Ginawa ang Google Assistant
para panatilihing pribado, ligtas, at secure
ang iyong impormasyon.
Kapag ginagamit mo ang Google Assistant, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong data, at responsibilidad naming protektahan at galangin ito. Personal ang privacy. Iyon ang dahilan kung bakit gumagawa kami ng mga simpleng kontrol sa privacy para tulungan kang piliin kung ano ang tama para sa iyo. I-explore ang page na ito para matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang Google Assistant, iyong mga built-in na kontrol sa privacy, mga sagot sa mga karaniwang tanong, at higit pa.
Nagsisimula nang naka-standby
Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang may ma-detect itong pag-activate, halimbawa, kapag narinig nito ang “Ok Google.” Kapag nasa standby mode ito, hindi ipapadala ng iyong Assistant sa Google o sa kahit na sino ang sinasabi mo.
Kapag naka-detect ang Google Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode at ipapadala nito ang iyong kahilingan sa mga server ng Google. Puwede rin itong mangyari kung may tunog na parang “Ok Google” o kung may hindi sinasadyang manual na pag-activate.
Alamin kung paano pinapangasiwaan ng Google Assistant ang mga audio recording, Aktibidad sa Web at App, at pag-personalize ng ad.
Nire-record ba ng Google Assistant ang lahat ng sinasabi ko?
Hindi. Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang may ma-detect itong pag-activate, halimbawa, kapag narinig nito ang “Ok Google.” Kapag nasa standby mode ito, hindi ipapadala ng iyong Assistant sa Google o sa kahit na sino ang sinasabi mo. Kapag naka-detect ang Google Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode at ipapadala nito ang iyong kahilingan sa mga server ng Google. Puwede rin itong mangyari kung may tunog na parang “Ok Google” o kung may hindi sinasadyang manual na pag-activate.
Paano ko ia-activate ang aking Google Assistant?
May ilang paraan para i-activate ang iyong Assistant depende sa device mo. Halimbawa, puwede mong sabihin ang “Ok Google” o manual itong i-activate sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa power button o button ng home ng iyong telepono.
Paano ko malalaman kung naka-activate ang Google Assistant?
Ipapaalam sa iyo ng status indicator sa iyong device, gaya ng indicator sa screen o mga nagpapatay-sinding LED sa itaas ng device mo, kapag naka-activate ang Google Assistant.
Bakit naa-activate ang Google Assistant minsan kahit hindi ko ginusto?
Posibleng ma-activate ang Google Assistant kahit hindi mo ginusto dahil mali nitong na-detect na gusto mo ng tulong nito - halimbawa, kapag may tunog na parang “Ok Google” o manual mo itong na-activate nang hindi sinasadya. Patuloy kaming nagsisikap na pahusayin ang aming mga system sa pagbabawas ng mga hindi ginustong pag-activate.
Kung mangyari iyon, at naka-on ang Aktibidad sa Web at App mo, puwede mong sabihin ang “Ok Google, hindi iyon para sa iyo,” at ide-delete ng iyong Assistant ang sinabi mo sa Aking Aktibidad. Puwede mo ring suriin at i-delete anumang oras ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa Assistant sa Aking Aktibidad. Kung mag-activate ang Google Assistant nang hindi mo ginusto, at naka-disable ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App, hindi iso-store ang iyong pakikipag-ugnayan sa Assistant sa Aking Aktibidad.
Para iangkop nang mas mabuti ang Google Assistant sa iyong kapaligiran, puwede mong ayusin kung gaano kasensitibo ang iyong Assistant sa mga parirala para sa pag-activate (gaya ng “Ok Google”) sa pamamagitan ng Google Home app para sa mga smart speaker at smart display.
Ano ang ginagawa ng Google Assistant kapag nasa standby mode ito?
Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang may ma-detect itong pag-activate. Sa standby mode, pinoproseso ng device ang maiikling snippet ng audio (ilang segundo) para maka-detect ng pag-activate – halimbawa, kapag sinabi mo ang “Ok Google.” Kung walang made-detect na pag-activate, hindi ipapadala o ise-save sa Google ang mga snippet ng audio na iyon.
Ano ang mangyayari kapag naka-detect ang Google Assistant ng pag-activate?
Kapag naka-detect ang iyong Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode - kasama rito kung may hindi sinasadyang manual na pag-activate o tunog na parang “Ok Google.” Pagkatapos, ire-record ng iyong device ang maririnig nito at ipapadala nito ang audio recording sa mga server ng Google para tugunan ang kahilingan mo. Maaaring isama ng recording ang ilang segundo bago ang pag-activate para makuha ang buong kahilingan mo.
