa ng mga aksyon sa level ng account para mapaliit ang posibilidad ng pang-aabuso sa hinaharap.
Noong 2022, nag-block o nag-alis ang Google Maps ng mahigit 300 milyong pekeng content, 115 milyong review na lumalabag sa patakaran, at 20 milyong pagsubok na gumawa ng mga pekeng Profile ng Negosyo. Noong Q2 ng 2023, nag-alis ang YouTube ng mahigit 14 na milyong channel at 7 milyong video dahil sa paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
Para masuri ang konteksto at bahagyang pagkakaiba ng pagpapakahulugan habang pinapaliit ang posibilidad ng labis na pag-aalis, umaasa kami sa ~20K mahusay na sinanay na reviewer para gumampan sa iba't ibang tungkulin para ipatupad ang aming mga patakaran, mangasiwa ng content, at sumuri ng mga fina-flag na content sa iba't ibang produkto at serbisyo ng Google.
Kung naniniwala ang creator o publisher na nagkamali kami, puwede nilang iapela ang aming mga desisyon.
Binibigyang-daan namin ang pagtitiwala sa impormasyon at content sa aming mga platform sa pamamagitan ng paghahatid ng maaasahang impormasyon at pinakamahuhusay na tool para magawa mong sumuri ng content.
Paano namin inaayos ang impormasyon
Mahuhusay na algorithm
Sentro ng lahat ng ginagawa namin ang aming mga algorithm na palaging ina-update, mula sa mga produktong gaya ng Google Maps hanggang sa mga resulta ng Search. Gumagamit ang mga algorithm na ito ng mga advanced na Large Language Model at signal gaya ng mga keyword o pagiging bago ng website at content para mahanap mo ang mga resultang pinakanauugnay at pinakakapaki-pakinabang. Halimbawa, pangunahing nagpapakita ang YouTube ng content na may mataas na kalidad mula sa mga mapagkakatiwalaang source sa mga resulta ng paghahanap, rekomendasyon, at panel ng impormasyon para matulungan ang mga tao na makahanap ng napapanahon, tumpak, at kapaki-pakinabang na balita at impormasyon.
Gumawa kami ng ilang feature para matulungan kang maunawaan at masuri ang content na inilalabas ng aming mga algorithm at generative AI tool, para masiguradong may higit na konteksto ka tungkol sa nakikita mo online.
-
Ang Aking Ad Center
Pinapadali ng Ang Aking Ad Center ang pamamahala mo sa iyong experience sa ad para makita mo ang mga gusto mong brand nang mas madalas at ang mga ayaw mong brand nang mas madalang.
-
Fact check sa Search at News
Naglalabas ang Google araw-araw ng mga independent na fact check nang 6 na milyong beses. Sa pamamagitan ng mga advanced na tool ng Google sa pag-fact check ng mga larawan at resulta, mas madali ka nang makakatukoy ng maling impormasyon online.
-
Tungkol sa resultang ito
Nagbibigay ang "Tungkol sa resultang ito" ng mga detalye tungkol sa isang website para matulungan kang malaman iyon bago ka bumisita, kabilang ang paglalarawan dito, kung kailan iyon unang na-index, at kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa source at paksa.
-
Pag-watermark sa pamamagitan ng SynthID
Ang SynthID ay isang tool para sa pag-watermark at pagtukoy ng mga larawang binuo ng AI. Isa itong maaga at may potensyal na solusyong teknikal sa hinaharap na problema ng maling impormasyon online.
-
Tungkol sa larawang ito
Tinutulungan ka ng “Tungkol sa larawang ito” na tasahin ang kredibilidad at konteksto ng mga larawang nakikita mo online sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon, halimbawa, kapag may larawang posibleng unang nakita ng Google at kung paano ginagamit at inilalarawan iyon ng iba pang source.
Nakatuon ang YouTube sa pagtataguyod ng responsableng platform na maaasahan ng mga viewer, creator, at advertiser na bumubuo sa aming komunidad. Matuto pa tungkol sa aming proseso.
