Ang mas madaling paraan para mag-sign in sa lahat ng iyong online na account.
Hindi dapat mahirap ang pag-sign in sa lahat ng online account mo. Dapat mabilis at madali ito at nang hindi ka nag-aalala na posibleng hindi protektado ang personal na impormasyon ng account mo.
Idinisenyo ang aming mga built-in na tool sa pag-authenticate na tulungan kang mabilis at secure na mag-sign sa mga app at serbisyong gusto mo.
-
Simple at secure na pag-sign in, nang walang password
Nagbibigay ang mga passkey ng pinakasimple at pinaka-secure na pag-sign in gamit ang lock ng screen ng device mo, kaya ang pag-sign in ay kasingdali ng pagtingin sa telepono mo o pag-scan ng fingerprint mo. Ang mga passkey ay pamantayan sa industriya na gumagana sa lahat ng iyong device at platform.
Matuto pa -
Madaling pag-sign in sa lahat ng device mo
Hindi kailangang matandaan o i-type ang mga passkey. Sa halip, gingamit mo ang iyong fingerprint, face scan, PIN, o ibang lock ng screen para mag-sign in - dalawang beses na mas mabilis kaysa gumamit ng password. Dahil naka-store ang mga passkey sa Google Account mo, available ang mga ito sa lahat ng naka-sync na device mo.
-
Next-generation na seguridad ng account
Batay sa mga pamantayan ng FIDO Alliance at W3C, ginagamit ng mga passkey ang parehong mga cryptographic na protokol ng pampublikong key na sumusuporta sa mga pisikal na security key, para maging mas malakas ang mga ito laban sa phishing, credential stuffing, at ibang pag-atake mula sa malayuan.
-
Ang mas ligtas na paraan para mag-sign in sa iyong mga paboritong app at serbisyo
Para sa iyo ang bilis at seguridad kapag nagsa-sign in sa lahat ng online account mo. Puwede kang mas ligtas at mas madaling mag-sign in sa libo-libong app at website habang alam na pinapanatiling pribado ligtas, at secure ang impormasyon sa pag-sign in mo ng iyong Google Account.
Alamin kung paano Mag-sign in gamit ang Google -
Ligtas na mag-sign in o mag-sign up kahit saan gamit ang isang pag-tap
Sa pamamagitan ng pag-sign up at pag-sign in gamit ang Mag-sign in gamit ang Google, ligtas ka mula sa mga bad actor na nagnanakaw ng mga password mo para sa mga third-party app at serbisyo. Kahit na magkaroon ng insidente sa seguridad ang app o serbsiyo, patuloy kang pinoprotektahan ng Mag-sign in gamit ang Google sa pamamagitan ng pag-verify sa bawat natatanging pag-log in.
-
Higit pang kontrol sa iyong mga account at koneksyon
Pamahalaan kung paano mo ginagamit ang Mag-sign in gamit ang Google, mga naka-link na account, at iba pang third-party na koneksyon gamit ang iyong Google Account. Puwede mong tingnan, i-update, at pamahalaan kung anong data ang pinipili mong ibahagi sa iisang lugar, para manatili kang organized at may kontrol.
Suriin ang mga koneksyon mo ngayon
-
Nakakatulong ang mga malakas na password para panatilihin kang ligtas
Para panatilihing pribado ang iyong personal na impormasyon, mahalagang hakbang ang pagpili ng mga malakas at natatanging password para sa mga online account mo. Gayunpaman, marami sa mga tao ang nagsasabing ginagamit nila ang parehong mahinang password sa maraming site, na lalong pinapahina ang mga account na iyon.
-
Tinutulungan ka ng Password Manager ng Google na pamahalaan ang mga password at passkey mo.
Pamahalaan ang mga naka-save na Password at Passkey moNaka-built in sa Chrome at Android, ginagawa, secure na nagmumungkahi, sine-save, at pinupunan ng Password Manager ng Google ang mga password para sa lahat ng iyong online na account. Gumagana ang mga passkey kasama ng mga password at madaling pinapamahalaan ang mga ito sa iisang lugar.
-
Nakakatulong sa iyo ang Mga Awtomatikong Alerto sa Password na panatilihing ligtas ang mga password mo
Araw-araw, milyon-milyong username at password ang nae-expose dahil sa mga bagong paglabag sa data. Nagsusubaybay ang Google para sa mga nakompromisong password, para kung natuklasang kasama sa paglabag sa data ang alinman sa iyong mga naka-save na password, awtomatiko ka naming aalertuhan.
Protektahan ang lahat ng online account mo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Password Checkup. Subukin ang lakas ng mga password mo, tingnan kung may ginamit ka nang higit sa isang beses, at alamin kung may nakompromiso.
kung paano ka namin pinapanatiling ligtas online.
-
Mga kontrol sa privacyPiliin ang mga setting ng privacy na naaangkop para sa iyo.
-
Mga kagawian sa dataMatuto pa kung paano namin iginagalang ang iyong privacy sa pamamagitan ng mga responsableng kagawian sa data.
-
Mga tip para sa seguridadTumuklas ng mga mabilisang tip at pinakamahusay na kagawian para manatiling ligtas online.
-
Mga ad at dataMatuto pa tungkol sa mga ad na nakikita mo sa aming mga platform.