Makokontrol mo anumang oras kung ise-save sa iyong Google Account ang anumang audio recording na ipinapadala sa mga server ng Google. Bilang default, hindi namin sine-save ang iyong mga audio recording. Masusuri mo ang iyong kasalukuyang setting sa pamamagitan ng pagtingin sa checkbox ng “Isama ang mga recording ng boses at audio” sa ilalim ng setting ng Aktibidad sa Web at App.
Idinisenyo para sa privacy
Bilang default, hindi namin pinapanatili ang iyong mga audio recording sa Google Assistant Pumunta sa “Iyong data sa Google Assistant” para alamin kung paano naiaangkop para sa iyo ng data mo ang Google Assistant.
Paano ginagamit ng Google Assistant ang data ko?
Ginagamit ng assistant ang iyong mga query at impormasyon mula sa mga naka-link mong device at serbisyo para maunawaan at masagot ka, kabilang ang pag-personalize sa iyong experience. Kasama sa mga halimbawa ng impormasyon mula sa iyong mga naka-link na device at serbisyo ang lokasyon, mga contact, mga pangalan ng device, gawain, event, alarm, naka-install na app, at playlist.
Ginagamit din ang iyong data para i-develop at pahusayin ang mga produkto at serbisyo at mga teknolohiya sa machine learning ng Google, tulad ng ipinapaliwanag sa Patakaran sa Privacy ng Google. Para makatulong na i-assess ang kalidad at mapahusay ang Assistant, binabasa, ina-annotate, at pinoproseso ng mga taong tagasuri ang text ng iyong mga query sa Assistant at kaugnay na impormasyon. May mga ginagawa kaming hakbang para protektahan ang iyong privacy bilang bahagi ng prosesong ito. Kabilang dito ang pagdiskonekta ng iyong mga query sa Google Account mo bago makita o ma-annotate ng mga tagasuri ang mga ito.
Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Google Assistant ang iyong data. Bisitahin ang Patakaran sa Privacy ng Google para matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan at ginagamit ng Google ang iyong data.
Sine-save ba ng Google Assistant ang aking mga recording ng audio?
Bilang default, hindi nire-retain ang iyong mga recording ng audio. Puwede mong piliing i-save ang iyong mga audio recording sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa “Isama ang mga audio recording” sa ilalim ng setting ng Aktibidad sa Web at App.
Ano ang benepisyo ng pagse-save ng mga audio recording ko sa Google Account ko?
Kung gusto mong makatulong na pahusayin ang aming teknolohiya sa pagkilala sa audio para sa lahat, puwede mong piliing secure na panatilihin ang iyong mga audio recording at gawing available ang mga ito sa aming mga system sa pagpapahusay ng speech. Nakakatulong ito sa mga produktong gaya ng Google Assistant na pahusayin ang kakayahan ng mga ito na maunawaan ang wika nang mas mabuti sa hinaharap. Matuto pa tungkol sa prosesong ito.
May ibang tao ba maliban sa akin na nakakarinig sa mga naka-save na audio recording ko?
Kung magdesisyon kang i-save ang iyong mga audio recording, posibleng suriin namin ang mga bahagi ng mga iyon para matulungan kaming pahusayin ang aming mga teknolohiya sa pagkilala sa audio.
Halimbawa, puwedeng gamitin ang mga audio recording para sa proseso ng pagsusuri sa audio ng Google. Sa prosesong ito, inaalisan ng kaugnayan sa mga Google account ang sample ng mga snippet ng audio na pinili ng machine. Pagkatapos, masusuri ng mga sinanay na tagasuri ang audio para i-annotate ang recording at i-verify kung tumpak na naintindihan ng mga teknolohiya sa pagkilala sa audio ng Google ang mga salitang sinabi. Nakakatulong ito sa produktong gaya ng Google Assistant na pahusayin ang kakayahan nitong maunawaan ang wika nang mas mabuti sa hinaharap.
Maa-access ba ng pamahalaan ang mga audio recording ko?
Ang mga ahensya ng pamahalaan mula sa buong mundo ay humihiling sa Google na maghayag ng impormasyon ng user. Sinusuri namin nang mabuti ang bawat kahilingan para tiyaking natutugunan nito ang mga nalalapat na batas. Kung masyadong maraming impormasyon ang hinihingi ng kahilingan, sinusubukan namin itong bawasan, at sa ilang sitwasyon, tumututol kaming maglabas ng anumang impormasyon. Sa aming Transparency Report, ibinabahagi namin ang bilang at mga uri ng kahilingang natatanggap namin. Matuto pa
Ibinebenta mo ba ang mga audio recording ko o iba ko pang personal na impormasyon?
Hindi kailanman ibinebenta ng Google ang iyong mga audio recording o iba pang personal na impormasyon.