-
Alisin
Inaalis namin ang content na lumalabag sa aming mga patakaran — gamit ang kumbinasyon ng mga tao at teknolohiya.
-
Magbigay ng Priyoridad
Binibigyan namin ng priyoridad ang mga mapagkakatiwalaang source para sa mga balita at impormasyon, at nagbibigay kami ng konteksto para sa mga viewer.
-
Bawasan
Responsable kaming namamahala ng content sa pamamagitan ng pagbawas sa pagkalat ng borderline na content at mapaminsalang maling impormasyon.
-
Gantimpalaan
At ginagantimpalaan namin ang mga pinagkakatiwalaang creator sa pamamagitan ng Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP) kung saan binibigyan sila ng kita sa ad at iba't iba pang mapagkakakitaan. Mahigit $50 bilyon ang ibinayad sa mga creator, artist, at kumpanya ng media sa loob ng tatlong taon bago ang Hunyo 2022 sa pamamagitan ng YPP.
Maagap kaming nakikipagtulungan, nagbibigay ng impormasyon, at nagbabahagi ng aming mga resource at teknolohiya sa mga eksperto at organisasyon.
Pagbabahagi ng Kaalaman
Pakikipagpalitan ng kaalaman para mapanatili kang ligtas
Nakikipagtulungan kami sa mga eksperto mula sa civil society, akademya, at pamahalaan para kontrolin ang mga pandaigdigang isyung gaya ng maling impormasyon, kaligtasan ng ad, integridad ng eleksyon, AI sa pangangasiwa ng content, at paglaban sa pananamantala sa bata online. Nagpa-publish din kami ng mga resulta ng pananaliksik at nagbibigay kami ng mga dataset sa mga nasa akademya para maisulong ang progreso sa larangang ito.
Sa YouTube, regular kaming kumokonsulta sa aming independent na Komite sa Pagpapayo para sa Kabataan at Mga Pamilya tungkol sa mga update sa produkto at patakaran, kabilang ang aming Mga Panuntunan para sa Kabataan, pati sa serye ng mga update sa produkto na nakatuon sa kalusugan ng isip at kapakanan ng mga teenager.
Pagbabahagi ng Mga Signal
Pakikipagtulungan sa mga eksperto para labanan ang ilegal na content
Nakikipagtulungan din kami sa mga partner para makatuklas at makapagbahagi ng malinaw na mapang-abusong content at mga signal para maalis ang mga iyon sa mas malawak na ecosystem. Nagbabahagi kami ng milyon-milyong hash ng CSAM sa US National Center for Missing and Exploited Children kada taon. Kasali rin kami sa Project Lantern, isang programang nagbibigay-daan sa mga kumpanya ng teknolohiya na magbahagi ng mga signal sa secure at responsableng paraan. Bukod pa rito, kasama ang YouTube sa pagtatatag ng Global Internet Forum to Counter Terrorism (GIFCT) na nagbubuklod sa industriya ng teknolohiya, pamahalaan, civil society, at akademya para labanan ang aktibidad ng terorismo at marahas na extremism online.
Pagbabahagi ng Mga Resource
Pagsuporta sa mga organisasyong nakatuon sa kaligtasan
Sinusuportahan namin ang mga organisasyon sa iba't ibang panig ng mundo na nakatuon sa kaligtasan at kaalaman sa media online sa pamamagitan ng mahuhusay na programang nag-aalok ng pagsasanay at mga materyales, gaya ng Be Internet Awesome, Hit Pause ng YouTube, at Google News Lab. Bukod pa rito, nag-anunsyo ang Google at YouTube ng $13.2 milyong grant sa International Fact-Checking Network (IFCN) para suportahan ang kanilang network ng 135 organisasyong nagfa-fact check. Sa kabuuan, dahil sa mga pakikipagtulungan namin, nabigyan na ang mahigit 550K journalist ng mga kasanayan sa pag-verify online at nakapagsanay na kami ng 2.6 na milyon pa online.
Nagshe-share kami ng Mga Application Programming Interface (Mga API) na tumutulong sa iba pang organisasyon na maprotektahan ang kanilang mga platform at user mula sa mapaminsalang content.
-
Toolkit para sa Kaligtasan ng Bata
Binibigyan namin ang mga partner gaya ng Adobe at Reddit ng access sa aming mga tool na Content Safety API at CSAI Match na nakakatulong sa kanila na gawing priyoridad para sa pagsusuri ng tao ang Materyal na Nagpapakita ng Sekswal na Pang-aabuso sa Bata (Child Sexual Abuse Material o CSAM). Natutulungan ng mga tool na ito ang aming mga partner na magproseso ng mahigit apat na bilyong content kada buwan, kaya mas mahusay nilang nalalabanan ang sekswal na pang-aabuso sa bata online.
-
Safebrowsing API
Sa pamamagitan ng aming Safebrowsing API, nagagawa ng mga client application na alamin kung kasama ang mga URL sa aming palaging ina-update na mga listahan ng mga hindi ligtas sa resource sa web. Nakakapagbigay ang tool na ito ng proteksyon sa 5 bilyong device kada araw sa pamamagitan ng pagbababala sa mga user laban sa mga site na nagho-host ng malware o hindi gustong software.
-
Mga API para sa Kalidad ng Impormasyon
Sa pamamagitan ng aming mga API para sa kalidad ng impormasyon, nagkakaroon ng kakayahan ang mga publisher at platform na labanan ang nakakasama at mapaminsalang content. Nagpoproseso ang Perspective API ng 2 bilyong komento kada araw na nakakatulong sa 850+ partner na makontrol ang mga nakakasamang komento araw-araw. Kasama ang New York Times, Reddit, at Wall Street Journal sa mga organisasyong gumagamit ng Perspective API para pamahalaan ang mga mapang-abusong komento sa kanilang mga site.
-
Vision API
Tinutulungan ng aming Vision API ang mga developer na tumukoy at mag-alis ng mapaminsalang content sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa kanila na mag-integrate sa kanilang mga application ng mga feature na gaya ng pag-label ng larawan, optical character recognition (OCR), at pag-tag ng explicit na content. Puwedeng matagumpay na maklasipika ng Vision API ang 80% ng mga larawan nang may limitadong pansanay na data.
GSEC DUBLIN
Pagharap sa Responsibilidad sa content sa Dublin
Ang aming Google Safety Engineering Center para sa Responsibilidad sa Content sa Dublin ay isang panrehiyong hub para sa mga eksperto sa Google na kumikilos para pigilan ang pagkalat ng ilegal at mapaminsalang content at isa itong lugar kung saan puwede naming ibahagi sa mga tagagawa ng patakaran, mananaliksik, at regulator ang ginagawa naming ito. Sa pamamagitan ng aming network ng mga Google Safety Engineering Center, nagkakaroon ang aming mga team ng lugar, inspirasyon, at suporta para bumuo ng mga next-generation na solusyon para makatulong na mapaigting ang kaligtasan online.
Mas makabuluhan ngayon higit kailanman ang epekto ng ginagawa namin para makapagbigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon at content. Para masabayan ang mga problema sa pangangasiwa ng content, patuloy kaming mamumuhunan sa pagbuo at pagpapahusay ng mga patakaran, produkto, at prosesong makakapagbigay sa iyo ng kapanatagan ng isip at makakagawa ng mas ligtas na karanasan online para sa lahat.
na panatilihing ligtas ang lahat online.
-
Sa aming mga produktoAlamin kung paano pinoprotektahan ang iyong kaligtasan sa lahat ng produkto ng Google.
-
Seguridad at privacyAlamin kung paano pinoprotektahan ng Google ang iyong pribadong impormasyon at kung paano ka nito binibigyan ng kontrol.
-
Kaligtasan ng pamilyaAlamin kung paano ka tinutulungan ng Google na pamahalaan kung ano ang naaangkop para sa iyong pamilya online.
-
CybersecurityAlamin kung paano namin napapanatiling ligtas ang mas maraming tao online kaysa sa sinupaman sa mundo.