Mga kontrol sa privacy na madaling gamitin
Para makontrol kung aling mga pakikipag-ugnayan ang sino-store, magsabi lang ng gaya ng “Ok Google, i-delete ang sinabi ko ngayong linggo,” at ide-delete ng Google Assistant ang mga pakikipag-ugnayan na iyon sa “Aking Aktibidad.”
Saan ko mahahanap ang aking mga kontrol sa privacy?
Magtanong lang sa Google Assistant ng mga bagay na gaya ng “Saan ko mababago ang mga setting ng privacy ko?” para malaman ang mga sagot sa mga pinakakaraniwang tanong tungkol sa privacy at seguridad. Puwede ka ring direktang pumunta sa “Iyong data sa Assistant” anumang oras para i-access ang mga kontrol sa privacy mo.
Sinabi mo na puwede kong i-delete ang mga pakikipag-ugnayan ko sa Assistant sa Aking Aktibidad. Paano iyon gumagana?
Puwede mong suriin at i-delete ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa Assistant sa Aking Aktibidad, o sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Ok Google, i-delete ang sinabi ko ngayong linggo.” Pumunta sa mga setting ng Assistant mo para ma-access ang mga karagdagang kontrol.
Puwede ko bang i-set up na awtomatikong i-delete ang data ko?
Oo, puwede mong itakdang awtomatikong i-delete ang data ng aktibidad mo sa Aking Aktibidad. Pumili ng limitasyon sa panahon kung gaano katagal mong gustong ma-save ang data ng aktibidad mo – 3, 18, o 36 na buwan – at patuloy na awtomatikong ide-delete sa Aking Aktibidad ang anumang data na mas matagal doon.
Paano ginagamit ng Google Assistant ang data para i-personalize ang aking experience?
Puwedeng i-personalize ng data mula sa iyong Google Account ang experience mo sa Google Assistant at gawing mas nakakatulong sa iyo ang Assistant mo.
May ilang tanong na kailangan ang iyong data para makatulong ang Google Assistant. Halimbawa, kung itatanong mo, “Kailan ang kaarawan ng aking ina?” kailangang i-reference ng iyong Assistant ang mga contact o para malaman kung sino ang "ina" at hanapin ang kanyang kaarawan. O kung tatanungin mo, “Kailangan ko ba ng payong bukas?” gagamitin ng iyong Assistant ang kasalukuyan mong lokasyon para ibigay sa iyo ang pinakanauugnay na sagot.
Gumagamit din ang Google Assistant ng data para bigyan ka ng mga proactive na suhestyon. Halimbawa, puwede kang abisuhan ng iyong Assistant kapag may trapiko sa mga karaniwan mong ruta sa pamamagitan ng paggamit sa iyong lokasyon.
Mapapahusay ng Google Assistant ang iyong mga resulta gamit ang aktibidad sa Google Account mo. Halimbawa, kung tatanungin mo, “Ano ang lulutuin ko para sa hapunan mamayang gabi?” puwedeng gamitin ng iyong Assistant ang nakaraang Search history para magbigay ng mga naka-personalize na inirerekomendang recipe.
Puwede mong bisitahin anumang oras ang “Iyong data sa Google Assistant” para tingnan o i-delete ang data mo, tingnan ang iyong mga kasalukuyang setting, at matuto pa tungkol sa mga available na kontrol.
Bisitahin ang Patakaran sa Privacy ng Google para alamin kung paano pinoprotektahan at ginagamit ng Google ang iyong data.
Alamin kung paano ginagamit ng Google Assistant ang iyong data.
Makokontrol ko ba kung binibigyan ako ng Google Assistant ng mga naka-personalize na resulta?
Oo. Dahil sa Google Assistant, nagiging mas madali para sa mga user na magkaroon ang bawat isa ng naka-personalize na experience sa isang nakabahaging device. Para makatanggap ng mga personal na resulta – tulad ng mga direksyon papunta sa trabaho o naka-personalize na rekomendasyon sa recipe – kapag nakikilala lang ng iyong Assistant ang boses mo, i-set up ang Voice Match sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito. Makakakuha din ang mga user ng Family Link ng mga personal na resulta mula sa Google Assistant sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito.
Sa mobile at mga nakabahaging device gaya ng mga speaker, puwede mong kontrolin ang access sa mga personal na resulta sa pamamagitan ng pagbabago sa iyong mga setting. At sa mobile, puwede mong kontrolin kung paano lumalabas ang mga personal na resulta sa iyong lock screen.
Binuo para sa mga pamilya
Nag-aalok ang Google Assistant ng iba't ibang paraan para panatilihing naaaliw at nasa iskedyul ang iyong buong pamilya. Makakatulong sa iyo ang mga tool gaya ng Family Link na pamahalaan kung paano nakikipag-ugnayan sa Assistant ang iyong pamilya.
Paano nagbibigay ang Google Assistant ng pampamilyang content?
Nagbibigay ang Google Assistant ng iba't ibang aktibidad, mula sa mga kuwento, hanggang sa mga laro, hanggang sa mga tool sa pag-aaral para sa mga bata at pamilya, kabilang ang ilang content na ibinibigay ng mga third-party na developer. Ang mga developer na ito ay dapat kwalipikadong mag-publish ng content para sa mga pamilya sa Assistant sa pamamagitan ng pagkakaroon ng app na Naaprubahan ng Guro, o pagpasok sa isang kasunduan sa partnership kasama ang Google para sa kanilang pampamilyang Pagkilos. Ang anumang Pagkilos na nilalayon para sa mga bata na ibinigay ng mga third-party na developer ay dapat tumugon sa mga partikular na kinakailangan ng aming programang Mga Pagkilos para sa Mga Pamilya, bilang karagdagan sa aming mga karaniwang patakaran sa Pagkilos. Sinusuri namin kung sumusunod ang Mga Pagkilos na ito sa aming mga patakaran at kinakailangan bago maging available sa pangkalahatan ang mga ito sa Google Assistant.
Paano ko mapapamahalaan kung anong content ang makukuha ng mga miyembro ng pamilya ko sa pamamagitan ng Google Assistant?
Puwede kang magtakda ng mga kontrol sa content para sa mga nakabahaging device sa iyong bahay, gaya ng mga smart display, gamit ang mga kontrol sa Digital Wellbeing sa Google Home app. Gamit ang mga setting na ito, magagawa mong pamahalaan ang mga iskedyul ng downtime, mga setting sa pag-filter ng content, at limitahan ang ilang partikular na aktibidad, gaya ng mga tawag sa telepono. Mapapagpasyahan mo rin kung nalalapat ang mga setting na ito sa mga bisita at sinusubaybayang account na pinapamahalaan gamit ang Family Link, o lahat ng user ng device na iyon.
Puwede kang magtakda ng mga limitasyon para sa mga indibidwal na bata gamit ang parental controls na iniaalok sa Family Link. Sa mga nakabahaging device, puwede mong i-link ang account ng iyong anak sa device gamit ang Voice Match, para makilala siya ng Assistant. Kapag naka-enroll na ang iyong anak, makakapag-access lang siya ng Mga Pagkilos na hindi Google na may badge na “Para sa mga pamilya” at mapipigilan siyang magsagawa ng ilang partikular na pagkilos, gaya ng pagbili sa pamamagitan ng Assistant. Nalalapat ang mga limitasyong ito sa anumang Google Assistant device kung saan naka-enroll ang mga ito. Para sa higit pang impormasyon kung paano gumagana ang Family Link account sa Google Home at Assistant, sumangguni sa Tulong sa Google for Families.
Paano pinoprotektahan ng Google Assistant ang personal na impormasyon ng mga bata?
Hindi nagbabahagi ang Google ng personal na impormasyon, gaya ng pangalan, email address, mga recording ng boses, o partikular na lokasyon ng iyong anak, sa mga provider ng Mga Pagkilos para sa Mga Pamilya. Sumasang-ayon din ang mga provider na ito na hindi humingi ng personal na impormasyon mula sa mga user sa kanilang mga pag-uusap sa Google Assistant. Kikilos kami kung may mapag-alaman kaming anumang Pagkilos na lumalabag sa mga patakarang ito.
Nagse-save ba ang Google Assistant ng mga recording ng audio mula sa mga pambatang feature?
Hindi kami nagse-save ng mga audio recording mula sa mga pakikipag-ugnayan sa mga pambatang feature gaya ng mga aktibidad sa Mga Pagkilos para sa Mga Pamilya o mga video sa YouTube Kids, maliban na lang kung may pahintulot kaming gawin ito para sa isang Google Account na Pinapamahalaan gamit ang Family Link na nag-opt in na isama ang mga audio recording. Para sa higit pang detalye, sumangguni sa aming Notification ng Privacy.
Puwede ba akong mag-alis ng anumang data sa mga aktibidad ng aking anak sa Google Assistant?
Oo. Puwede mong i-access, i-export, at i-delete ang na-save na aktibidad ng iyong anak sa pamamagitan ng pag-sign in sa kanyang account na pinapamahalaan ng Family Link. Puwede mo ring pamahalaan ang mga setting ng aktibidad ng iyong anak sa pamamagitan ng Family Link app, o sa pamamagitan ng pagbisita sa families.google.com at pag-click sa profile ng bata. Para sa higit pang detalye, pumunta sa g.co/childaccounthelp.